EPILOGUE
Nang mga panahong pinagpaplanuhan pa lang akong ikulong ng asawa ko ay may ideya na akong nasa paligid ko lang siya noon. Pero hindi ko pa alam na siya na pala iyon. Palagi akong nakakakita ng scorpion sa bahay, at ang pakiramdam ko noon habang nasa kwarto ako ay hindi ako nag-iisa at parang may nakamasid sa bawat kilos ko. Minsan rin ay nagigising na lamang ako sa malalim kong tulog dahil sa pakiramdam na may dumadamping kung anong malambot sa aking pisngi o kung hindi naman ay sa aking leeg. At kung minsan naman ay mayroong mga bisig na yumakap sa akin kapag nalulungkot ako. Akala ko isip ko lang lahat ng iyon, totoo na pala.
Kapag sa paaralan ko naman noon ay napapansin kong kumukonti na lang ang nagbibigay ng pansin sa akin. Minsan nga ay ramdam ko nang iniiwasan talaga ako ng mga kamag-aral ko, at ang tanging nakakalapit lang talaga sa akin ay si Dira at Jordan. Noon ay wala naman talaga akong pakialam.
Dumating ang araw ng graduation ko kung saan niya ako kinuha at ikinulong. Sa mga unang araw pa lang talaga ay nawala na ang katinuan ng utak ko. Matagal nang nasa bingit ng kasaltikan ang utak ko pero dahil sa ginawa niya ay tuluyan na nga talaga akong nawalan ng tino pero may kaunti pa namang ayos.
Nang mga panahong iyon ay inaamin kong naging masaya ako sa piling niya. Saltik nga rin ako diba? Naging kontento ako sa kung ano man ang naging buhay ko roon. That was until he revealed his real identity.
Hindi ko alam na mas may ikababaliw pa pala siya. Ang akala kong may saltik lang siya sa utak kagaya ko ay mas malala pa. Hindi ko rin alam noon na nakararamdam pa rin pala ako ng takot kahit wala naman na sa katinuan ang utak ko. Sino ba naman kasi ang hindi matatakot sa lalaking saltik na maninipsip pa pala ng dugo?
There is no Andalucia nor Chlorine na kimi. Walang doble kara. Ako iyon lahat. Kumbaga nag-iinarte lang ako. Gusto gustong kong paglaruan ang lahat ng nasa paligid ko. Simula pa noong bata ako. Siguro nagsimula iyon noong nawala sa puder namin ang kapatid ko. Kung gusto kong maging mabait ay nagiging mabait ako at kung hindi naman ay wala talaga akong sinasanto. Kagaya niya. Ginagamit niya ang pangalang Rite kapag mabait siya, Pioxe naman kapag isa siyang saltik, Scorpio naman kapag pinaghalo. We both didn't have any alters. Sadyang saltik lang talaga kami.
At saka hindi naman totoo iyong nangyari doon sa islang kimi. Pakana iyon lahat ni Ate Gemini. Para magising na ako.
Ang totoo niyan ako ang nakiusap sa kaniyang alisin ang lahat ng mga alaala ko. Gusto ko lang tignan kung ano ang magiging desisyon ko kapag ganoon ang senaryo. Akala ko magiging iba ang kahihinatnan ang kaso ay marupok at baliw pa rin talaga ako kahit ano pa man ang mangyari.
Dahil patapos na ang istorya ko, sasabihin ko na kung ano nga ba talaga ang totoong nangyari sa nakalipas na tatlong taon matapos akong makatakas sa rehas ko noong gabing iyon.
Noong kunin at gamutin ako ni Ate Gemini ay nagising ako. Nagpakilala siya sa akin at nang mga oras na iyon ay alam ko na kung ano ang kakayahan ko, matapos akong markahan ng lalaki. May kakayahan akong makita ang hinaharap ng mga taong nakakasalamuha ko. Hindi masyadong malinaw pero mayroon na akong ideya. Nang makita ko noon ang mukha ng Ate ay alam ko nang may malaki siyang parte sa buhay ko at kung ano man ang mangyayari sa aking hinaharap.
Sa mga oras na iyon ay ayaw ko pang maniwala. Ayaw ko pang maniwalang nakaya kong tanggapin ang lahat ng mga nangyari sa akin. Kaya binigyan ako ng pagkakataon ng Ate. Ang sabi niya sa akin ay hahayaan niya akong mabuhay ng wala ang kahit na anong alaala mula sa nakaraan ko. Pero sa oras na matapos ang kaniyang palugit ay kailangan ko nang magdesisyon.
BINABASA MO ANG
IMPRISONED
Vampire"You can't escape me because you belong in here-in this prison. You're my prisoner, Chlorine. . ." - S. P. DE WARREN