Chapter 20

75 2 0
                                    

Chapter 20




Hindi ako lumabas ng kwarto sa inis ko kila Mama. Kahit nagtanghalian na sila ay hindi talaga ako nagtangka. Busog pa naman ako sa kinain ko kaninang umaga kila Sir kaya okay lang rin. Papanindigan ko na muna ang pagtatampo ko, baka sakali ay magbago ang takbo ng utak ni Mama at sabihin sa akin ang sikreto nilang malupit.

Wala kaming trabaho kasi alam kong hindi si Sir Rigor magbubukas dahil sa hangover kagabi. Buti sa akin at mabilis lang ang epekto. Naglinis na lang ako sa loob ng kwarto ko at pagkatapos ay nagwork out ng kaunti, pampalipas ng oras. Alas tres ko naisipang lumabas ng kwarto para maligo. Balak kong magsimba. Kahit anong araw naman kasi sa amin ay may simba, kung ayaw akong kausapin ni Mama, si Lord na lang ang kakausapin ko.

Mas okay pang ganoon. Kay Lord ko na lang sasabihin lahat ng sama ng loob ko.

Naabutan ko ang bata na nonood ng paborito niyang palabas habang nilalantakan ang paborito niyang pagkain. Parang may sarili itong mundo sa klase ng pagkakaupo nito sa kahoy naming sofa. Walang pasabi akong tumabi sa kaniya at humaklit rin ng kinakain nito. Isang matalim na tingin ang ibinigay niya sa akin pero dedma lang ako. Ang gwapo talaga ng batang demonyitong 'to. Maganda talaga ang pagkakagawa ng mga magulang niya sa kaniya.

Inirapan ko siya tapos ay tumingin ako sa pinapanood niya. Bruskong bata na yung pinapanood ay Oggy and the Cockroaches. Alam ninyo iyon? Yung pusang kulay asul tapos may kasamang tatlong ipis na palagi niyang hinahabol? Tapos yung bahay ni Oggy ay mayroong walang katapusang hagdan kapag naghahabulan sila roon. Basta.

"S'an si Mama."

Nanghaba ang nguso niya bago ako pabalang na sinagot. "Di ko alam."

Nasaan kaya si Mama. Kung wala siya sa amin paano ang batang ito? Hanubayan, kung kailan ko gustong mapag-isa may sasagabal naman sa akin. Hindi ko naman pwedeng iwan kasi baka maglayas at ako pa ang masisi ni Mudra. Muli kong nilingon ang bata. "Aalis ako."

Mabilis itong tumingala sa akin at nangislap ang mga mata. "Sama ako, Klolox." Sinasabi ko na nga bang namana niya ang pagiging lakwatsera ni Mama. Humablot ulit ako ng wafer na kinakain niya at hindi naman siya nagreklamo. Tumayo ako at pinagpagan ang kamay ko.

"Tara, sabay na tayo maligo." Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya pero mabilis siyang naglambitin sa akin upang magpakarga. Kahit malaki siyang bulas ay wala akong nagawa kundi ang buhatin siya papasok sa banyo namin. Pinabayaan ko ring ngumangawa mag-isa ang tv namin. Ako naman kasi ang nagbabayad ng kuryente kaya ayos lang.

Buti nga at hindi siya nag-inarte habang pinapaliguan ko siya. Sakto lang siyang sumusunod sa akin hanggang sa matapos kaming dalawa maligo. Ang kinainisan ko lang ay muli siyang nagpakarga palabas ng banyo. Sinunod ko na lang kasi mas lalo lang kaming matatagalan kung hindi ako susunod. Baka hindi pa namin maabutan ang sermon ng pari.

"Saan tayo?" Tanong niya habang nilalagyan ko siya ng pulbos sa dibdib at likod. Ang suot niya ay simpleng polong kulay gray at maong na pantalon. Sneakers naman ang sa paa niya. Habang sinusuklay ko ang kulot niyang buhok ay di ko maiwasan ang mamangha. Para siyang isang cute na binatang brusko. Pinuyod ko ang buhok niya para maaliwalas rin siyang tignan mamaya sa simbahan.

"Magsisimba para naman mabawasan iyang sama ng ugali mo." Saad ko habang nakatingin sa salamin. Masama ang tingin sa akin ng bata dahil sa sinabi ko pero dedma na lang. Totoo naman eh.

IMPRISONEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon