Chapter 25

59 1 0
                                    

Warning; sensitive matters ahead.

Chapter 25



Namulat ako sa kakaibang tagpo. Namamasa ang mukha ko at pakiramdam ko ay galing ako sa pag-iyak na matagal na pinagtimpihan. Nilalamig rin ako at mukhang basa ang aking katawan. Pero sa hindi malamang dahilan ay nag-iinit naman ang buong pakiramdam ko. Bumungad sa aking mga mata ang isang lalaking nasa harapan ko. Nang makita ko ang mukha niya ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanlaki ang mga mata ko at nangatal ang aking mga labi.

Ang mukhang iyon. Hinding hindi ko malilimutan ang mukhang iyon. Nagbago man ng kaunti ang anyo niya ay hindi nito nabago ang malakas na pagtibok ng puso ko at ang kakaibang kaba na gumapang sa buo kong katawan. Nanginig ako at napaatras sa takot habang nakatingin sa mga mata niyang hindi ko mabasa ang emosyon.

"L-love." Pati boses niya ay nakatatak na yata sa utak ko.

Napahingal ako nang parang isang pelikula ang pumalabas sa utak ko. Simula sa pagkabata ko. Ang mukha ni kuya na tigmak ang mga luha habang humihingi sa akin ng tulong. Ang sakit sa mga mata ng mga magulang ko habang nakatingin sa akin. Ang pag-iiba ng kanilang mga ugali. Na kahit hindi man nila ipaalam sa akin ay alam kong ako ang kanilang sinisisi sa pagkawala ng kapatid ko.

Unti-unting nanikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga ng maayos.

Ang hindi nila sa akin pagsama sa aking graduation. Ang pagbalewala nila sa lahat ng importanteng okasyon ng buhay ko. Ang adik.

Kusang tumulo ang mga luha ko sa aking mga mata at mas lalong napaatras nang subukang lumapit sa akin ng lalaki. Umalpas ang mahihinang hikbi sa aking labi habang nakatingin sa kaniya.

Sa lalaking nagkulong sa akin sa impyerno. Parang sirang plakang paulit-ulit na pumalabas sa aking isip ang nakaraan.

Nabuwal ako sa aking pagkakatayo at marahas na tinakpan ang aking tainga nang marinig ko ang aking mga hikbi. Mga hikbing palakas ng palakas at parang sisirain nito ang aking pandinig. Naglupasay ako sa sahig habang ang aking mga luha, pawis ay sipon ay naghahalo-halo na.

Napasabunot ako sa buhok ko nang mariin. Ang takot at ang kakaibang kaba na pamilyar sa aking pakiramdam. Ang aking mga hiyaw sa pagmamakaawa at dahil sa sakit ng aking dinanas. Lahat. Lahat ng mga dinanas ko mula sa nakaraan ay sabay sabay kong nararamdaman at halos mabaliw ako. Ang mga sugat at pasakit na ininda ko galing sa demonyo ay parang bumalik at naramdaman ng buo kong katawan.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mababaliw na ako. Hindi na ako makahinga sa sobra kong pag-iyak. Nanginginig ang buo kong katawan. Wala akong ibang marinig kundi ang mga boses kong humihiyaw at nagmamakaawa. Naninikip ang dibdib ko. Tinatraydor ako ng sarili kong utak.

Wala sa sarili kong pinagpupukpok ang aking ulo sa isiping baka tumigil ang paglalaro sa utak ko ng malagim kong nakaraan. Pinagkakalmot ko ang aking anit. Hindi ko ramdam ang hapdi dahil mas masakit pa ang nararamdaman ko sa aking dibdib at isip.

Natigil ako sa pagkalmot nang may pumigil sa magkabila kong pulso. Nang matamaan ng mga mata ko kung sino ito ay mas lalo akong nanginig. Hindi lang pala sa utak ko makikita ang demonyo kundi naririto siya at kasama ko.

Kahit nanginginig ay marahas kong inagaw ang aking pulso at kinalmot siya sa mukha. "L-lumayo ka sa akin!" Parang wala lamang sa kaniya ang ginawa ko at nagsusumamo akong tinignan. Takot na takot ako at hindi ko na alam kung nasa tama pa ba akong pag-iisip lalo na noong nakita ko ang paghihirap sa mga mata niya.

IMPRISONEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon