Chapter 18

102 3 0
                                    

Dedicated specially to dobidobidapdapshit ang babae sa likod ng pangalang Jarenz na pinahiram sa akin para sa story kong ituuuu. ❤☺







Chapter 18





Hindi ako makatulog ng maayos. Maraming laman ang utak ko kaya hindi ko magawang matulog. Isama mo pa ang panreresling sa akin ng bata kong katabi. Kahit tulog ay halata ko na talagang may tinatago siyang sama ng loob sa akin. Nakakainis! Halos sakupin na niya ang maliit kong kama at wala naman akong magawa kundi ang pabayaan ito.

Ilang pagmumuni-muni pa ang ginawa ko at kung ano-ano pa ang inimagine ko bago ako dapuan ng antok. Nasa bingit na ako ng pagtulog ko nang maramdaman ko ang pagyakap at pagsiksik sa dibdib ko ng bata. Gumuhit ang isang maliit na ngiti sa labi ko at ginantihan rin ang yakap niya. Hinalikan ko siya sa tuktok ng noo niya at tuluyan na talaga akong nakatulog.

Kinaumagahan ay wala na sa tabi ko ang bata at hindi na ako nagtaka. Baka dumating kasi sila Mama kagabi at kinuha sa akin ang bata. As usual ay ginawa ko ang palagi kong ginagawa kapag papasok ako ng trabaho ko. Hindi ko na naabutan ang pag-alis nila Papa at kuya. Hindi ko man lang nakausap si Papa. Dibale, tatawagan ko na lang mamaya. Sabihin ko mag absent siya sa linggo para magsimba kami. Gusto ko rin kasing ipag-shopping silang lahat.

Tinanong ako ni Mama kung bakit naparami naman ata ang pagbili ko ng mga grocery namin sa bahay. Ang sabi pa nga niya ay baka nangutang na naman ako. Humagikgik lamang ako kaya nabato naman tuloy ako ng walis tambo. Pumasok ako sa trabaho ngayon na hindi ginambala ng bata. Nagpabili lamang ulit ito ng wafer at nagbantang kapag hindi ko siya mabilihan ay titiradurin niya ako.

Himala ring hindi ako late sa trabaho ko at naabutan ko pa ang pagbubukas ni Sir ng resto niya. Masaya akong kinawayan ni Jarenz. Alam ko na kung bakit siya masaya, malamang sa malamang ay kinausap siya ng manager namin. Paraan pa lang ng pagkakangiti niya ay alam ko na iyon. Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata ko nang makalapit na ako sa kaniya.

"Gurl, alam mo ba tinanong ako ni Baby Rigor. Feeling ko concern siya sa akin, ahihihi." Mabilis siyang naglambitin sa braso ko habang kilig na kilig sa mga sinasabi niya. Hindi ako huminga kasi kapag ginawa ko iyon ay mahihimatay ako. "Ano naman ang tinanong niya saiyo?" Hindi ko pinahalata ang pagkatamad ng boses ko. Pero mukhang hindi niya naman iyon napansin dahil ukupado ang isip niya ng matambok ng puwet ni Sir.

"Tinanong niya ako kung bakit daw palaging tumutulo laway ko kapag kausap siya, like myghad!, concern nga!" Napangiwi ako. Baka naman nandidiri lang siya saiyo at hindi concern, mabaho pa naman hininga mo. Buti na lamang talaga at malakas ang kontrol ko sa bibig ko at hindi ko iyon nasabi ng malakas at tanging sa isip ko lamang.

Kahit ang ilan sa iba kong mga katrabaho ay napapailing sa inaasta niya. Hanggang sa makapasok na kami sa loob ng resto ni Sir ay kilig na kilig pa rin ang babae.

"Listen up everyone!" Malakas na sigaw ni Sir Rigor kaya kaagad kaming nagtipon para makinig sa kaniya. Malaki ang ngiti niya sa labi kaya sigurado akong may maganda siyang sasabihin sa aming mga trabahador niya.

"Maaga tayo ulit na magsasara mamaya kasi magse-celebrate tayo. Punta tayong lahat sa VamBar mamaya, libre ko!"

"Yessss! Wooohhh!" Halos magpunyagi lahat ng mga katrabaho ko habang ako ay napangiti lamang. Minsan lang kasi maging galante si Sir, eh. Kuripot kasi.

IMPRISONEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon