Chapter 4

126 3 0
                                    

Chapter 4



Paano niya nalaman ang pangalan ko? At may englishero ba namang tricycle driver? At higit sa lahat bakit hindi man lang ako tumutol sa ginawa ng driver na iyon?!

Hindi ako nakatulog buong gabi. Sabog na sabog ako kinaumagahan. Buti nga at wala kaming pasok dahil sabado. Tinulungan ko si Mama na maglaba buong hapon kahit sabog ako. Pareho kaming sabog ni Mama. Hindi ko alam kung bakit habang si Papa naman ay ngingiti-ngiti kaninang umaga. Hindi ko na sila pinansin.

Nagkukusot si Mama nung mga damit na binabad niya sa washing, ako naman yung nagbabanlaw. Yung mga natapos kong banlawan ay linalagay ko kaagad sa drier. May mga nakaabang na ring mga hanger sa may sampayan. Pagnatapos kong mabanlawan ang ibang mga damit ay iyon naman ang aatupagin ko.

Binalingan ko si Mama na kulang na lang ay reslingin yung uniporme ni Papa. Napakunot yung noo ko. Ano bang problema nito?

"Ma."

"Oh?!" Galit yarn?

"Kilala mo yung inarkila mong driver sa tricycle kagabi?" Saad ko habang binabanlawan ang aming mga panty at bra. Grabe, puro hello kitty pa iyong akin. Sa pagkakatanda ko grade 6 pa ako nito eh.

"Oo, si Tadyong. Kabaryo rin natin. Bakit?"

Nakagat ko ang aking dila. "Nung nakausap mo siya, Ma, mabango ba?"

"Naku! Kilalang maanghit ang isang iyon. Bakit mo ba naitatanong ha? May ginawa ba iyon saiyo?" Liningon ko siya at pareho kaming nakakunot ang mga noo.

"Wala naman." Sinayaw lang naman ako nang walang tugtog at hinalikan pa sa noo sa gitna ng malamig at madilim na gabi na tanging buwan ang nagbibigay liwanag habang nasa labas ng gate natin, Ma.

"Nakapagtataka lang na napakabango nung driver na iyon kagabi kung sinabi mo na maanghit iyang si Tadyong."

Tinaasan niya lang ako ng kilay at tinitigan ako na para bang tinakasan na ako ng bait. Dedma na lang at tinapos ko na lang ang aking trabaho.

Alas dos kami ng hapon natapos ni Mama. Pinagpahinga niya muna ako saglit tapos bibili raw ako ng tinapay sa may kanto. Doon sa may bakery na minsan may amag ang binibentang tinapay. Pero masarap naman.

Nagpalit ako ng damit at tinungo na ang tindahan. Ilang saglit lang ay narating ko na iyon. Maraming bumibili kaya halos may pila na rin. Nakabusangot ako sa isang gilid dahil mainit sa pwesto ko at gusto ko nang makabili. Napahinga na lamang ako ng malalim.

Ang ibang nakapila ay nagchichismisan na kaya mas lalong bumusangot ang mukha ko. Ano bang makukuha nila sa paguusap nila tungkol sa buhay ng may buhay? Buti sana kung maipapakain nila iyan sa pamilya nila. Eh hindi naman! Mga tao talaga. Tsk.

Kinse minuto siguro yung tinagal ko sa pwesto ko. Hindi na ako magtataka kung tutong na ako pagdating sa bahay. Ang init ng panahon ngayon, grabe! Halatang paparating na ang summer!

Trenta pesos na putok yung pinabili ni Mama. Pagdating ko ng bahay ay dumiretso agad ako sa kusina at nadatnan ko si Mama na nagkakape na. Hinablot niya sa akin ang tinapay. Ako naman ay kumuha ng tasa at nagtimpla rin. Milo yung tinaktak ko sa tasa. Sawa na ako sa Nescafe 3 in 1 ni Mama.

Habang hinahalo ko yun ay narinig kong bumuntong hininga si Mama. "Chlorine, saan mo gustong mag-aral ng college?" Tinikman ko muna yung tinitimpla ko. Kulang ng asukal. Linagyan ko iyon ng kalahating kutsarang asukal at pagkatapos ay hinalong muli. Huminga ako ng malalim.

IMPRISONEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon