Chapter 30

92 2 0
                                        

Chapter 30







"Hindi ba't wala ka namang pakialam sa akin kahit ano man ang gawin ko, bakit mo ako ngayon pinapakialaman ha, babae ko?"

Isasara ko na sana ang pinto pero nakuha niya pa ring magpahabol. Ngiting aso ang ibinalik ko sa kaniya. "Pakialam mo." Saad ko at isinara na ang pinto. Narinig ko pa ang mahinang pag'tsk' niya bago ako nakaalis sa kusina.

Ilang araw na ba siyang nagiging utusan sa bahay namin, hindi ko alam basta siya palagi ang taga gawa ng mga gawaing bahay lalo na kapag tungkol sa mga anak niya at sa akin. Kahit anong gawin kong pagpapa alis ay hindi siya natitinag. Hindi naman siya natutulog sa bahay namin pero hindi pa tumitilaok ang manok ng kapitbahay namin ay nandito na siya. At kapag hating gabi na ay doon lang rin siya lumalayas. Wala naman akong pake. Gawin niya kung ano man ang gusto niyang gawin pero huwag na huwag niya akong papakialaman. Lalong lalo na ang mga labahin ko. Pakialamerong gago.

Kinabukasan ay nagyaya ang mga batang mamasyal sa bayan. Kasama namin ang lalaki pero hindi sa amin sumasabay. Wala naman akong pake. Lalapit lang kapag may kailangan ang mga bata. Siya rin ang nagbabayad ng kung ano-anong ipinagtuturo ng dalawang bilhin at ang siste ay siya rin ang magbibitbit. Mukhang ayos lang rin naman sa kaniya. Imbes na mawala ang stress ko ay mas lalo lang nadagdagan dahil sa ringsal ng dalawang bata. Takbo ng takbo at ako naman ay kandahingal sa paghabol. Ang lalaki kasi ay hindi na makagalaw sa dami ng bitbit. O mas tamang sabihin na naaaliw siyang makita akong nahihirapan sa pagsuway ng mga anak niya. Gago talaga.

Nang sumapit ang hapon ay sinundo kami ni Ate Gemini pero alam ko naman na tinitignan niya lang kung ano ang kalagayan ko. Yinaya niya kami na pumunta sa mansion nila na halos linggo linggo niyang ginagawa. At ngayon nga ay nasa unahan ako ng sasakyan, nasa tabi ko naman ang Ate na prente lamang na nagmamaneho. Ang dalawa ay nasa likod at naglalaro o baka mas tamang sabihin kong nagsasakalan. Iyon ang bonding ng dalawa. Kung sino ang unang sasagap ng hangin siya ang talo. Walang hiya mga walang kapaguran. Kahit hindi ko rin tignan ang rear view mirror ay alam kong may itim na kotseng nakasunod sa sinasakyan namin.


"How's life Anda?"

Isa pa itong kapatid niya, sa tuwing nakikita ang pagmumukha ko palagi akong tinatanong ng ganiyang mga linyahan. Bakit anong bang mayroon sa buhay ko? Ah, oo nga pala ginawa nilang sarili nilang libro. Silang dalawa ang mga awtor. Tapos ako itong bida na kung ano ano ang pinaggagagawa sa sarili kong istorya. Mga animal. Sumandig na lamang ako sa aking kinauupuan bago pa ako mabwesit. Makalipas siguro ang limang minutong hindi ako sumagot sa tanong ng babae ay napahinga ito ng malalim.

Hindi ko man gustong aminin ay kahit nagbalik na ang lahat ng alaala ko ay mas lalo lang lumakas ang nakakaintimidang awrang nanggagaling sa kaniya. Ang mukha niyang walang karea-reaksyon ay mas lalong naging nakakatakot. Na isang maling galaw ko lang siguro ngayon ay baka tadyakan niya na ako palabas ng kotse niya. Parang kahit kailan ay hindi ko talaga siya nakilala. Pero kahit na, malaki pa rin ang atraso niya sa akin.

"You should be thanking me instead of hating me, woman."

Hindi ko napigilan ang aking pag-ismid. Marami siyang tinulong sa akin oo, pero sa masakit na paraan niya ako tinulungan. Kaya ko namang intindihin lahat. Kaya ko namang tanggapin lahat kahit mabaliw pa ako. Bakit kailangan pa nilang makisawsaw. Ganito ba talaga ako kahina para sa kanilang lahat?

"Salamat sa kaunting bigay mong sira sa buhay ko." Saad ko at isang liko niya lang ng kaniyang manibela ay tanaw na namin ang mahabang kalsadang puno ng matatarik na puno. Iyong lugar na hindi nanaisin ng mga taong pumunta dahil isang tingin mo pa lang ay alam mo nang may nakatirang mga mababangis na mga hayop. Totoo naman, nakatira sila sa isang malaking mansion sa dulo.

IMPRISONEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon