Chapter 24

62 2 0
                                    

Chapter 24



"You are a bit minute late, babe."

Ang malagom at kalmadong boses ang sumira sa katahimikan ng maliit na kubo. Punyeta ulit. Hindi ko alam kung ano ang masasabi ko. Basang basa pa ako ng tubig mula sa lawa at alam kong mukha akong timang ngayon. Bitbit ko rin ang bag na ibinigay sa akin ng babae. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan sa pagkabigla.

Isang malaking bulas na lalaki ang nakaupo sa isang upuan sa gitnang sulok ng kubo. Diretso lamang itong nakatingin sa akin at sa klase ng kaniyang pagkakaupo ay mukhang kanina pa siya naghihintay. Punyeta, bakit hindi man lang sumagi sa isip ko na magaling pala siyang mag teleport?

Nagmumukha siyang hari ng mga demonyo sa paningin ko. Sa ilang taong hindi naming pagkikita ay maraming nagbago sa kaniyang anyo. Kahit nakaupo siya ay alam kong mas lalo siyang tumangkad dahil sa haba ng kaniyang mga biyas. Mas lumapad pa ang kaniyang mga balikat. At sinungaling ako kung hindi ko sasabihing mas lalo siyang gumwapo sa aking paningin, idagdag mo pa ang mumunti niyang balbas.

Bago pa niya maisip kung ano ang gagawin ko ay mabilis na akong tumalikod para lamang tumama ang aking ilong sa isang matigas na bagay. Isang matigas at mabangong bagay. Na sa isang iglap ay naging blangko ang isip ko. Kinalma ko ang aking sarili at hinagilap ang aking utak. Hindi ako pwedeng magpadala sa sinisigaw ng hayok ng laman ko.

Kinakailangan kong makatakas. I must, kahit na noon pa man ay tutol na ako.

Nagtagis ang bagang ko ng masamyo ng aking pang amoy ang natural na amoy niyang lalaking lalaki. Ngunit hindi nakakatulong sa tama kong pag-iisip ang mabangong aroma ng lalaking ito. "Umalis ka sa harap ko." Linabanan ko ang nagbabaga niyang titig sa akin. Sa laki ng tinangkad niya ay kailangan ko pang mas tumingala. Gumuhit ang pamilyar niyang ngisi at ang paglalim ng kaniyang biloy sa kaniyang pisngi na hinding hindi yata mawawala sa isip ko. "Why should I?" Mapanuya niyang sagot sa akin na ikinatalim ng mga mata ko. Kahit kaunting espasyo na lamang ang natitira sa aming mga katawan ay walang hirap akong bumwelo upang suntukin siya sa sikmura.

Ngunit nanlaki ang mga mata ko sa di inaasahang kinalabasan ng aking pag atake. Dapat kasi nakabulagta na siya sa kung saan ngayon. Pero heto ang kamao ko at mas ako pa ang nasaktan sa aking ginawa. Ramdam ko ang matigas niyang kalamnan sa buko ko. Tumiim ang mga labi ko nang marinig ko ang mahina niyang tawa. Nang tingalain ko siya ay kita ko ang pagka aliw sa kaniyang mga mata.

"Why so shocked?" Pamilyar na pamilyar iyon sa akin dahil ganito ang mga mata niya kapag nasisiyahan siya noong pasakitan kami ni Chlorine. Kahit gaano kaperpekto ang kaniyang mukha ay wala siyang pinagkaiba sa isang demonyo. Ilang taon na ang nakakalipas pero parehong pareho pa rin ang epekto sa akin ng mga mata niya.

"Hindi ka ba na-inform?" Ang mainit niyang hininga ay tumatama sa mukha ko na nakakapagpabawas ng katinuan sa utak ko. Kailangan ko na talagang makaalis dito dahil ilang sandali na lamang ay mawawala na ang pagtitimpi ko.

Hinayaan kong hawakan niya ang kamao ko at ikinulong iyon sa mainit niyang palad. Ang mga mata niyang matamang nakatitig sa akin ay nakikitaan ko ng kakaibang emosyon. Emosyong nagsasabi sa akin ng mga bagay na hindi ko maipaliwanag. There is something off about him. Mas tinitigan ko pa ang kaniyang mga mata at tumiim ang mga labi ko.

Kung si Chlorine ang kausap niya ngayon ay baka matagal na itong bumigay. "During the heat of a vampire couple, the female will become weaker and the weaker the female, the stronger the male could become." Paliwanag niya na hindi ko naman pinansin. Sige lang, magsalita ka pa.

His smirk grew wider at mas lalo akong nagtaka. "So, why fight me with your little remaining strength when we could use it somewhere else? Hmn? Somewhere more exciting? More enjoyable?"

IMPRISONEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon