Chapter 9

115 4 0
                                    

Chapter 9






Malamig na tubig ang gumising sa akin. Hindi ako makahinga ng maayos dahil napasukan ng tubig ang ilong ko. Ang sakit. Pupungas-pungas akong napabalikwas para lang bumungad sa aking mukha ang isang malakas na sampal. Balik ako sa pagkakahiga habang hilo.

Nanlalabo ang paningin ko at hindi ako makahinga. Mas lalong nanikip ang dibdib ko dahil sa pagdagan ng kung sino sa akin habang sinasakal ang aking leeg. Mula sa nanlalabong mga mata ay nakita ko ang isang bulto ng lalaki mula sa tulong ng pulang ilaw. Sa sobrang bigat niya at ang pagdagan niya pa lang sa akin ay nahihirapan na akong huminga lalo pa ang pagsakal niya sa akin.

Hindi na ako makahinga. Nagsimula na akong kapusin ng hangin sa baga. Para akong nalulunod na hindi ko maintindihan. Nanlaban ako pero ano ang magagawa ko kung nung una pa lang ay mahina na ako at wala nang laban. Unti-unti ay nanghihina na ang kamay kong nakakapit sa mga braso ng lalaki. Ilang saglit lang ay tuluyan nang pumikit ang mga mata ko at hindi ko na alam kung ano pa ang mga sumunod na nangyari.

...

Noong bata pa ako mayroon kaming kapitbahay na mag-asawa. Madalas kong makita ang dalawa kasi nasa harapan lang rin naman ng kwarto ko ang bahay nila. Walang paki-alamanan yung mga tao roon sa amin noon pero hindi ko sadyang palagi kong nakikita ang pananakit ng lalaki sa asawa nito.

Mula sa mura kong isip ay alam ko na na hindi tama ang ganoon dahil hindi ko naman nakikita sa mga magulang ko ang ganoong bagay. Sa palagian kong pagsaksi sa mga nangyayari sa dalawa ay hindi ko na napigilang magsumbong sa mga magulang ko.

Pulis si Papa kaya alam kong maiintindihan niya ang mga nangyayari pero hindi ko alam kung bakit sinabihan lang ako noon ni Papa na huwag na lang daw pansinin. Si Mama ay isinara na nang tuluyan ang mga bintana ko sa kwarto at sinabihan rin akong huwag na huwag ko raw iyong bubuksan.

Pero bata ako eh. Puno ng kyuryosidad ang utak ko at gusto kong malaman kung bakit ayaw nilang makialam gayong alam nilang mali iyon. Kaya ang ginawa ko ay tinanong ko ang mas nakakatanda kong kapatid. Si Kuya Gaso. Matalino si Kuya kaya alam kong maiintindihan niya ako.

Pareho pa kaming bata ni Kuya kahit na sabihin kong mas matanda pa siya sa akin. Araw-araw ay palagi naming inaabangan ang mag-asawa sa kwarto ko. Araw-araw rin ay nasasaksihan namin ang mga bagay na hindi pa dapat namin makita.

Nasaksihan namin ang mga pangyayari na mga mag-asawa lamang ang gumagawa. Ginagawa nila iyon sa kwarto nila habang nakatayo silang dalawa. Ngunit ang kaibahan lang ay parang napakabrutal. Nakatalikod kasi ang babae sa lalaki habang sinasakal ito at habang umiindayog pareho ang kanilang katawan.

Hindi ko rin alam noon kung nasasaktan ba ang babae o nasasarapan.

Nakita namin ang pananakit ng lalaki sa babae. Minsan ay sinasakal, sinasampal, pinagsisipa at pinagsusuntok at sinisigawan pa ng mga mura ng lalaki ang babae na walang ibang ginawa kundi ang umiyak. Naaawa na kami ni Kuya pero wala naman kaming magagawa. Bata pa kami. Wala pang alam at wala pang kakayahan.

Isang araw habang naghahabulan kami ng kapatid ko sa bakuran namin ay kinausap kami ng babae. Wala noon sina Mama at Papa sa bahay at mahigpit kaming pinagbawalan na kahit anong mangyari ay huwag kaming lalabas ng gate at makikipag-usap ninoman.

Pero syempre hindi namin iyon sinunod at nakipag-usap kami sa babae. Wala namang mali sa babae. Mabait at parang normal lang rin kumilos kahit na puno na ito ng pasa sa katawan at pilay pa kung maglakad. Kinausap niya kami kung kami lang ba ang naroon sa bahay at wala kaming ibang bantay, sinagot naman iyon ni Kuya.

IMPRISONEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon