Sabado ngayon at walang pasok sa school. Dalawang araw na kaming magkagalit ni Lanz pero pakiramdam ko parang ten years na kaming hindi nagkikibuang dalawa.
Eh kasi hindi ko pa rin nakakalimutan yung nangyari nung Valentines Party eh.
Kanina pa rin ako pinipilit ni mama na makipag-ayos na raw ako kay Lanz, kasi naaawa na raw siya rito na kahapon pa pabalik-balik sa bahay para lang kausapin ako.
Kaso wala talaga ako sa mood na kausapin siya dahil hanggang ngayon ay nagtatampo talaga ako sa kanya.
"Ma naman eh. Hindi mo po alam ang nararamdaman ko sa ginawa niya sa akin nung Thursday ma. Hindi po ako maka-move on talaga. Si Savannah na hindi naman po niya gano'ng kakilala ay binigyan niya ng flowers and chocolates! Dapat kasi sa akin yun eh!" sabi ko habang nakasimangot.
"Sus! Parang yun lang eh. Eh baka naman hindi talaga para sa 'yo iyon anak? Baka naman pinahawak lang talaga niya sa 'yo 'yon hindi kaya?" tanong ni mama.
Lalo naman akong nalungkot sa sinabi ni mama. Imbes kasi na i-comfort niya ako ay mas lalo pa niyang pinapasikip ang dibdib ko.
"Ma! anak mo po ako. Dapat magalit ka kay Lanz dahil sa ginawa niya sa 'kin eh. Ma, nasaktan ako," maluha-luha kong sabi. "Although, hindi naman po ako totally defeated pero parang gano'n na rin yun. Hindi kasi ako nakatikim ng chocolate eh."
Napairap si mama. "Ah—basta! Kung ako sa 'yo tanggapin mo na lang ang nangyari. Patawarin mo na lang si Lanz kaysa naman pareho kayong nahihirapang dalawa. Halata naman na hindi kayo masaya na nag-aaway kayo kaya magbati na lang kayo para matapos na ang kadramahan niyo!" sabi niya.
Napasimangot ako lalo sa sinabi ni mama. "Ma naman, ako ang anak mo eh. Kanino ka ba talaga kakampi?" tanong ko.
Nag-isip muna si mama sandali bago siya sumagot. "Siyempre kay Lanz!" sagot niya.
Napakunot-noo ako. "Eh bakit si Lanz?" tanong ko.
"Eh kasi para kang t*nga eh! Parang sa flowers lang nagkakaganyan ka na?" sabi niya.
Tama naman siya. Pero kasi nagseselos ako eh. Normal lang naman siguro na magreklamo ako kasi nagseselos ako at... at hindi ako nakatikim ng chocolate... Kainis!
"Ate nandito boyfriend mo!" Boses yun ni Junior. Sumilip lang siya sa sala mula sa pintuan palabas ng terrace.
Napatayo ako sa upuan at tumingin kay mama. Babatuhin ko sana ng remote si Junior kaso nakaharap si mama sa akin. "Sabi na ngang hindi ko boyfriend si Lanz eh! Ang kulit naman ni Junior eh!" sigaw ko.
"Barbara huwag mong ganyanin ang kapatid mo! Ikaw talaga hindi ka naman inaano eh," saway naman ni mama sa akin.
Napabuntong -hininga na lang ako sa inis at muling umupo.
"Ganyan talaga iyan si ate ma eh! Palagi naman po 'yan galit. Kaya ayaw ko ng kapatid na babae kasi ang sungit palagi eh!" sabat ni Junior na lalong kinainit ng ulo ko.
Napatiim-bagang ako. "Anong sabi mo?" Lumingon ako kay mama. "Ma oh! Nakakainis na talaga si Junior!" sabi ko.
"Ewan ko sa inyo. Intindihin mo na lang yung kapatid mo Barbara, ikaw naman ang mas matanda eh!" sabi niya.
Napakunot-noo ako. "Huh?" Lumingon ako kay Junior sa sala na abala sa paglalaro ng Tetris sa cellphone niya. "Kainis!" Binalik ko ang tingin kay mama. "Dapat hindi na ulit kayo nag-anak ni papa eh!" sabi ko.
"Barbara!" Pinandilatan ako ng mga mata ni mama dahilan para matigilan ako sa mga sinasabi ko. "Yung bunganga mo! Ayus-ayusin mo mga sinasabi mo ah!" sabi niya.
BINABASA MO ANG
Dear Chocolate Box
RomanceAng buhay ay parang kahon ng tsokolate. kapag natanggap mo, wala kang ideya kung ano ang nilalaman nito. Ngunit para sa isang taong tunay na nagmamahal, handang lasapin ni Barbi Dixon ang pait ng mga pagsubok ng buhay makita at makasama lang niya u...