Nakarating na kami sa ampunan. Mabuti na lang at pumayag si Sister Cora, na dito muna tumuloy si Lanz pansamantala.
Nakahiga na sa higaan ko si Lanz. Pero nanatili akong nakaupo sa harap ng table ko sa loob ng kwarto. Hindi ako makatulog at punong-puno pa rin ng mga katanungan ang isipan ko.
Sino si Candace? Sino siya sa buhay ni Lanz? Bakit nandun siya sa bahay ni Lanz? Anong mayro'n sa kanilang dalawa?
Lumingon ako kay Lanz at nakita kong gising na gising pa rin siya at tila malalim rin ang iniisip.
Huminga ako nang malalim. Hindi ko na rin alam kung anong gagawin namin.
"Lanz? Ano bang plano mo para sa 'tin?" tanong ko. Hindi ko na mapigilan magtanong. Talagang naguguluhan na ako ngayon. Pakiramdam ko ay wala namang pupuntahan ang lahat ng ito kung maghihintayan pa kaming dalawa.
Atat na atat na rin akong magka-boyfriend eh!
Naghintay na ako nang mahabang panahon. At hindi ko na kayang maglaan pa ng maraming oras para hintayin pa ang tamang pagkakataon para mapatunayan kong siya talaga ang para sa 'kin. Kung talagang nagmamahalan kaming dalawa kahit anong mangyari ay pipiliin namin ang isa't-isa.
Ang tamang tao ay hindi darating sa tamang panahon. Dahil madalas darating sila sa maling oras at pagkakataon. Masasaktan talaga muna. Iiyak at mabibigo, bago malaman na siya ang tamang tao para sa 'yo.
Kaya siguro sinasabi nilang love is patient. Kasi kailangan mong hintayin yung tamang oras para mapatunayan niyong kayo ang nararapat para sa Isa't-isa.
Pero minsan mapaglaro ang tadhana. Minsan kasi hawak mo na pero babawiin pa niya. Siguro kailangan na naming kumilos ni Lanz. Kailangan naming harapin ng magkasama ang lahat. Kung kami talaga ay ipaglalaban na namin.
Kahit ano pa ang papel ni Candace sa buhay niya ay handa ko itong harapin. Handa kong ipaglaban si Lanz. Basta mapunta lang siya sa 'kin. Marami na akong nagawa para kay Lanz. Ngayon pa ba ako susuko na nandito na siya?
Bumangon si Lanz sa higaan at lumapit sa akin. "Barbi, Magpakasal na tayo," bigla niyang sabi.
Nanlaki ang mga mata ko. Kung tutuusin ay palagi ko na 'tong naririnig mula sa kanya. Pero itong puntong ito ay iba na ang dating sa akin ng sinabi niya. Pakiramdam ko ay may Malaki siyang problema at ito lang ang sagot.
Kung ano man ang dahilan niya ay kailangan kong magtiwala sa kanya.Ulit.
Panghahawakan ko ang sinabi niyang, 'kahit anong mangyari ay mahal niya ako'.
Kaya kahit hindi ako sigurado ay susugal ulit ako. Mahal na mahal ko si Lanz at handa akong tahakin ang kahit anong pagsubok na kasama siya.
Tiningnan ko siya sa mga mata at saka tumango. "Kung 'yan ang gusto mo... Sige," sagot ko naman.
Niyakap lang niya ako mula sa likuran at ipinatong niya ang pisngi niya sa balikat ko. "Sorry kung masyado akong nagmamadali. Wala na akong maisip na paraan para hindi ka mawala sa 'kin eh," sabi niya.
Huminga ako nang malalim. Kahit hindi niya sabihin ay nararamdaman ko na yun. Kaya kahit hindi ako sigurado sa kalalabasan ng desisyon namin ay susugal na ako. Kung ang kasal na lang ang tanging paraan upang hindi na kami muling magkahiwalay pa ay gagawin ko na.
Dun rin naman kami patungo eh. Hihintayin ko pa ba bago mahuli ang lahat?
BINABASA MO ANG
Dear Chocolate Box
RomanceAng buhay ay parang kahon ng tsokolate. kapag natanggap mo, wala kang ideya kung ano ang nilalaman nito. Ngunit para sa isang taong tunay na nagmamahal, handang lasapin ni Barbi Dixon ang pait ng mga pagsubok ng buhay makita at makasama lang niya u...