Maaga na kaming nag-asikaso ni Lanz dahil kailangan na naman niyang umalis para magtrabaho. Inayos ko na ang kanyang kwelyo at bigla na lang siyang humawak sa baywang ko.
Kinunutan ko siya ng noo at kaagad naman siyang napangiti. Hinampas ko siya sa balikat. "Tumigil ka nga!" sabi ko sabay irap.
Narinig ko siyang tumawa kaya lumingon ulit ako sa kanya. "Hindi ka ba mali-late sa meeting niyo ni Attorney?" tanong ko. Nabanggit kasi niya kanina na may meeting raw sila ni Attorney eh.
Umiling siya. "Sabi ko kasi dito na lang kami mag-meeting sa bahay eh. Sabi mo kasi kagabi naiinip ka dito sa bahay 'di ba? Naisip kong hindi na muna ako aalis ngayon," sabi niya.
"Ah ganun ba?" Tumango-tango ako. "Sige. Magluluto na lang ako ng tanghalian para dito na rin siya kakain," sabi ko.
Ngumiti lang siya sa akin. "Magluluto, huh? Marunong na pala magluto si Barbi?" sabi niya na parang nang-aasar pa. Umupo siya sa upuan sa tapat ng bintana at nilabas ang laptop niya.
Inirapan ko siya. "Ewan ko s a'yo!" sabi ko at saka nagtungo na sa kusina.
Pagdating sa lababo ay hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kahit magsaing ay medyo palpak ako eh. Minsan kasi kung hindi hilaw ay sunog ang sinaing ko.
Naisip kong walang ibang magtuturo sa 'kin magsaing. Umalis na kasi si Manang Linda kaninang maaga. At sinabi rin niya sa akin kagabi na inalis na daw talaga ni Lanz ang mga kasambahay niya dito sa bahay. Dahil dito na daw ako titira. Ako na raw ang dapat na kumilos dito sa bahay.
Dapat daw ay matuto na ako sa gawaing bahay at hindi daw ako dumepende sa mga kasambahay. Huminga ako nang malalim. Sabi ko na nga ba eh. Gagawin niya talaga akong katulong dito eh.
Pero naisip ko rin naman na nakakahiya naman kung hindi ko aaralin ang mga gawaing bahay lalo na ang pagluluto. Kaya kahit hindi ako marunong ay sinubukan ko.
After kong magluto ay bumaba na si Lanz at nadatnan niya ako sa kusina na naka-ready na ang lahat.
Medyo napaangat pa siya ng kilay at parang ina-underestimate ang kakayanan ko.
Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. "Sabi sa 'yo marunong ako magluto eh!" sabi ko tapos ngumisi ako sa kanya at umupo sa upuan.
Bahagya siyang natawa habang nakapamulsa. "Patikim nga," sabi niya tapos kinuha ang kutsara at tinikman ang adobong baboy na niluto ko.
Nakatingin ako sa kanya habang inaabangan ang reaksyon niya. "Hmmm—" Kumunot-noo siya at saka pinakiramdaman ang lasa. Tapos tumango-tango siya at nag-thumbs up. "Pwede!" sabi niya habang nakangiti.
Kinilig naman ako habang nakangiti. "Sabi sa 'yo eh!" sabi ko.
Tapos umupo na siya sa upuan at biglang sumeryoso ang kanyang mukha. "Hindi na pala matutuloy si Attorney dito. Nag-usap na lang kami kanina sa phone call habang nagluluto ka. May pinaasikaso kasi akong iba sa kanya eh," sabi niya.
Ngumiti lang ako. "Ah okey lang. Eh 'di kumain na lang tayong dalawa," sabi ko. Tapos umupo na kami sa mesa at nilagyan ko na ng kanin ang plato niya.
Medyo kumakalam na rin ang sikmura ko eh. Hindi rin kasi kami nag-agahan kanina. Salamat na rin sa google at nakapagluto ako nang maayos. Pagkatapos namin kumain ay naghugas na rin ako ng plato at nagligpit sa kusina.
Pagkatapos kong magligpit sa kusina ay nakita ko si Lanz na nakatayo sa tabi ng pintuan ng kusina at nakasandal sa pader habang nakapamulsa.
Nakakunot ang noo niya habang nanonood sa akin.
BINABASA MO ANG
Dear Chocolate Box
RomanceAng buhay ay parang kahon ng tsokolate. kapag natanggap mo, wala kang ideya kung ano ang nilalaman nito. Ngunit para sa isang taong tunay na nagmamahal, handang lasapin ni Barbi Dixon ang pait ng mga pagsubok ng buhay makita at makasama lang niya u...