CHAPTER SEVEN: JEALOUS

27 8 1
                                    


Napakunot-noo si Lanz at kitang-kita ko sa itsura niya ang pagkagulat.

Lumingon rin si Savannah sa akin habang nakasimangot. Kaya pala parang ayaw niya akong isama rito. Kasi alam niyang baka masaktan ako sa makikita ko.

Hindi pa man ako girlfriend ni Lanz, but gosh! I felt cheated.

Parang biglang bumigat ang paghinga ko dahil sa pagpipigil ko nang iyak. Ngayon naiintindihan ko na ang lahat. Kung bakit siya umalis at kung bakit hindi siya bumalik. Kasi mahalaga lang ako sa kanya pero si Savannah talaga ang mas naging matimbang.

Alam ko naman na wala siyang dapat ipaliwanag sa 'kin. Pero sa tagal ng pinagsamahan namin hindi ganun kadali para sa akin na bitiwan ang lahat.

"Barbi," sambit ni Lanz. Kitang-kita ko ang pagtataka sa mukha niya.

Alam kong hindi niya inaasahan na darating ako rito. At hindi ko rin inaasahan ang mga makikita ko. Sa dinami-raming babae sa mundo bakit si Savannah talaga? Bakit siya?

"Bakit kayo magkasama ni Savannah?" Yun na kaagad ang natanong ko. Ni hindi ko na nagawang tanungin kung bakit siya umalis noon, at kung bakit pinalabas nilang namatay siya?

Kaagad na lumapit sa 'kin si Savannah. "Barbi I can explain," sabi niya.

Kinunutan ko siya ng noo at saka ako umiling. "Naiintindihan ko naman kung bakit hindi mo nasabi kaagad. Kaya huwag ka nang magpaliwanag," sabi ko habang nagpipigil nang iyak.

"Barbi, paano ka nakarating dito?" tanong ni Lanz.

Tiningnan ko si Lanz at hindi ko siya magawang lapitan o hawakan. Biglang nawala ang pananabik ko sa kanya. Bigla akong nahiya. Parang lalo akong nawalan ng karapatan sa kanya nang makita ko silang magkasama ni Savannah.

"Ang tagal kong nagtiis Lanz. Ang tagal kong naging malungkot sa pagkawala mo. Ang tagal kong nakipagbaka sa balitang patay ka na kasi hindi ko matanggap ang balitang yun. Sana sinabi mo na lang ang totoo na ayaw mo na akong makita o makasama," Hindi ko na napigilan ang mga luha ko na sunod-sunod nang pumatak sa mga mata ko. "Sana mas naging madali sa akin na bitiwan ka. Pinalabas mo pa na patay ka na eh. Hindi mo ba alam kung gaano kasakit para sa 'kin yun?" sabi ko habang walang tigil sa pag-iyak.

Nakatingin lang sa akin si Lanz habang umiiyak rin. Wala siyang binabanggit na kahit anong salita. Kaya mas lalo kong napatunayan na sinadya niya akong iwan para mas malaya siyang magmahal ng iba.

Hinawakan ako ni Lanz sa braso at marahang nilapit sa kanya. "Barbi, I'm sorry. Pwede natin pag-usapan ito in private," sabi niya.

Umiling ako umatras ng isang hakbang palayo sa kanya. "Okay na. Wala na tayong dapat pag-usapan," sabi ko.

Lumapit ulit siya sa akin at matiim akong tinitigan sa mga mata. "Mag-usap tayo after this, okay?" sabi niya.

Umatras ako nang isang hakbang, 'tsaka ko siya tinalikuran. Humikbi-hikbi ako habang naglalakad palayo sa kanya.

"Barbi, Wait mo ako please!" tawag sa 'kin ni Lanz.

Hindi ko siya nilingon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad palabas ng gate habang umiiyak.

Para akong hinampas sa lupa sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na napigilan ay napaupo na ako sa sahig ng kalsada habang humahagulhol nang iyak.

Walang tao sa paligid at malamlam ang ilaw ng poste. Sa ganitong sistema dapat ay natatakot na ako sa kahabaan ng madilim na kalsada sa pagitan ng mga talahiban, at malayo na sa kanila ni Lanz. Pero mas nangibabaw ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Dear Chocolate BoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon