CHAPTER EIGHTEEN: KASAL NA PARANG HINDI

16 4 0
                                    


Hinawakan ako kaagad ni Lanz sa kamay at humarap siya kay Dan.

"Pasensya ka na Dan. Ikaw na ang magsabi sa kanila. Pati kay Sister Cora. Pasensya na talaga kayong lahat sa gulong pinasok ko," sabi ni Lanz.

Tumango lang si Dan at humawak sa balikat ni Lanz. "'Wag mo kaming isipin. Ang importante ay makatakas kayo ni Barbi," sabi niya.

Napakunot-noo ako at lumingon kay Lanz. "Bakit? Anong nangyayari, Lanz?" Naguguluhan kong tanong.

"Mamaya ko na papaliwanag sa 'yo. Tara na!" sabi ni Lanz.

Pumunta kami sa kwarto at kinuha ang mga gamit namin at mabilis kaming naglakad palabas ng ampunan. Nakiusap din si Lanz sa guard na 'wag magpapasok ng kahit sino maliban kay Dan at pumayag naman siya.

Nakalayo na kami kaagad sa ampunan sakay ng isang bus papunta sa lugar na hindi ko alam. Kanina pa kami walang imik at parehong sumasabay na lang sa mga nangyayari.

"Pasensya ka na Barbi ha? Kung kailangan mangyari 'to." Nakasimangot si Lanz habang nakahawak sa kamay ko.

Ngumiti lang ako at tumango. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam sa mga nangyayari. At kung ano man ang dahilan kung bakit kailangan namin tumakas. Parang ayoko na rin malaman pa. Ang importante lang sa akin ngayon ay kami ni Lanz ang magkasama.

Bumaba kami sa isang hotel at nag-check in kami dito. Ngayon ko lang naranasan makapag-check in sa ganitong lugar eh. Umupo ako sa malambot na higaan. At nakita ko si Lanz na lumapit agad sa telepono. Nag-dial siya at narinig kong may pinapapunta siya sa hotel kung nasaan kami. "Please pumunta na kayo dito ngayon na!" sabi ko.

Mayamaya pa ay dumating na rin ang hinihintay namin.

"Barbi, this is Attorney Dela Torre and Pastor Bill Costudio," Kinamayan nila ako at ngumiti naman ako sa kanila.

"And this is Barbi— My fiancee," dugtong pa ni Lanz.

Lumingon ako sa kanya at ngumisi siya sa akin tapos inakbayan niya ako. Hindi ko inaasahan na ipapakilala niya ako bilang fiancee niya.

"Ready na po ba ang gagawin natin? Dito niyo na po kami ikasal ngayon," biglang sabi ni Lanz.

Nanlaki ang mga mata ko at natulak ko siya nang bahagya palayo sa akin. "Teka lang!" sabi ko.

Inagapan naman ako ni Lanz sa braso at inakbayan nang mahigpit. "Pumayag ka na kagabi 'di ba? Inalok kita ng kasal pumayag ka. Wala nang bawian nandito na tayo eh," sabi niya.

Nataranta ako dahil hindi ako prepared. "Ngayon na mismo? Sure ba?" tanong ko habang kabang-kaba.

Tumango si Lanz at ngumisi. Tapos binalik niya ang tingin kay pastor at attorney. "Wala na tayong oras. Sige na bilisan niyo na," utos niya.

At sinimulan na nga kaming ikasal na kahit lipstick man lang ay hindi ako nakapaglagay.

Pagkatapos ay kinuha ni Lanz ang dalawang singsing sa bulsa niya. Hindi halata na pinlano niya talaga 'to. May singsing na siya kaagad sa bulsa niya eh.

Pagkatapos namin magpalitan ng vow at isuot ang mga singsing sa kanya-kanyang mga daliri ay humawak si Lanz sa magkabilang balikat ko at saka niya ako iniharap sa kanya. "Matagal pa po ba yung kiss the bride, pastor?" tanong niya sa naiiritang tono.

Tumawa si pastor. "Okey na. You may now kiss the bride," sabi nito.

Napapikit na lang ako nang halikan niya ako sa labi. Hindi ko alam kung bakit ako nasa ganitong sitwasyon. Pero sumabay na lang sa mga nangyayari. Bahala na kung anong kahihinatnan nito, ang importante ay magkasama kami ni Lanz.

Dear Chocolate BoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon