CHAPTER TWENTY-THREE: ALAMAT NG LUMPIA

14 3 0
                                    


Paggising ko nang umaga ay wala na si Lanz sa tabi ko. Inaamin ko sa sarili ko na nasasaktan talaga ako hanggang ngayon dahil sa mga sinabi niya sa akin kagabi.

Pero totoo naman lahat ng sinabi niya eh. Wala akong alam sa gawaing bahay. Wala naman talaga akong kwentang asawa kasi hindi ko siya kayang alagaan.

Bumangon ako na mabigat ang kalooban. Muli na namang humapdi ang mga mata ko pero minabuti kong tiisin na lang muna ang lungkot na nararamdaman ko ngayon. Bumaba ako sa kama at naglakad paakyat sa rooftop ng bahay dala ang cellphone ko. Nakita kong maganda ang sikat ng araw ngayon. Naisip kong magandang maglaba kapag ganito ang panahon.

Kaya lang paano ako magsisimula? Naiisip ko pa lang yung mga sinabi ni Lanz sa akin kagabi para akong tinamad bigla eh. Pero kung magiging tamad akong asawa baka iwan ako ni Lanz at sumama na lang siya kay Candace.

Si Candace na isang wife material.

Bahagya akong natawa. Mas lamang pa rin ako sa kanya dahil ako ang pinili ni Lanz na pakasalan. Kaya lang... Hindi ko pa rin maisip kung bakit nagawa ni Lanz na maglihim sa akin. Nag-uusap pa rin pala sila ni Candace nang hindi ko alam.

Umiling-iling ako. Hindi pwede... Dapat ay gumawa ako ng paraan para hindi ako iwan ni Lanz.

Kaagad kong kinuha ang cellphone ko at nag-search sa google.

'How to be a wife material?'

At nung lumabas ang result ay nandun lahat ng katangian na mayro'n ako.

May sense of humor naman ako. Hindi ko rin naman sinasabayan ang galit niya. Tanggap ko naman ang kahinaan niya, at proud ako sa mga achievements niya. Sweet rin naman ako sa kanya ah.

Nag-scroll down pa ako.

Ay! Dito ako sumablay!

Hindi ako marunong magluto at medyo wala akong masiyadong alam sa mga gawaing bahay.

Bigla naman akong napaisip. Kailangan ko ba talagang aralin yung mga bagay na hindi ko naman talaga nakasanayang gawin?

Kung mahal niya ako tatanggapin niya ang kahinaan ko. Pero mahal ko rin naman siya.

Huminga ako nang malalim at pinag-isipan ko pang mabuti. Sa tingin ko naman kaya kong mag-adjust para mas maging maayos ang pagsasama naming dalawa. At kapag hindi pa rin nag-work ay doon na siguro ako dapat magduda.

Pero ano nga ba ang trabaho ng isang babae bilang asawa? Ano ba ang gagawin ko? Para naman maramdaman ako ni Lanz. Para naman hindi niya isipin na wala siyang asawa. Hindi kasi ako aware na mukha na pala akong lumpia sa paningin niya. Na-imagine ko tuloy ang itsura ko na nakabalot sa isang higanteng lumpia wrapper at yung ulo ko lang ang nakalabas.

Umiling iling ako. Ang panget! Ayoko! Ayoko! Please... Ayoko!

Naglakad ako ulit pababa ng hagdan mula sa rooftop at nag-isip ako kung sino kaya ang pwede kong tanungin sa problema ko. Kanino ako pwedeng humingi ng tulong? Eh kasi ayaw naman ako ni Lanz na lumabas dito sa bahay namin.

Napangisi ako nang pumasok sa isip ko si Mommy Marta. Kinuha ko ang phone ko at kaagad na tumawag sa kanya.

"Hi mommy, busy ka po ba ngayon?" tanong ko.

"Hello Barbi, hindi naman ako busy, why?" balik tanong niya.

"Kasi po itatanong ko lang po sana sa inyo kung magaling po ba kayo magluto?" tanong ko.

Tumawa siya. "Of course! And you know what? Lanz's really loves my dishes! Especially the tofu coconut curry, "sabi niya.

Napanganga ako at napalunok. Pati ako ay natakam sa sinabi niya kahit ngayon ko pa lang narinig ang ganung klaseng ulam. "Talaga po? Gusto ko sana siyang ipagluto mamaya eh. Pwede niyo po ba ibigay sa akin ang recipe and procedures nun?" tanong ko.

Dear Chocolate BoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon