Isang buwan na rin ang lumipas pagkatapos ng kaso. Tuluya na ring nakulong si Ramon at ang nanay-nanayan ko.
Dinalaw ko si Mommy Marta sa apartment na tinutuluyan niya. Hindi ko na rin sinabi pa kay mommy ang tungkol sa kaso na kinaharap ko. Dahil ayoko na mag-isip pa siya. Gusto ko ay okay na ang lahat bago niya malaman.
Ganun rin sana ang gusto ko para kay Barbi. Pero hindi naging maganda ang naging result ng paglihim ko sa kanya ng mga problema ko. At isa lang ang natutunan ko. Na dapat ang asawa ko ang unang makaalam ng lahat ng nararanasan kong problema.
Nalungkot si mommy nang malaman niyang nakulong ang kuya niya. Pero sinabi niyang tama na rin yun para magtanda ang kapatid niya. Baka raw kasi ang selda lang ang tanging paraan para magbago ang kuya Ramon niya.
Pero mas nalungkot si mommy nung nalaman niyang iniwan ako ni Barbi at umuwi ito sa Manila. Sinabi ko ang dahilan at ang hindi namin pagkakaunawaan. Sinabi ko rin ang tungkol sa wife material thing na ikinasama ng loob ni Barbi sa 'kin.
"Anak, sunduin mo na siya. Don't wait for her to come back. Mahal ka niya at baka hinihintay niya lang din talaga na ikaw naman ang magsundo sa kanya sa place kung nasaan siya ngayon," sabi ni mommy.
Huminga ako nang malalim. "Sa tingin mo po kakausapin na niya ako?" tanong ko.
Huminga nang malalim si mommy. "Nasaktan siguro siya nung una, kaya ayaw ka niyang pakinggan," sabi niya.
Napasimangot na lang ako at napabuntong-hininga. "Ngayon kaya? Makikinig na kaya siya sa akin?" tanong ko.
Tumango naman si mommy. "Of couse... Ganyan lang talaga ang mga babae. Mukhang ayaw ka niyang pakinggan dahil hindi niya matanggap ang nangyari. Pero ang totoo naniniwala naman siya lalo na kung mahal ka niya," sabi niya.
Natahimik ako sa sinabi ni mommy.Siguro nga tama siya.
Bigla na lang akong hinawakan sa kamay ni mommy. "Please, if you really love your wife you have to understand her flaws. She may not be so perfect when it comes to wife material things, pero maniwala ka sa 'kin. Ginagawa niya ang lahat para lang maging sapat sa 'yo. Alam mo ba? Palagi siyang tumatawag sa 'kin no'n para magtanong about sa mga house chores na hindi niya alam. Tinanong rin niya ako kung anong paborito mong ulam at marami pa. She's willing to change herself just for you, Lanz. Ganun ka niya kamahal. That's why I'm so sad na sinabihan mo siyang hindi siya wife material. Gustong-gusto ko siya para sa 'yo anak," sabi ni mommy.
Bigla na naman ulit akong na-guilty. Hindi ko alam na ginawa niya 'yon. Hindi ko nakita. Hindi ko nalaman at hindi ko napansin. Ganun na lang ba ako nawalan ng time noon sa kanya para hindi ko makita ang mga ginagawa niya para sa 'kin?
Tumayo ako sa upuan. "Susunduin ko na ngayon si Barbi sa Manila," sabi ko.
Ngayon okay na ang lahat. Nabigyan na ng hustisya ang ampunan ay wala na akong pagkakaabalahan pang iba. Mas marami na akong time ngayon kay Barbi. Pwede na siyang lumabas ng bahay at pumunta sa lugar na gusto niya, na kasama ako.
BARBI'S POV:
"Ang panget mo naman pumili ng babae junior! Ang dami naman dyan iba na mas bata sa 'yo eh. Mai-in love ka na nga lang dun pa sa mas matanda pa sa 'yo! Eh mas matanda pa nga sa 'kin yun eh! Tapos na-busted ka pa nun? ang hina mo naman!" sabi ko.
Kumunot ang noo ni Junior at tumingin nang masama sa 'kin. "Kaysa naman pumatol ako sa mga isip bata 'di ba? Isip bata na nga ate ko eh. Tama na sa 'kin yung ikaw lang ang isip bata!" Huminga siya nang malalim. "Ewan ko ba kay Kuya Lanz, ang dami naman dyan iba na mas matured mag-isip bakit ikaw pa? Marami naman diyan masarap magluto at marunong maglaba, bakit kasi ikaw pa ang pinakasalan niya? Eh alam mo lang naman gawin ay ibalot ang sarili mo sa kumot na parang lumpia!" Tumawa-tawa siya habang sinasabi niya sa akin yun.
BINABASA MO ANG
Dear Chocolate Box
RomanceAng buhay ay parang kahon ng tsokolate. kapag natanggap mo, wala kang ideya kung ano ang nilalaman nito. Ngunit para sa isang taong tunay na nagmamahal, handang lasapin ni Barbi Dixon ang pait ng mga pagsubok ng buhay makita at makasama lang niya u...