CHAPTER TWENTY: FIVE: THE TRUTH

10 3 0
                                    


LANZ'S POV:

Kinabukasan, habang nasa sasakyan kami ay kitang-kita ko sa mga mata ni Barbi ang excitement. Hindi na naalis ang mga ngiti niya simula kanina nang magising siya.

Pasulyap-sulyap ako sa kanya habang nagmamaneho nang bigla siyang tumingin sa 'kin. "May sasabihin ka ba?" tanong niya.

Ngumiti ako. "Lanz, bakit ngayon mo lang ako pinayagang pumunta sa bahay nila Shaina?" tanong niya.

Ngumiti ako sa kanya "Kasi ngayon lang nagkaroon ng maayos na matutuluyan ang mga bata," sagot ko.

Tumango ako. "Ah hindi kasi nabanggit ni Shaina sa akin nung huli kaming nag-usap eh," sabi niya.

"Ako ang nagsabi sa kanya na huwag na muna sabihin sa 'yo. Kasi baka kulitin mo ako na puntahan sila. Alam mo naman na ayokong masyado akong pini-pressure 'di ba?" sabi ko.

Napasimangot siya. "Kahit naman pilitin kita hindi ka rin naman papayag eh," sabi niya at may pagtatampo sa boses niya.

Napaismid lang ako "Kaya nga eh. At buong araw na naman akong magi-guilty kapag ginawa ko yun," Sabi ko.

Pagkatapos nang mahabang byahe ay nakarating na rin kami kila Dan.

Bumaba na kami sa kotse at nakita kong nakangisi na si Barbi habang nagdo-doorbell sa gate ng bahay nila Shaina. Paglabas ni Shaina ay kapwa sila tumalon-talon sa tuwa at nagyakap.

Pagkatapos ay napatingin sa akin si Shaina. "Lanz, thank you at pinayagan mo na pumunta rito si Barbi ah," sabi niya.

Ngumiti lang ako at tumango. "Iwanan ko muna siya rito sa inyo. Sunduin ko siya mamaya pagkatapos ko sa meeting naming ni attorney," sabi ko.

Tumango lang si Shaina. "Sure! Kahit next week mo na siya sunduin dito walang problema," sabi niya habang nakangiti.

Tumawa lang ako at umiling. "Hindi. Mamaya sunduin ko siya rito," sabi ko.

Nagkibit-balikat na lang siya.

Nilingon ko naman si barbi. "Huwag kang aalis dito hangga't hindi ako dumarating, huh?" sabi ko at nag-goodbye kiss na ako sa kanya.

Umalis na ako papunta sa court. Unang sumalubong sa akin ay si Attorney. Nakita ko siyang nakaabang sa akin sa labas ng building sa parking lot. Pinara niya ako kaagad at pinasakay ko naman siya sa kotse ko.

"Lanz, buti dumating ka na! Kanina pa ako tumatawag sa 'yo eh," sabi niya at napansin ko na parang nag-aalala siya.

Napakunot-noo ako. "Pasensya na kasi nahirapan akong iwan ang asawa ko eh," sabi ko.

Tumawa siya. "Ibang klase ka talaga. Hanggang ngayon hindi mo pa rin ba sinasabi ang problema mo?" tanong niya.

Umiling ako at napabuntong-hininga. "Ayaw ko siyang madamay rito,"sabi ko.

"Mag-asawa na kayo. Ang problema ng isa ay problema niyong dalawa," sabi niya.

Napakibit-balikat lang ako. "Ano ba kasi ang nangyari bakit nagmamadali kayo ni Candace na makausap ako?" tanong ko.

Napabuntong-hininga siya. "Nakausap ko na si Mr. Bamford. Tungkol ito sa blueprint ng Greycom Building at pumayag na rin naman daw siyang itayo ito sa San Diego USA. Sinabi mo raw kasi na ang malaking bahay na inakala mong abandonadong lote noon ay isa palang bahay-ampunan, kaagad rin naman daw siyang pumayag na i-cancel ang project. Naawa rin daw kasi siya sa mga bata. Kaya lang ay nagkaroon ng malaking problema," sabi niya.

Nakapag-usap nan ga kami ni Mr. Bamford tungkol sa bagay na ito.

Napakunot-noo ako. "Ano ba ang malaking problema?" tanong ko kaagad.

Huminga siya nang malalim. "Inaamin niyang nagalit siya sa biglaan mong pag-urong sa kasal niyo ni Candace nun. Pero tinanggap na rin naman niya nang malaman niyang kinasal ka na nga kay Barbi. Kaya lang, ang tatay-tatayan mo. Ninakaw niya ang agreement letters niyo ni Mr. Bamford, tungkol sa kasunduan niyo na pasasabugin niyo nang sapilitan ang bahay-ampunan." sabi niya habang nakasimangot.

Napangiti lang ako. "Hindi bale, hindi ko naman pinirmahan ang agreement letter eh," sabi ko.

Umiling kaagad si attorney. "Ninakaw ang agreement letter at natuloy ang pagsabog sa ampunan. Tapos ang problema natin ngayon ay lumalabas na ikaw at si Mr. Bamford, ang may kasalanan sa pagsabog. Nakarating na rin sa korte ang agreement letter niyo ni Mr. Bamford, at may pirma niyo itong pareho," sabi niya.

Humigpit ang kapit ko sa manibela. "Ipahanap niyo si Ramon. Gawin mo ang lahat para malinis ang pangalan ko," sabi ko.

Si Ramon ang tatay-tatayan ko. Kilala ko siya. Lahat gagawin niya para lang pabagsakin ako. Pero hindi na ako natatakot sa kanya ngayon.

Tumango naman si Attorney.

"Hindi ito pwedeng makarating kay Barbi. Ayoko siyang madamay rito," sabi ko.

Huminga nang malalim si attorney. "Naiintindihan kita. Pero mas maganda kung sabihin mo na ito sa asawa mo para alam niya ang mga nangyayari sa 'yo. Malay mo mas matulungan ka niya," sabi niya.

Hindi ako sumagot at nagpatuloy sa pag-iisip ng mga panibagong hakbang na gagawin ko.

Hinawakan ako sa balikat ni attorney. "Lanz, mag-asawa na kayo. Hindi mo pwedeng solohin ang problema mo. Kahit anong mangyari sa 'yo damay na rin si Barbi dito," sabi niya.

Biglang nag-ring ang cellphone ko at nakita kong si Shaina ang tumatawag. Sinagot ko kaagad ito.

"Hello, Lanz? May pumunta rito kanina, papa mo raw siya. Kinausap niya si Barbi kanina at pagkatapos nilang mag-usap bigla na lang umalis si Barbi nang walang paalam," sabi niya.

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. "Huh?Saan siya pumunta?" tanong ko.

"Hindi ko rin alam eh. Paglabas ko wala na siya rito sa balcony," sabi niya.

Napakuyom ako ng kamao. "May Malaki akong problema attorney," sabi ko.

Dear Chocolate BoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon