CHAPTER FIVE: MYSTERIOUS SENDER

36 12 3
                                    


Nag-graduate ako sa college at ngayon ay isa na rin akong guro sa nursery kasama si Shaina. Siya na rin ang naging bestfriend ko for the whole life ko sa college.

Mahilig kasi kami pareho sa mga bata kaya kinuha namin ang course na Early Childhood Education. After namin mag-graduate sa kolehiyo ay unti-unti ko nang nararamdaman ang pag-asang makitang muli si Lanz. Walang araw na hindi ko siya iniisip. Hindi ko na nga yata nagawa na iwaglit siya sa isipan ko eh.

Unang sahod namin ni Shaina ngayon, at ang una naming binili ay ang matagal na naming pinangarap na cellphone. Lumang-luma na kasi ang mga cellphone namin eh. Tapos de-keypad lang.

At nang nakabili na kaming dalawa ay sobrang saya namin. No'ng una ay medyo nage-enjoy pa kaming mag-scroll sa facebook hanggang sa biglang nawala na lang sa mood si Shaina.

"Oy bakit?" tanong ko nang makitang nakabusangot na ang kanyang mukha.

"Hindi ko siya mahanap sa facebook ehh," malungkot niyang sabi.

Kumunot noo ako. "Sino? Yung daddy ni Timmy?" tanong ko. Si Timmy, ang anak ni Shaina.

Tumango siya habang nakasimangot. "Kaya nga ako bumili ng cellphone ehh! Kasi gusto kong malaman kung nasaan siya. Gusto kong malaman kung kamusta ba siya at kung nasa maayos pa ba siyang kalagayan," malungkot niyang sabi.

Niyakap ko na lang siya. Hindi ko rin kasi alam kung papaano ko siya i-comfort ehh. Sa kabilang banda kasi ay napapaisip rin ako kung bakit kaya hindi ko rin subukan na hanapin sa facebook si Lanz? Baka sakaling makakita ako ng pag-asa.

Mis na mis ko na talaga si Lanz. At halos gabi-gabi akong umiiyak dahil sa biglaan niyang pagkawala. At magpahanggang-ngayon ay naiipit pa rin kasi ako sa dalawang bagay. Ang tanggapin na wala na siya, o ang umasang isang araw ay magkikita kaming dalawa.

Pag-uwi ko sa bahay ay nakangiti si mama na sumalubong sa 'kin. Napairap lang ako sa hangin sabay ngiti. Alam ko naman kung bakit siya masaya ngayon. First sahod ko eh.

Humalik ako sa pisngi ni mama at papa bago ako umupo. Napagod ako sa maghapon pero kaagad din namang napawi ang pagod ko nang tabihan ako ni mama sa upuan.

"Barbara—"

"Ma! Barbi na lang po kasi," pagputol ko sa sinabi niya.

"Anak?"

Napailing na lang ako. "Ayaw talaga akong tawaging Barbi eh," sabi ko habang nakasimangot.

Nanatili siyang nakangiti. "Kanina may dumating dito na package. Para sa 'yo raw eh. Wala namang nakasulat na pangalan kung kanino galing. May manliligaw ka na ba, anak?" nakangiti niyang tanong.

Siyempre napakunot-noo naman ako. Sino naman kaya 'yon? Wala akong inaasahan na package na darating sa 'kin. Pero medyo nakakapagtaka lang.

"Nasaan po?" tanong ko kay mama.

Kinuha ni mama sa ibabaw ng ref ang isang chocolate box na kulay pink. Hugis puso ito at may ribbon na pula sa ibabaw. Nang makita ko ang box ay naghalo-halo na bigla ang aking kaba. Hindi ko maintindihan kung ano ang pinagmumulan ng kaba ko pero kasi sobrang nostalgic ng pakiramdam ko sa pusong-kahon na ito.

Inabot ito sa akin ni mama. "Buksan mo nga patingin ng laman!" nakangiting wika ni mama. Buti ngayon hindi na sila nagbubukas ng mga regalo na para sa akin. Dati kasi una pa silang nagbubukas ehh.

Nang buksan ko ito ay puro mga imported na chocolate sa loob, at sa gitna nito ay may papel na kulay puti na nakatupi sa apat. May nakasulat pa na, 'Smile before you open'.

Dear Chocolate BoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon