Nakauwi na kami ngayon ni Lanz, sa Bacolod City, at nagpaiwan naman si Candace sa bahay namin dahil ayaw na nila maghiwalay ni Junior.
Pagdating namin sa Bacolod ay kaagad kaming pumunta sa bahay ni Shaina para dalawin sila pati na rin ang mga bata.
Pagdating namin ay binigyan kami ng invitation card ni Shaina para sa kasal nila ni Dan. Masayang-masaya ako para sa kanila.
Si Sister Cora naman ay unti-unti nang nakakaalala. At kahit na masakit ang mga nangyari ay pinipilit pa rin niyang maging matatag para na lang sa mga batang naiwan.
Nagplano na rin si Lanz at Mr. Bamford na patatayuan ng bagong bahay ampunan si Sister Cora, upang may matutuluyan pa rin sila ng mga bata kapag naka-recover na siya. Ayaw na rin nilang bumalik sa dating ampunan dahil sa trauma nila sa nangyari.
Si Jiboy naman ay nagising na at naging successful ang eye operation niya. Hinihintay na lamang namin na maka-recover siya. Mas naging matatag rin siya dahil si Clara ay palaging nasa tabi niya para bantayan at kausapin siya.
Sina Froiland, Chuchay, Mona at Mimi ay mas lalong naging malapit at napamahal sa isa't-isa na parang totoong magkakapatid.
Si King at Savannah naman ay sobrang saya na rin dahil magkakaroon na sila ng baby. Buntis kasi si Savannah ng three months.
At si Mommy Marta naman ay sobrang saya rin nang malaman niya na okay na kami ulit ni Lanz at nakabalik na ako sa bahay namin.
Si attorney naman ay nagbalik na sa Mexico dahil may bago siyang kaso na hahawakan doon.
Nagiging maayos na rin ang lahat at unti-unti ay nakaka-move on na rin kami sa mga nangyari.
Samantala si Ate Jaja naman ay nasa New York na. Naghiwalay na sila ngboyfriend niyang hapon at tinulungan siya ni Tita Marta na makapunta sa ibang bansa at doon ay nakahanap siya ng magandang trabaho.
Alam na rin niya ang nangyari sa kanyang mga magulang na si Ramon at Luzviminda. Pero hindi naman na siya apektado dahil matagal na rin na lumayo ang loob niya sa mga ito.
Dahil sapilitan kasi siyang pinapakasal ng mga ito sa isang Japanese na may ari ng club sa Japan. At doon ay pinagtrabaho siya bilang waitress sa club. Kaya nung nalaman niya na nakulong ang mga magulang niya ay parang wala na lang sa kanya. Pakiramdam niya ay nabigyan din ng hustisya ang pambubugaw na ginawa sa kanya ng nanay niya.
HAPON NA KAMI nang makauwi kami galing sa bahay nila Shaina. Next week na kasi ang kasal nila ni Dan. Sa akin siya humingi ng tulong na pumili ng magandang design ng gown niya na susuotin para sa kasal.
At sa sobrang excited namin pareho ay inabot kami ng hapon sa pagpili lang ng gown sa isang sikat na boutique store. At bukas ay pupuntahan iyon nila ni Dan para ma-pick up.
Pagdating namin ni Lanz sa bahay ay nagsaing na ako kaagad. Hindi na kasi kami kumain sa labas ni Lanz, dahil sabi kasi niya ay gusto niya daw na ipagluto ko na lang siya.
Pagdating sa kusina ay napakamot ako sa ulo habang nakaharap sa lababo.
Adobo lang talaga ang naiisip kong pinakamadaling lutuin sa lahat. Kapag kasi nagluto ako ng ibang ulam ay masyadong matagal. Baka ten o'clock na kami ng gabi makakain.
Huminga ako nang malalim at iniisip ko na baka ayaw ni Lanz at magalit na naman siya sa adobo. Ay sa 'kin pala!
"Anong problema?" Napalingon ako sa likod ko nang marinig ang boses ni Lanz. Napansin siguro niyang nakatulala ako.
Ngumiti ako sa kanya. "Wala naman. Iniisip ko lang kung anong ulam ang gusto mo," sabi ko.
Bigla siyang tumawa at humawak sa magkabilang pisngi ko. "Bakit kailangan mong problemahin ang ulam natin? Kung ano lang ang kaya mong lutuin yun lang," sabi niya.
Nagtaas ako ng isang kilay. "Kahit adobo?" tanong ko.
Tumawa ulit siya at kinurot nang mahina ang magkabilang pisngi ko. "Oo naman. Paborito ko na nga yun eh!" sabi niya habang nakangiti.
Sumimangot ako. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nang aasar lang.
"Yun lang kasi ang madaling lutuin eh," sabi ko habang nakayuko.
Bigla niya akong niyakap. "Kahit araw-araw mo pa akong ipagluto ng adobo. Promise, hinding-hindi na ako magrereklamo. Alam mo bang nung nawala ka dito sa bahay ay hinanap-hanap ko ang luto mo na adobo? Kaya mula ngayon, yun na ang paborito kong ulam," sabi niya.
Napaismid naman ako at napatingala sa kanya. "Promise mo 'yan huh?" tanong ko.
Tumango naman siya at gumanti naman ako nang yakap sa kanya.
KINASAL NA SI Shaina at Dan. Sobrang saya ng araw na 'to. Nakahanda na ngayon si Shaina na maghagis ng boquet at pati ang mga bridesmaid ay excited na rin sa pagsalo nito.
Pero ako dahil may asawa na ako ay tamang pwesto lang ako dito sa isang mesa at kumakain kasama si Lanz.
Lumulobo-lobo pa ang pisngi ko dahil sa kinakain ko. Nang biglang narinig ko na silang nagtilian kaya naman kaagad naman akong napalingon sa direksyon nila at sa hindi inaasahan...
Ako ang nakasalo ng boquet.
Namilog ang mga mata ko at napalingon ako kay Lanz. Imbis na magulat ay bigla siyang napangiti habang namumungay ang mga mata na nakatingin sa akin.
Narinig kong nagpalakpakan ang mga tao kaya ngumiti na lang ako at nag-bow sa kanilang lahat habang hawak ko ang boquet at punong-puno pa ng pagkain ang bibig ko.
BINABASA MO ANG
Dear Chocolate Box
RomanceAng buhay ay parang kahon ng tsokolate. kapag natanggap mo, wala kang ideya kung ano ang nilalaman nito. Ngunit para sa isang taong tunay na nagmamahal, handang lasapin ni Barbi Dixon ang pait ng mga pagsubok ng buhay makita at makasama lang niya u...