CHAPTER FOURTEEN: PRECIOUS HOME ORPHANAGE

19 4 0
                                    


LAN'Z POV:

Pagsapit nang Lunes ay hinatid ko na si Barbi sa Orphanage. Pagdating namin ay sinalubong kami ng isang mabait na ginang na nakasuot ng damit na pangmadre. Siya raw si Sister Cora. Pinakilala ko na kaagad ang sarili ko sa kanya at sa mga bata sa ampunan na ako ang boyfriend ni Barbi.

Kinilig naman silang lahat. Si Barbi lang yung hindi. Pakipot naman talaga yan siya dati pa eh.

Pagkatapos ay nag-almusal muna kami at nag-asikaso na rin si Barbi dahil magtuturo na siya. Pagkatapos ay sinama niya ako sa classroom habang nagkaklase sila ng mga bata.

Bukas pa talaga dapat siya magsisimulang magturo kasi day off pa niya. Sabi kasi niya ay wala rin naman daw siya gagawin maghapon kaya tuturuan na lang daw niya ang mga bata tungkol sa solar system. Kahit mga two hours lang daw.

Nasa fifteen na bata rin pala ang nandito sa bahay ampunan, at dalawa lang daw sila ni Shaina ang guro dito.

Pagkatapos ng klase ay lumapit sa amin ang isang batang babae na may hawak na gusgusing manika. Si Chuchay raw ang pamngalan niya.

"Kuya! laro po tayo ni Teacher Barbi sa playground!" sabi niya habang nakangisi.

Napilitan naman akong ngumiti. Akala ko pa naman ay masosolo ko na ngayon si Barbi dahil tapos na ang klase niya.

"Hi, Chuchay!" Ningitian ko siya. "Pwedeng bukas na lang? Ang mga bata dapat nagpapahinga pagkatapos ng klase," pang-uuto ko.

Bigla siyang sumimangot. "Sige na po!" Lumapit siya kay Barbi at hinawakan ito sa kamay. "Teacher, sige na po! Laro na po tayo," sabi niya.

Napabuntong-hininga ako at lumapit kay Barbi para bumulong. "Tumanggi ka— Sabihin mo masakit ulo mo," sabi ko.

Kinunutan niya ako ng noo at tinulak niya ako gamit ang balikat niya. "Tumigil ka nga!" Umirap siya sa akin at hinarap si Chuchay. "Oo Chuchay, maglalaro tayo. Pero mamaya na, huh? Kailangan muna nating magpahinga eh, okay?" sabi niya sa mahinahon na tono.

Lalong sumimangot si Chuchay at nagsilapitan na rin ang iba pang mga bata. Pinilit nila kaming maglaro ni Barbi.

"Sige na po, please?" sabay-sabay nilang sabi.

Napakamot na lang ako sa batok ko at saka napailing. "Sige na nga!" napipilitan kong sabi.

Ngumiti naman sa akin si Barbi. "Pagpasensyahan mo na lang sila. " Hinawakan niya ako sa kamay. "Alam mo naman ang mga bata," sabi niya."

Nagkibit-balikat na lang ako. "Ano pa nga ba ang magagawa ko?" sabi ko at tumawa lang siya sa 'kin.

Pagdating namin sa playground na nakapwesto lang din sa loob ng orphanage ay tuwang-tuwa ang mga bata. Nagkanya-kanya na sila nang takbo. May Pumunta sa duyan, sa slide, sa seesaw, at may naglaro ng mata-mataya.

Lumapit ako kay Barbi na ngayon ay nakatayo lang habang nanonood sa mga bata.

"Ang gulo ng mga bata!" reklamo ko.

Tumawa lang siya. "Parang hindi ka naman naging bata. Hayaan mo na," sagot niya.

Ngumiti lang ako sa kanya at umakbay habang pareho naming pinapanood ang mga bata. "Hindi ko akalain na magti-teacher ka," sabi ko.

Mahina siyang tumawa. "Marami na nga kasing nagbago. At kung mayro'n man hindi nagbago... Sa palagay ko yun yung pagiging mahalaga mo sa 'kin... Nung friendship natin," sabi niya.

Napangiti ako sa kanya. "Salamat ah," sabi ko.

Kumunot-noo siya. "Saan?" tanong niya.

"Kasi nandito ka. Kasi pinuntahan mo 'ko rito. At saka... Sorry na rin dahil imbes na ako ang gumawa no'n ikaw pa ang nag-first move," sabi ko.

Dear Chocolate BoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon