CHAPTER NINETEEN: STAND FOR YOUR LOVE

13 3 0
                                    


Pagkatapos namin maghapunan ay nag-usap si Lanz at ang mga magulang ko.

Hindi nila ako pinasali sa usapan nila dahil alam nilang kokontra ako sa mga tanong ni papa kay Lanz na pang-'Dont Lie To Me'. Ang tanging nagawa ko na lamang ay magtago sa gilid ng ref at pinilit maabot ng aking pandinig ang kanilang usapan.

"Pumunta ang mommy mo dito kahapon Lanz," sabi ni mama.

"Mama lang po," sagot ni Lanz.

Tumikhim si papa. "Alam kong hindi maganda ang ugnayan niyo ng mama mo. Pero sana kaya mong protektahan ang anak ko sa kanila. Unang-una ay bakit mo pinakasalan si Barbara, gayung may gatas pa siya sa labi?" tanong ni papa.

Napadilat ako at kumunot-noo dahil sa tanong ni papa. Mabilis kong pinunasan ang gatas sa labi ko. Nakikita ba niya ako dito sa gilid ng ref?

"Mahal ko po ang anak niyo at siya po ang gusto kong makasama habang buhay," sagot naman ni Lanz.

Bumuntong-hininga si mama. "Pero sana hindi kayo nagmadali. Masyado pa kayong bata, Lanz. Baka nabibigla ka lang sa mga nangyayari sa 'yo. Ang sabi ng mama mo ay may fiancee kang amerikana. Bakit pinipilit mo pa ang sarili mo kay Barbi? Maputi lang naman iyang anak ko pero hindi naman yan maganda!" sabi ni mama.

Napakunot-noo ako sa sinabi ni mama. Kapag si mama talaga ang bumanat parang gusto ko na lang paniwalain ang sarili ko na ampon lang talaga ako.

Umiling si Lanz. "Pinag-isipan ko na po ito ng ilang beses, ma. Mahal ko po si Barbi," sabi nya.

Parang nanibago akong tinawag niyang ma ang mama ko. Nasanay kasi akong tita lang ang tawag niya kay mama noon.

Humawak sa balikat ni Lanz si papa. "Gusto kita para sa anak ko Lanz. Kaya lang paano naman ang anak ko? Hindi siya ang gusto ng pamilya mo para sa 'yo," sabi ni Papa.

Lumingon sa akin si Lanz. Hindi ko alam na nakikita pala ako dito sa gilid ng ref. Kumunot-noo siya habang nakatingin sa akin. Napatuwid naman ako nang tayo at ngumiti sa kanya.

"Si Barbi po ang gusto ko, pa. At wala po silang magagawa para do'n," seryoso niyang sabi habang nakatitig sa akin.

Umiling si mama. "Lanz, magulang mo pa rin sila. Sila ang mas nakakaalam kung anong mas makabubuti sa 'yo. Si Barbara ay alagain pa. Ni hindi nga siya marunong maghugas ng plato at magsaing eh. Gusto mo ba talaga maging asawa ang katulad niya?" tanong ni mama.

Parang gusto kong mag-disappear dahil sa mga pinagsasabi ni mama. Parang gusto ko na lang tuloy bumili ng bagong mama.

Napatango na lang si Lanz. "Hindi po sa lahat ng oras ay makabubuti sa akin ang gusto ng mga magulang ko. Hindi rin po dahil magulang sila ay wala nang karapatang magdesisyon ang isang anak. Twenty-five years old na po ako at alam ko na po ang mga ginagawa ko. Kahit ano pa po ang sabihin niyo, si Barbi lang po ang mahal ko. At pinakasalan ko na po siya. Asawa ko na po ang anak niyo. Wala na pong kahit anong paraan para paghiwalayin kaming dalawa," seryoso na sabi ni Lanz.

Hindi naman na kumontra si mama at papa. Pinayagan na rin nila si Lanz na dito na muna tumuloy sa bahay.

Pagkatapos nilang mag-usap sa sala ay tumawag si Lanz kay Dan, kung ano na ang balita sa nangyaring pagsabog sa ampunan.

"Nakakulong na ang guard ng Orphanage. Umamin siya na siya ang nagtanim ng bomba sa tabi ng classroom. Hindi naman niya sinabi kung ano ang dahilan niya at bakit niya ginawa yun," paliwanag ni Dan sa kabilang linya.

Napakunot-noo ako. Imposible na gawin yun ni kuyang guard. Mabait si kuyang guard. Although, kalbo siya at malaki ang tiyan pero mabait siya. Hindi ako makapaniwala talaga na magagawa niya ang bagay na yun.

Dear Chocolate BoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon