CHAPTER ELEVEN: LANDIAN NG MGA MARURUPOK

14 4 0
                                    


Mukhang shocked na shocked talaga si Dan. Siyempre ako rin nagtataka sa naging reaksyon niya.

Napakunot-noo ako at napalingon kay Shaina. Ganun na ba kaganda si Shaina para ma-starstruck si Dan nang ganun?

Bumitaw si Shaina sa 'kin tapos hinila niya si Timmy sa kamay at mabilis na tumalikod. Walang kahit anong salita ay humakbang siya nang mabilis kasama si Timmy. Hanggang sa tumakbo na sila ni Timmy nang tuluyan.

Mabilis naman silang hinabol ni Dan. At nang maabutan niya si Shaina ay hinawakan niya kaagad ito sa braso.

Napataas ako ng isang kilay habang papalapit sa kanila. "Uhm... Guys? What's going on?" tanong ko. Hindi pa ako sure, but I smell something.

Nakita ko kaagad si Timmy na hinila ang damit ni Dan. "Hey don't touch my mommy!" nakakunot-noo niyang sabi habang nakaturo kay Dan.

Mabilis naman akong humakbang palapit sa kanila. Bumagsak ang tingin ni Dan sa nangagalit na si Timmy kaya nabitawan niya ang braso ni Shaina.

Natigilan naman ako sa sunod kong nasaksihan. Tumingin si Dan kay Timmy at narinig ko siyang napahikbi. Hinawakan niya sa magkabilang pisngi si Timmy at niyakap. Pagkatapos ay lumingon sa akin si Dan habang namumula ang kanyang mga pisngi at mga mata.

Mukhang naiiyak na siya habanag marahan na lumapit sa 'kin. Hinawakan niya ako sa kamay. "Salamat Barbi. Salamat sa paghatid mo sa kanila dito sa 'kin," sabi niya sa tonong Ilonggo.

Napakunot-noo naman ako. "Hinatid sila sayo? Bakit? Ikaw ba ang ex ni Shaina na palagi niyang kinukwento sa 'kin?" tanong ko.

Tumango siya habang umiiyak at saka binaling ang tingin kay Shaina. Talagang hindi siya makapaniwala at kitang-kita ko sa mga mata niya ang labis na tuwa.

Hinawakan niya si Shaina sa magkabilang pisngi. "Totoo ba 'to ha? Nandito ka ngayon sa harapan ko?" umiiyak niyang tanong.

Tumango naman si Shaina habang humihikbi na nakahawak sa kamay ni Dan, habang nakakunot-noo naman si Timmy na nakatingin sa kanila.

Niyakap siya ni Dan nang mahigpit. "Totoo nga! Ikaw nga! Akala ko ay panaginip lang 'to!" sabi niya.

Nakakunot-noo pa rin si Timmy na tila ba gulong-gulo pa rin sa mga nangyayari. Napapunas ako sa mga pumatak kong luha nang magkatinginan kami ni Timmy.

"Ninang Barbi! Bakit niya po niyayakap mommy ko? Who's that man?" tanong niya sa inosenteng reaksyon.

Napakamot ako sa ulo ko at nag-isip kung sasabihin ko ba sa kanya.

"Ano kasi Timmy eh...Uhm... Pa'no ba?" Naputol ang sasabihin ko nang sumabat si Shaina.

"Siya ang daddy mo Timmy," Nakangiti na sabi ni Shaina habang nagpapahid ng mga luha.

Nanlaki ang mga mata ni Timmy nang lumingon siya kay Dan. "Huh? Talaga po? May daddy ako?" tanong niya habang nakangiti.

Naiiyak na rin tuloy ako habang nakatingin sa kanila. Hindi ko mapigilan ma-touch para kay Timmy. Hinawakan ni Dan si Timmy sa magkabilang balikat. Tapos lumuhod siya at tumingin sa mga mata ni Timmy. "Ito na ba? Ito na ba ang anak natin pangga?" Lumingon siya kay Shaina habang umiiyak.

Ngumiti si Shaina at sunod-sunod na umagos ang mga luha niya sa mga mata habang tumatango. "Oo pangga. Siya si Timmy ang anak natin," sabi niya.

Niyakap ni Dan si Timmy. Nakita ko na naman kung paano kumunot ang noo ni Timmy. Napa-angat siya nang tingin sa akin at ngumiti na lang ako sa kanya. Alam ko na ngayon kung kanino nagmana ang singkit niyang mga mata.

Dear Chocolate BoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon