After one week, niyaya ako ni Lanz na bumalik sa bundok na pinuntahan namin dati para manood ng city lights.
Pumayag naman ako, at dahil alam ko na ang hitsura ng pupuntahan namin ay nag-full gear attire na ako.
Naka-couple jogger pants na black kami ni Lanz, at pareho kaming naka-white plain tshirt at white rubber shoes.
Nung unang punta namin dito ay bw*sit na bw*sit ako sa kanya pero ngayon ay buhay na buhay ang dugo ko. Pagdating namin sa dating pwesto kung saan kami umakyat no'n, ay kaagad akong tumingin sa city lights sa ibaba habang nakangisi.
Umakbay naman sa akin si Lanz. "Happy ka na ba?" tanong niya.
Nakangisi akong tumingin sa kanya at tumango-tango. "Oo naman!" sabi ko.
Inalis niya ang pagkakaakbay sa akin. "Tumingin ka lang sa taas sa langit," utos niya.
Tumingin din naman ako at napakunot-noo. Wala namang special akong nakita sa langit maliban sa mga bituin.
Napasinghap ako nang biglang may tumunog na qutis fireworks. Sunod-sunod itong pumutok sa sa himpapawid. May iba't-ibang kulay pa. At sa bawat pagsabog nito sa ibabaw ay isa-isang lumabas ang mga salitang, "Marry Me Again".
"Ay wow! Sana all!" sigaw ko habang tumatawa.
Nilingon ko si Lanz at nakita ko siyang nakaluhod na sa harapan ko habang hawak hawak ang isang singsing. "Will you marry me again, Barbi?" tanong niya.
Parang huminto ang paghinga ko ng mga ten seconds tapos biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Hindi ko inaasahang para sa akin pala ang mga salitang yun.
Ang akala ko ay walang alam si Lanz pagdating sa mga ganitong effort.
Hindi ko napigilan na maiyak sa sobrang saya. Kaagad ko siyang pinatayo at saka ako tumango-tango. Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at sinuot ang singsing sa daliri ko. May singsing nang nauna rito kaya ipinatong na lang niya ito sa kasunod.
Pagkatapos ay bigla niya akong niyakap kaya gumanti na lang din ako ng yakap sa kanya.
"Gusto ko lang bumawi sa 'yo. Last time kasi hindi natin naramdaman kasi nagmadali tayo," sabi niya.
Lihim akong napangiti at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Sobrang saya ko talaga ngayon.
Mayamaya pa ay nagsunod-sunod na naman ang mga putok ng mga makukulay na fireworks hanggang sa nagpalakpakan ang mga tao na naroon at nakatingin sa amin.
Hindi namin sila kilala pero pati sila ay masaya para sa amin ni Lanz. Kaya naman walang pagsidlan ang saya sa dibdib ko nang mga sandaling 'yon.
NAGLALAKAD NA AKO ngayon sa aisle suot ang viel at wedding gown, habang nakakapit sa braso ni papa. Habang naglalakad kami papunta sa harapan ay hindi ko mapigilang umiyak sa tuwa. Lalo na nang makita ko si Lanz na nagpupunas ng mga luha habang hinihintay akong makalapit sa kanya.
Si papa naman ay narinig kong humihikbi pero mahina lang naman. Hindi ako tumingin sa kanya kasi alam kong umiiyak siya sa tuwa kagaya ko.
Tumingin ako kay mama at Mommy Marta na magkatabi sa upuan. Lumingon din ako kay Shaina at Savannah na kapwa nakatingin sa akin. Tiningnan ko rin si Candace at Junior na nagkikilitian na parang may mga sariling mundo.
BINABASA MO ANG
Dear Chocolate Box
RomanceAng buhay ay parang kahon ng tsokolate. kapag natanggap mo, wala kang ideya kung ano ang nilalaman nito. Ngunit para sa isang taong tunay na nagmamahal, handang lasapin ni Barbi Dixon ang pait ng mga pagsubok ng buhay makita at makasama lang niya u...