CHAPTER SIX: HELLO BACOLOD CITY

36 10 1
                                    


Lumipas ang isang buwan at sa wakas ay naayos ko na rin ang mga kailanang ayusin. Nakakuha na rin ako ng ticket sa barko. Oo, barko lang medyo mahal ang eroplano eh.

Naayos ko na lahat bago ako nagpaalam sa parents ko. Para talagang wala na silang choice kung hindi ang pumayag. Nakapag-resign na rin ako sa school na pinapasukan ko. Buti na lang at maraming teacher ang puwedeng pumalit sa akin dun.

"Anak ka naman talaga ng tatay mo! Bakit naman ngayon ka lang nagsabi?" galit na sabi ni mama habang nakapamaywang sa harap ko.

Hindi ako sumagot kasi medyo nagi-guilty rin ako sa ginawa ko kay mama at kay papa eh. Tuloy lang ako sa pagliligpit ng mga gamit ko sa loob ng aking maleta.

"Malayo masiyado ang Bacolod City, Barbi! Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Nakakunot-noo na tanong ni papa.

Bumuntong hininga ako at lumingon kay papa. "Pa, kailangan lang po sa trabaho ko 'to," pagsisinungaling ko para na rin hindi na sila masiyadong magtanong sa akin.

Pero hindi pa rin naniniwala si mama. "Baka naman gusto mo lang hanapin si Lanz dun? Kasi baka iniisip mong siya ang nagbibigay ng mga tsokolate sa 'yo palagi," sabi niya.

This time mahinahahon ang pagkakatanong niya sa akin.

Napasimangot ako at natigilan. "Ma naman... Namimis ko na po si Lanz pero wala siyang kinalaman dito ma," pagsisinungaling ko.

Alam kong malakas talagang mangutob si mama. Pero sorry Lord, pero hindi talaga ako aamin na si Lanz ang dahilan ng pagpunta ko sa Bacolod City. Baka magbago pa ang isip nila ni papa at baka hindi pa nila talaga ako payagan na umalis ngayon.

"Kapag nalaman kong si Lanz ang pinunta mo ro'n, ipapasundo kita ro'n kay Junior ah!" galit na sabi ni papa.

O 'di ba? Kaya ayokong sabihin ang totoo eh!

"Bakit ako? Ipahatid mo na lang siya kay Lanz dito!" sabat naman ni Junior sa naiiritang boses.

"Sana huwag mong pagsisihan ang katigasan ng ulo mo Barbara," mahinahon na sabi ni mama. Pero bakas pa rin sa tono nito ang inis sa akin.

Nakayuko lang ako habang hila ko ang malaking maleta.

Sinamaan ko nang tingin si Junior. "Mas pipiliin ko pa na buhay talaga si Lanz at siya ang maghahatid sa akin pabalik dito! Kaysa naman ikaw ang magsundo sa akin dun 'no! Ayokong makita kita ro'n!" singhal ko sa kanya.

Hinawakan ako ni mama sa balikat. "Kung iyan na talaga ang desisyon mo ano pa nga ba ang magagawa namin eh paalis ka na," sabi niya.

Napasimangot ako at kaagad na niyakap si mama. "Ma, pagbigyan mo na po ako ngayon. Anim na buwan lang naman ang binigay sa amin do'n eh. Mabilis lang naman po iyon," sabi ko.

Tinapik ako ni papa sa likod. "Basta mag-iingat ka doon ah! Maraming mga loko-loko sa kahit saang lugar kaya huwag kang masiyadong makampante ro'n. Hindi mo kilala ang mga tao ro'n, Barbi!" bilin sa akin ni papa bago siya nakiyakap sa amin ni mama.

"Tss! Ang korni niyong tatlo!" sabat naman ni Junior. Tiningnan ko lang siya nang masama at inirapan.

Mabuti na lang at napapayag ko si mama at papa na pupunta ako sa Bacolod City. Medyo malungkot sila pag-alis ko pero wala na silang magagawa. Since nasa tamang edad na rin naman ako.

Pagsakay ko ng taxi papunta sa pier mga 2 hours na ako sa biyahe nang biglang tumawag si Shaina. "Barbs! I'm sorry pina-refund ko iyong ticket ko. Baka susunod na lang ako sa 'yo ro'n. May emergency kasi sa amin eh. Namatay ang biyenan ko kaya wala akong mapag-iwanan sa anak ko eh," sabi niya.

Dear Chocolate BoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon