CHAPTER FOUR: LIFE IS LIKE A CHOCOLATE BOX

50 12 1
                                    


Malapit na ang graduation namin. Kaya araw-araw na rin ang practice namin sa school. Noong una ay masaya pa dahil pinagtatawanan namin ni Lanz ang kunywring diploma na ginamit namin sa practice ay bottled water.

Kaya lang nitong mga lumipas na tatlong araw ay hindi na si Lanz pumapasok sa school. Hindi na rin siya uma-attend ng practice. Ang lungkot ko tuloy palagi. Ano na kaya ang nangyari sa kanya?

Ang dami nang pumapasok sa isipan ko na mga negative things. Katulad na lang ng baka nalaman ni Ate Jaja na si Lanz talaga ang kumuha ng mga chocolates niya last time at baka sa sobrang galit niya ay nasakal niya si Lanz at bigla na lang itong nawalan ng hininga at namatay.

Umiling-iling ako. Bakit ko ba kasi iniisip ang bagay na iyon? Pinapa-overthink ko lang ang sarili ko. baka masama lang ang pakiramdam ni Lanz o hindi kaya tinatamad na siyang pumasok since malapit na nga ang graduation. Pero hindi niya gagawin yun dahil never siyang tinamad pumasok. Mas gusto niya pa sa school kumpara sa bahay nila.

Hay naku! mababaliw na ako kaiisip kung napaano na si Lanz. Sobrang nag-aalala na talaga ako sa kanya, at parang may something rin sa kalooban ko na kulang kasi wala siya.

Hanggang sa dumating na nga ang mismong graduation namin. Wala talagang Lanz akong nakita.

Aminado akong masakit para sa 'kin na hindi ko siya nakita nang halos isang linggo o baka hindi lang. Kaya nang matapos ang graduation namin ay nagpaalam ako kay mama. Naglakas loob talaga akong pumunta sa bahay nila Lanz para makita siya. Kahit natatakot ako sa mama ni Lanz, ay mas nangingibabaw ang pag-aalala ko para sa kanya.

Pagdating ko sa tapat ng gate ng bahay nila ay tinanaw ko muna ang loob ng bintana. Nakikita kasi mula rito sa labas ng gate ang kaganapan sa sala nila eh. Pero nalungkot ako kasi bakit parang walang tao?

"Lanz?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko ay tinawag ko na ang pangalan niya. "Lanz, nandiyan ka ba?" tanong ko.

Kinapa ko ang siradura ng gate nila at nakita kong naka-podlock ito. Bigla akong nalungkot. May kung anong kakaibang pakiramdam na lumulukob sa akin. Parang may hindi tama sa nangyayari.

Ilang minuto rin aking nagtawag sa labas ng bahay nila Lanz. Napangiti ako nang bumukas ang pintuan nila pero kaagad din napawi ang ngiti ko nang makita na si Ate Jaja lang pala ang lumabas sa pinto.

"Wala na si Lanz dito! Hindi na yun babalik!" sigaw niya sabay padabog na sinarado ang pintuan. Huminga ako nang malalim at pinili na lang muna na umuwi. Iniisip kong baka nasa ospital si Lanz ngayon pero huwag naman sana. Ewan ko ba! Nung nakaraan pa ako nago-overthink eh. Ano na kaya ang nangyari sa kanya?

Pag-uwi ko sa bahay ay naabutan ko si mama at papa sa sala. Mabilis na tumayo si mama nang makita niya ako. Kaagad niya akong niyakap at nakita kong namumugto ang kanyang mga mata. Maging si papa ay ganun din.

"Ma! anong nangyayari?" nagtanong na ako kasi kabang-kaba na talaga ako eh. Sa hitsura ni mama at papa alam ko na kaagad na may nangyaring hindi maganda.

"Anak si Lanz kasi..." Hindi masabi ni mama ang dapat sabihin.

"Ano 'yon ma? Anong si Lanz ma? Bakit?" kabang-kaba na talaga ako. I mean—Alam ko naman na kung ano ang kasunod nun pero gusto ko pa rin marinig. Baka sakaling nagkamali lang ako ng iniisip.

Umiling si mama. "Wala na si Lanz, anak," sabi niya at kaagad na naman siyang humagulhol nang iyak.

Ako naman ay hindi makapaniwala. Eh kasi bakit naman mawawala si Lanz? Ano ba kasi ang nangyari? Bakit naman siya mawawala nang biglaan eh alam niya naman na hindi yun puwede kasi iiyak ako.

Dear Chocolate BoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon