"Ang saya pala nun Lanz no?" sabi ko sa kanya habang nakangisi. Naglalakad na kami ngayon pabalik sa cottage.
Napangiti siya at lumingon sa 'kin. "Alin do'n? Yung kiss ko o yung yakapan natin?" tanong niya habang nakangiti. Tapos inayos niya ang pagkakabalot ng kumot sa balikat ko dahil nalilihis ito pababa.
Inirapan ko siya. "Siyempre yung pag-swimming," sabi ko.
Sasabihin ko sana na lahat yun masaya kasama na yung landian namin kanina. Pero nahihiya ako eh. Medyo na-a-awkward-an ako sa mga pinaggagawa namin kanina. Pero inaamin ko sa sarili kong gusto ko ang mga halik niya. Yun nga lang nahihiya ako sa kanya.
Narinig ko siyang tumawa nang mahina at nagulat pa ako nang bigla siyang umakbay sa 'kin.
Ganito pala ang pakiramdam 'no? Kapag nagkahiwalay kayo nang matagal tapos nagkita kayo ulit, parang hindi lang pala ang mga physical appearance ang nagbabago. Pati rin pala ang mga nakasanayan niyong gawin ay parang nakakahiya na ulit gawin. Hindi na talaga katulad ng dati. Para kasing may malisya na ang bawat hawak ng mga kamay niya at pagdikit ng katawan niya sa akin.
Hindi ko nagawang alisin ang kamay niya sa balikat ko. Kakaiba kasi ang kaba na dinudulot nito sa akin. Yung kaba na may halong tuwa.
"Nagugutom ka na ba? Gusto mong kumain?" biglang tanong niya.
Tumingala ako sa kanya at umiling. "Hindi na. Nabusog na ako sa tubig sa pool eh," sabi ko.
Natawa lang siya at ginulo-gulo ang buhok ko. "'Wag ka na ulit iinom nun ha?" sabi niya.
Napahinto siya sa paglalakad kaya napahinto na rin ako. Bigla na lang kasi naming nasalubong si Savannah at King na magkahawak ang mga kamay.
Nagkatinginan kami ni King at seryoso ang kanyang itsura. Ngunit nung tumingin ako kay Savannah ay nakangiti na siya sa akin.
"King! Bakit mo hawak ang kamay ni Savanna?" nakakunot-noo na tanong ni Lanz.
Parang bigla na naman akong nawala sa mood. Yung kaninang saya ko ay biglang napalitan na naman ng selos.
Tumingin ako kay King. Alam kong nababasa niya ang mga mata ko at kung anong gusto kong iparating sa kanya.
kaagad naman siyang huminga nang malalim at tumingin ng masama kay Lanz. "Ikaw? Bakit ka nakaakbay sa..." Lumingon muna si King kay Savannah, tapos tumingin ulit siya nang masama kay Lanz. "Bakit ka nakaakbay sa girlfriend ko? Bitiwan mo nga si Barbi!" sabi niya.
LANZ'S POV:
Biglang inalis ni Barbi ang pagkakaakbay ko sa kanya. Tumingin siya nang masama sa akin at umirap. Tapos bigla na lang siyang naglakad nang mabilis. Kinabahan naman ako dahil sa pag-walk out niya. Para akong nakagawa ng krimen at kailangan ko agad itong pagbayaran.
"Barbi!" tawag ni King sa kanya dahilan para uminit ang ulo ko. Tiningnan ko siya nang masama. Tiningnan ko rin si Savannah at nagpipigil ito ng ngiti.
Umiling ako at lumingon kay Barbi na malayo-layo na sa amin.
Bahala na nga si King at Savannah sa mga buhay nila. Kailangan kong sundan si Barbi.
Hinabol ko si Barbi at mabuti na lang ay doon lang siya sa cottage nagpunta.
Naabutan ko siya doon na nakaupo habang umiiyak.
Napakunot noo ako nang bigla niya akong irapan.
Napailing ako at lumapit sa kanya. "Galit ka ba sa 'kin?" tanong ko sabay hawak sa ulo niya.
BINABASA MO ANG
Dear Chocolate Box
RomanceAng buhay ay parang kahon ng tsokolate. kapag natanggap mo, wala kang ideya kung ano ang nilalaman nito. Ngunit para sa isang taong tunay na nagmamahal, handang lasapin ni Barbi Dixon ang pait ng mga pagsubok ng buhay makita at makasama lang niya u...