Nakaupo na kami sa sala ng bahay ni Lanz. Magkatabi kami sa upuan ni Lanz at nakaupo naman sa harap namin si Candace at Tita Marta.
Nakatitig lamang ang mga asul na mata ni Candace sa direksyon ni Lanz.
"Candace, pasensya ka na kung hindi tayo masiyadong nakapag-usap nung unang pagkikita natin ah," sabi ko.
Nag-angat siya ng isangkilay. "What do you say?" sabi niya.
OO nga pala dollar spokening nga pala siya. "I said, I'm sorry. We don't talk anymore," Lumingon ako kay Lanz at bumulong. "Tama ba yung English ko Lanz?" tanong ko.
Tumango siya at bumulong sa akin. "Oo pwede na 'yan!" sabi naman niya.
Lumingon ulit ako kay Candace at parang Ngatataka siya habang nakatingin sa amin ni Lanz. Tila naguguluhan siya sa kung anong pinagbubulungan naming dalawa.
Huminga siya nang malalim at parang napipilitang ngumiti. "It's okay Barbi. Lanz told me about you before. You guys are bestfriends, right? I saw that he treasures you a lot. You're such a lucky one you have a friend who always love to tell someone a story about you," sabi niya.
Ngumisi lang ako at tumango. Story lang kasi yung naintindihan ko sa sinabi niya eh.
"But may I ask you something?" dugtong pa niya.
Tumango ako. "Yes what?" tanong ko.
"Where are you guys have been in this past three days?" tanong niya habang seryoso siyang nakatitig sa 'kin.
Kumurap-kurap ako. "Nothing, We 're just..." Nag-isip ako sandali.
Shemay! Pa'no ba sa English yung nagliwaliw?
Huminga siya nang malalim. "Barbi, can you stay away from him? I'm his fiancee and I'm so jealous," sabi niya.
Stay away from him?
Sarkastiko akong natawa at saka bumulong kay Lanz. "Kausapin mo 'yang babaeng iyan. Baka hindi ako makapagpigil makalbo ko iyan," nanggigigil kong sabi.
Hinawakan ni Lanz ang kamay ko at tumango. "Sige na ako na ang kakausap sa kanya. Umakyat na kayo ni Mommy Marta sa taas," sabi niya.
Lumingon ako kay Tita Marta. "Inaantok na po ba kayo, Tita—"
"Mommy! Mommy na ang itawag mo sa 'kin," Pagputol niya sa sinasabi ko.
Napangiti ako sa kanya. "Okay po... Mauna na po kayo sa taas mommy. Susunod na lang po kami ni Lanz," sabi ko.
Nabanggit na rin kasi namin sa kanya ni Lanz kanina na kasal na kami at masaya naman siya para sa amin.
"No, I'm fine. Isa pa... Pangit naman na iiwanan ko kayo ditong tatlo na hindi pa naaayos ang lahat," sabi ni Mommy Marta.
Lumapit si Candace kay Lanz at humawak sa braso ng asawa ko. "I don't care whoever you are, Barbi. I'm his fiancee and I want you to stay away from us!" sabi niya.
Napatingin ako sa mga kamay niya na nakahawak sa braso ni Lanz. Inalis naman kaagad ni Lanz ang pagkakahawak ni Candace sa braso niya. "Candace, I told you before that it's hard for me to give up my feelings for Barbi. I told you that I really loved her. Sorry I can't marry you," sabi niya.
Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi ni Lanz.
Natigilan naman si Candace at napakunot habang nakatitig kay Lanz. "No! You can't do that!" sabi niya habang umiiling.
BINABASA MO ANG
Dear Chocolate Box
RomanceAng buhay ay parang kahon ng tsokolate. kapag natanggap mo, wala kang ideya kung ano ang nilalaman nito. Ngunit para sa isang taong tunay na nagmamahal, handang lasapin ni Barbi Dixon ang pait ng mga pagsubok ng buhay makita at makasama lang niya u...