Nagsimula ang lahat nang tumuntong ako ng first year highschool. Nakilala ko si Lanzel Hart Alvarez. May pagka-shy type siya at hindi talkative kaya mas madalas ako ang unang kumakausap sa kanya.
Naging mas close kami lalo dahil magkatabi ang upuan naming dalawa sa classroom. Kami rin palagi ang magkausap at magkasabay kumain sa canteen. Madalas rin ay teamwork kami sa pagsagot ng mga quiz at mga exam lalo na sa Math. Kaya nga matataas ang grades ko sa Math eh. At dahil iyon sa tulong niya.
Nung first year highschool pa lang kami ay naging crush ko na siya. Hanggang sa nag-fourt year highschool kami ay hindi nagbago ang pagtingin ko sa kanya. Pero nilihim ko ito dahil natatakot akong baka bigla siyang umiwas at masira ang pagkakaibigan naming dalawa.
"Bakit wala kang ibang friend? Bakit ako lang?" tanong ko kay Lanz. Siguro ay ika-sampung beses ko na itong naitanongsa kanya.
Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Mayro'n naman akong friend ah—Ikaw." Ika-sampung beses na rin niyang sagot sa akin ito at medyo nauumay na rin ako.
Sumandal ako sa upuan at at napasimangot. "Ibang sagot naman kasi, Lanz. Paulit-ulit ka naman eh!" sabi ko.
Natigilan siya sandali at saka natawa. "Anong trip na naman ba iyan, Barbi?" tanong niya sabay balik nang tingin sa blackboard sa harapan. Wala pa kasing teacher kaya malaya kaming magkausap ngayon.
Napahalukipkip ako habang nakasimangot. "Tingnan mo'to! May nakakatawa ba sa sinabi ko, Lanz?" tanong ko.
Biglang sumeryoso ang hitsura niya. "Sige—kahit wala kang ibang tanong kung hindi iyan, babaguhin ko na ang sagot ko para sa 'yo," sabi niya habang matiim na nakatitig sa 'kin.
Kinamot niya ang dulo ng kanyang matangos na ilong gamit ang kanyang hinliliit. God ang gwapo talaga niya!
Hinila niya ang upuan niya at hinarap niya sa upuan ko sabay lapat ng mga kamay niya sa sandalan ng inuupuan ko. Natigilan tuloy ako kasi napagitnaan na ako ng dalawang kamay niya habang nakatitig siya sa 'kin.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Sobrang lapit kasi ng mukha namin sa isa't-isa kaya naaamoy ko ang kaniyang hininga na amoy I-cool.
"Kasi alam mo Barbi, Ayoko nang bumuo ng memories na iba ang kasama ko," sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.
Napalunok na naman ako dahil sa sinabi niya. Inusog ko nang kaunti ang upuan ko palayo sa kanya at saka yumuko. "Gano'n ba?" sabi ko na lang. Parang umurong na rin kasi ang dila ko dahil sa kaba.
Bakit naman kasi naisipan ko pa siyang hingian ng ibang sagot sa tanong na yun eh. Hindi ko na tuloy siya kayang tingnan.
"Bakit ba kasi, Barbi? Bakit mo ba tinatanong iyan?" tanong niya habang tumatawa.
Binalik ko ulit ang tingin ko sa kanya at umiling. "Wala lang, survey lang," sabi ko habang nagpipigil nang kilig.
Inalis niya ang mga kamay niya sa sandalan ng upuan ko kaya bigla akong nakahinga nang maayos.
"Namumula ka na naman ah. Kinikilkig ka ba?" tanong niya sa akin sabay pisil sa pisngi ko.
Pinunasan ko ang pisngi ko na pinisil niya at saka ako napairap. "Hindi ah! Bakit naman ako kikiligin sa'yo? Kadiri kaya!" pagde-deny ko.
Bahagya siyang natawa. "Kadiri raw," panunudyo niya.
Umirap ako sa kanya at nagpigil nang ngiti. "Ewan ko sa 'yo! Assuming ka na naman!" sabi ko.
BINABASA MO ANG
Dear Chocolate Box
RomantizmAng buhay ay parang kahon ng tsokolate. kapag natanggap mo, wala kang ideya kung ano ang nilalaman nito. Ngunit para sa isang taong tunay na nagmamahal, handang lasapin ni Barbi Dixon ang pait ng mga pagsubok ng buhay makita at makasama lang niya u...