CHAPTER FIFTEEN: ANG PAKWAN

21 4 0
                                    


Nakatayo na si Lanz sa harapan habang nakatingin sa 'kin. "Barbi, kinakabahan ako," sabi niya.

Napairap ako. "Hindi ka nga kinabahan sa pinagsasabi mo sa mga bata eh!" sabi ko.

Sinimangutan niya ako bago siya huminga nang malalim. "Uhhhhmmm... You guys are ready?" tanong niya sa mga bata.

Napangiti ako habang inaabangan kong magsimula siyang mag-discuss sa mga kalokohan na siya rin naman ang may gawa.

"Ang baby ay gawa sa buto ng pakwan," panimula niya.

Nanlaki ang mata ko at muntik na akong matawa sa sinabi niya. Buti napigilan ko kung hindi ay masisira talaga ang konsentrasyon ng mga bata.

"Wow! Talaga po? Paano?" Amazed na amazed si Jiboy sa panimula ng diskusyon ni Lanz. Palibhasa ay hindi niya alam kung gaano ka abnormal ang taong 'yan.

Tumikhim si Lanz at tumingin sa akin. Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. Tapos napasimangot ulit siya at parang may binubulong-bulong.

Pinandilatan ko siya ulit ng mga mata kaya inalis niya ang tingin niya sa akin, at pinagpatuloy niya ang pagpapaliwanag.

"Kapag mahal ng lalaki ang isang babae ay kailangan niyang bumili ng buto ng pakwan para ibigay ito sa babae." Tumigil siya sandali at parang nag-isip ng susunod na sasabihin. Mukhang kina-career niya na talaga ang pag-explain sa mga bata.

"At kapag mahal naman ng babae ang lalaki ay tatanggapin niya ang ibibigay na buto ng pakwan." Lumingon ulit siya sa akin habang inaabangan ko ang susunod niyang sasabihin.

Napangisi siya sa akin. "Kailangan yun kainin ng babae para tumubo ito sa tiyan niya at lumaki," sabi niya habang seryosong nakatitig ng direkta sa mga mata ko.

"Wow! Kaya po pala lumalaki ang tiyan ng babae kapag may baby sa loob? " tanong ni Jiboy.

Tumango naman si Lanz habang nanatili pa rin siyang nakatitig sa akin. para tuloy akong nakakaramdam ng paro-paro sa tiyan ko. Bakit kasi ganyan na lang siya kung tumitig?

"Eh! Pa'no po sila lumalabas sa tiyan ng babae kuya Lanz?" tanong naman ni Chuchay.

Napakamot sa ulo si Lanz. Yumuko siya at sandaling nag-isip. "Ahm— kapag nahinog na ang pakwan sa loob ng tiyan ng babae ay mapipisa ito at..." Tumigil ulit si Lanz at saka nag-isip. Kinakabahan ako sa susunod na sasabihin niya dahil mukhang nauubusan na siya ng explaination.

Inalis niya ang tingin sa akin at tsaka binaling ang tingin sa mga bata. "At itatae na lang ito ng babae at 'yon na ang baby!"sabi niya habang nakangisi.

Napairap na lang ako sa sinabi niya. Inabangan ko pa naman yung part na yun!

"Aaayyy!" Napasimangot si Chuchay. "Ibig-sabihin po ba ay t*e lang po kaming lahat dito?" sabi niya sa malungkot na tono.

"Ano ka ba naman Chuchay! Hindi na tayo mga baby 'no! Kaya hindi na tayo t*e. Tao na tayo!" sabi naman ni Jiboy.

"Yes Chuchay! Tama naman si Jiboy," sabat naman ni Lanz.

"Hindi po siya buong pakwan kapag lumabas?" tanong naman ni Clara habang nakakunot-noo.

Umiling si Lanz. "Hindi na. Kasi napisa na ang pakwan sa loob ng tiyan. Kaya magiging baby na siya paglabas," paliwanag niya.

Natawa ako sa paliwanag niya. Pero nagawa ni Lanz na malusutan ang tanong ng mga bata. Tumayo na ako sa upuan at pumunta sa harapan sa tabi ni Lanz. "Okey kids! Naintindihan niyo ba ang tinuro ng kuya Lanz niyo?" tanong ko.

"Oooopooo..." sagot ng mga bata maliban kay Jiboy. Nagtaas siya ng kamay at tumayo. Inayos muna niya ang kanyang salamin bago magsalita. "Madali lang naman po pala gumawa ng baby eh. At parang masaya nga!" Lumingon siya kay Clara at ngumiti. "Clara, hali ka! gawa tayo ng baby!" seryoso niyang sabi.

Dear Chocolate BoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon