Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko kaagad si Barbi. Nag-ring naman ang cellphone niya at kaagad naman niya itong sinagot.
"Barbi, nasan ka ngayon?" tanong ko kaagad.
"Pauwi na ako ngayon sa bahay," sabi niya at halatang matamlay ang boses niya.
"Nakausap ka ba ni Tito Ramon?" tanong ko.
"Oo. Nakausap niya ako," sabi niya.
"Barbi naalala mo ba ang sinabi ko sa 'yo? Na kahit anong mangyari palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Hindi kita bibiguin. Hindi ako gagawa ng ikasasama ng loob mo," sabi ko.
Tapos pinaandar ko na ang kotse ko at lumingon kay attorney. "Sundan natin si Barbi!" sabi ko at tumango naman si Attorney.
"Barbi nasaan kayo ngayon? Pupuntahan kita," sabi ko.
"Sa bahay na lang tayo magkita," sabi niya.
Parang gusto kong mag-teleport papunta sa kinaroroonan niya ngayon. Hindi ako mapakali lalo na nung maramdaman ko ang pananamlay ng boses niya. Parang may nalaman siyang alam kong hindi niya magugustuhan.
Nagmadali akong umuwi. Pinaiwan ko na lamang si Attorney sa Victorias para kausapin din ang lawyer na kinuha ni Mr. Bamford.
Pagdating sa bahay ay wala pa rin doon si Barbi. Hindi na ako mapakali ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Tinawagan ko siya ulit at sinagot naman niya ito. "Barbi, nasa bahay na ako ngayon. Nasaan ka na ba? Umuwi kana bilisan mo," sabi ko.
"Malapit na ako sa bahay," sabi niya.
"Bilisan mo mag-iingat ka huh?" sabi ko.
Binabaan niya ako ng cellphone kaya naman mas lalo akong nag-aalala. Umupo muna ako sa sofa at sinandal ko ang ulo ko. Pumikit ako at nag-isip sandali.
Napakunot noo ako at bumangon mula sa pag kakasandal. "Paano nalaman ni Ramon na nandon si Barbi kila Shaina? Hindi kaya nagmamanman lang siya sa amin ni Barbi?
Naputol ang isipin ko nang marinig ko na bumukas ang pintuan ng bahay. Pumasok si Barbi na matamlay at namumugto ang mga mata. Tila katatapos lang niyang umiyak.
Tumayo ako kaagad sa upuan at saka siya sinalubong nang mahigpit na yakap. "Bakit ka umiiyak? Anong sinabi sa 'yo ni Ramon?" tanong ko.
Hindi siya sumasagot sa tanong ko. Tinulak niya ako palayo habang nakatingin nang masama sa akin. "Lanz, paano mo nagawa yun sa mga bata? Bakit hindi mo sinabi? Bakit mo nilihim sa akin yun Lanz, huh?" tanong niya.
Ngayon ay nakarating na nga sa kanya ang maling balita. Hindi ko na alam kung anong isasagot ko ngayon. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya. Tanging pag-iyak na lang din ang nagawa ko sa harapan niya. Bigla kasi akong natakot. Natatakot ako na baka hindi ko maipaliwanag nang maayos. Hindi ko alam kung paano ako magsisimulang sabihin ang totoo.
Sinampal niya ako nang malakas. "Kaya ba binayaran mo ang buong hospital bills ng mga bata? Kasi bakit? Dahil ba nagi-guilty ka sa ginawa mo? Kaya ba sinagot mo ang pagpapa-opera ni Jiboy? Kasi kasalanan mo? Kaya ba ayaw mo ako na dumalaw noon sa mga bata, huh? Kasi may kasalanan ka?" Humikbi hikbi siya habang nakatingin nang masama sa akin. "Sa ginawa mo, hindi ko alam kung paano kita mapapatawad, Lanz!" sigaw niya sabay padabog na umakyat sa hagdan.
"Barbi! Sandali lang!" tawag ko sa kanya.
Hindi niya ako nilingon kaya kaagad ko rin siyang sinundan papunta sa kwarto.
Kinuha niya ang kanyang maleta at nag-impake ng kanyang mga damit.
Bigl ana lang akong naiyak at saka lumapit sa kanya. Pinigilan ko siya sa braso. "Barbi naman eh! Huwag mo namang gawin sa 'kin 'to!" sabi ko.
BINABASA MO ANG
Dear Chocolate Box
RomanceAng buhay ay parang kahon ng tsokolate. kapag natanggap mo, wala kang ideya kung ano ang nilalaman nito. Ngunit para sa isang taong tunay na nagmamahal, handang lasapin ni Barbi Dixon ang pait ng mga pagsubok ng buhay makita at makasama lang niya u...