Nakarating na kami ngayon sa Campuestuhan. Nauna na akong pumasok sa loob dahil nag-aaway pa si Shaina at si Timmy sa loob ng kotse ni King. Nagagalit kasi si Timmy dahil nag-short kami ng maikli ni Shaina at kita ang cleavage namin sa suot namin na sleeveless.
Ayoko rin sana kaso si Shaina ang may pakana nito eh. Sabi kasi niya pang-akit ko raw 'to kay Lanz.
Buti na lang at palagi akong may baon na kumot kaya binalot ko yun sa katawan ko at pinayagan na ako ni Timmy na bumaba sa kotse ni King.
Naiwan si King at Shaina dahil inuuto pa nilang dalawa ang metikolosong si Timmy.
Pagbaba ko ng kotse ay tinawagan ko kaagad si Dan kung saan sila banda nakapuwesto. Sinundo niya ako sa may statue ng malaking gorilya. Habang naglalakad na kami patungo sa Cottage na nirentahan nila ay bigla siyang nagtanong. "Nasa'n si King? Akala ko ba kasama mo siya?"
"Ah nandun kasama yung friend ko. Naghanap sila ng mabibilhan ng balabal eh," sagot ko.
Kumunot ang noo niya. "Ha? Sinong friend mo?" tanong niya.
Ngumisi ako sa kanya. "Mamaya pakikilala ko siya sa 'yo," sabi ko.
Tumawa lang siya. "Maganda ba yung friend mo?" tanong niya habang nakangisi.
Ngumiti ulit ako sa kanya. "Naku! Hindi mo aakalain na may anak na siya! Ang ganda niya kasi," sagot ko.
Lalo siyang natawa. "Baw! (Ilonggo expression) sayang naman may anak na pala!" sabi niya.
Tumawa lang din ako. "Maganda yun kapag nakita mo yun baka matulala ka!" sabi ko sabay hagikhik.
Tumawa na lang din siya. Pagdating namin sa cottage ay nakatingin na sa akin ang iba pang mga friend ni Dan na kapwa daw niya mga seaman. Mga kasamahan daw niya sa barko ang mga ito. Ngumiti lang ako sa kanila tapos unang hinanap ng mga mata ko ay si Lanz. Hindi ko siya nakita dun pati si Savannah.
Aminado akong nakaramdam ako ng lungkot. Pero 'di ko magawang itanong kay Dan kung nasaan si Lanz. Kung pumunta ba siya o hindi.
"Kumain kana muna!" Inalok ako ng isang friend ni Dan. Si Jamir daw ang name niya. Siya daw ay black american pero dito raw siya lumaki sa Bacolod City. Wala lang share lang niya.
Ngumiti na lang ako sa kanya para hindi ako magmukhang snob. Tapos tinuloy ko ang paghahanap kay Lanz
"Mauna ka na kumain Barbi. Papunta na rin naman si Lanz at Savannah. Malapit na daw sila eh," sabi ni Dan. Tapos nilabas niya mula sa cooler box ang mga beer.
Tumango lang ako tapos tipid na ngumiti. Tapos siyempre medyo pakipot muna ako. "Mamaya na lang ng kaunti. Medyo busog pa kasi ako eh. At saka... diet ako now," sabi ko.
"Kung ganun mag-beer ka na lang muna meg!" alok sa'kin ni Jamir. Kung hindi ako nagkakamali ang ibig sabihin ng meg ay friend.
Tumango naman ako since umiinom naman talaga ako ng beer. "Sige mamaya pagtapos kumain," sabi ko.
Nagugutom na ako eh. Hinintay ko muna na malibang si Dan and Friends niya sa inuman 'tsaka ako tumayo sa upuan. Wala nang hiya-hiya kong dinampot ang plato at sumandok ng kanin.
Tumingin-tingin muna ako kung anong masarap na damputin na ulam. Habang abala si Dan at ang mga kaibigan niya na kapwa niya mga lasing na rin ay pagkakataon ko na para sumandok ng pagkain. Nakita ko yung kare-kare. Shet! paborito ko 'to! Sinandok ko na kaagad.
After ko magsandok ng pagkain ay nag-food screening muna ako kung present na ba lahat sa plato ko.
Kare-kare? Check! Prawn? Check! Beef steak? Check! Tonkatsu? Check! Fish Fillet? Check!
BINABASA MO ANG
Dear Chocolate Box
RomanceAng buhay ay parang kahon ng tsokolate. kapag natanggap mo, wala kang ideya kung ano ang nilalaman nito. Ngunit para sa isang taong tunay na nagmamahal, handang lasapin ni Barbi Dixon ang pait ng mga pagsubok ng buhay makita at makasama lang niya u...