BARBI's POV:
Maliwanag na at hinatid na ako ni King sa Orphanage. Umalis na rin siya kaagad dahil may pasok pa raw siya sa trabaho. Sinalubong naman ako ni sister Cora sa gate ng Orphanage. Mukha naman siyang mabait kasi palagi siyang nakangiti simula nang dumating ako rito kanina.
"Pasensya ka na Sister Cora. Medyo biglaan po ang pag-start ko ngayon. Wala na po talaga akong choice wala po kasi akong matutuluyan rito," paliwanag ko.
Patuloy lang kami sa paglalakad papunta sa isang silid. Mukhang ito na yung classroom na gagamitin para sa pagtuturo sa mga orphan.
Hinawakan ako sa balikat ni Sister Cora habang nakangiti "Walang problema, Teacher Barbi. Nagpapasalamat nga ako sa 'yo dahil pinagbigyan niyo po ang kahilingan ko para sa mga bata dito sa ampunan, "sabi niya.
Tumango ako at ngumiti sa kanya. "P'wede na rin po pala akong mag-start magturo sa mga bata. Wala na rin naman po akong gagawin kaya baka hindi ko na po hintayin ang schedule na binigay niyo."sabi ko.
Ako na ang nagdesisyon kasi medyo bored ako.
At saka, hindi rin ako ngayon okay. Kaya naman bahala na. Kahit walang bayad ang simula ng pagtuturo ko okay lang. Para na rin ito sa mga bata.
Tumango si Sister Cora. "Salamat sa 'yo." sabi niya.
Tumango ako, "wala pong problema. Pasensya na rin po kayo kung nahihirapan po kayong makipag-usap sa akin, huh? First time ko lang po talaga dito sa probinsya niyo eh. At hindi po talaga ako nakakaintindi ng Ilonggo," nahihiya kong sabi.
Ngumiti lang si Sister Cora. "Huwag kang mag-alala at matatalino ang mga bata na nandito. Magagaling silang magtagalog. Kaya hindi ka mahihirapan na kausapin sila. Isa rin kasi iyon sa mga salita na tinituro ko rito sa kanila para masanay sila. Madalas kasi ay galing ng Manila ang mga teacher na napupunta rito sa amin," sabi niya.
Ngumiti lang ulit ako at tumango. "Mabuti naman po pala kung ganun," sabi ko. Parang naginhawaan ako sa sinabi ni Sister Cora.
Mayamaya pa ay biglang dumating ang mga bata. Pinakilala na ako ni Sister Cora sa mga bata na naroon.
"Wow! Teacher ka po namin?" Manghang-mangha na sabi nung isang cute na batang babae na may hawak na manikang gusgusin.
Ngumiti ako at nagtalungko nang upo para pumantay sa height ng mga bata. "Opo. Ako nga pala si Teacher Barbi. Ako ang magtuturo sa inyo simula ngayon," sabi ko.
Bigla naman silang nagsipalakpakan sa tuwa at sabay-sabay na yumakap sa 'kin.
"Ngayon lang po kami nagkaroon ng teacher na maganda, Teacher Barbi!" sabi ng isa sa mga batang lalaki.
Hindi ko na nakita kung sino sa kanila ang nagsalita since lahat sila ay nakayakap sa 'kin.
Tuwang-tuwa naman ako dahil mahilig talaga ako sa mga bata noon pa man.
Ayaw ko rin naman sanang maniwala sa sinabi ng bata kaso lang gumatong pa si Sister Cora.
"Hindi nagsisinungaling ang mga bata, teacher. Maganda ka talaga teacher Barbi," sabi niya habang nakangiti.
Ngumiti lang ako kahit na pakiramdam ko ay pumapalakpak na ang tainga ko sa mga compliment nila sa akin. Kaya lang napawi ang ngiti ko sa labi ng maalala ang reyalidad.
Maganda nga single naman. Wala rin!
"Teacher Barbi! Boyfriend niyo po ba yung lalaki sa labas ng gate?" Si Jiboy ang nagsalita. Nine years old na siya at may makapal na salamin sa mga mata.
BINABASA MO ANG
Dear Chocolate Box
RomanceAng buhay ay parang kahon ng tsokolate. kapag natanggap mo, wala kang ideya kung ano ang nilalaman nito. Ngunit para sa isang taong tunay na nagmamahal, handang lasapin ni Barbi Dixon ang pait ng mga pagsubok ng buhay makita at makasama lang niya u...