As the world begin to exist, the flowers begin bloom, rivers begin to flow, and the first human beings started to breathe, we started to exist.
Oo, kami. Ano nga ba ang tawag sa amin? Kami ang mga taga-bantay, mga taga-bantay ng tao.Nakatira kami sa isang lugar na kung saan di kayang abutin ng tao and as some of those people na binabantayan namin believe that we exist and some of them, do not. Humihiling ang mga tao sa amin ng proteksiyon, at iyon ang binibigay namin sa mga tao habang nabubuhay pa sila. Kung mayroon mang 7 billion na tao ang nakatira sa mundo, ang mga taga-bantay din ay umaabot din sa bilang ng 7 billion, oo dahil sa lahat ng tao sa mundo ay may kaniya-kaniyang taga-bantay.
Saan ba nagsisimula ang paglalakbay ng mga taga-bantay? A guardian angel will open its wings when a child that the guardian angel is destined to protect will be born. At doon nagsisimula ang aming paglalakbay.
"Handa ka na ba" sabi ng tinig na nagmumula sa napakalakas na liwanag. Mahina akong tumango at biglang may bumukas na pintuan sa aking harapan. "Ang iyong paglalakbay ay magsisimula sa paglabas mo ng pintuan" dahan dahan akong lumapit sa pintuan. Bago paman ako makalabas ay huminga ako ng malalim at ipinikit ang aking mga mata sabay sa pagbagsak ng aking katawan sa walang katapusang liwanag.
Mahina kong ibinukas ang aking mga pakpak at sa pagbukas nito ay nagkaroon ako ng momentum. "Tandaan mo ang mga panuntunan ng mga taga-bantay. Tandaan mo ang mga dapat gawin sa hindi dapat gawin at ang paglabag sa mga panuntunan ay may kaparusahan" ani ng tinig na nagmumula sa liwanag na kahit sa gitna ng malakas kong pagbagsak papunta sa lupa ay nangingibabaw parin ito.
Biglang humina ang malakas na hangin at natatanaw ko na ang mga nagtataasang building at busy na mga daan. Naririnig ko ang mga usapan ng tao at ang mga tunog ng sasakyan na nakahilira sa napakatraffic na daanan. Sa aking pagpatuloy sa paglipad, may nakikita akong mga taga-bantay na laging nakasunod sa mga tao. May mga taga-bantay na naglalakad sa daanan, may mga taga-bantay na nasa loob ng sasakyan at may mga taga-bantay na naiipit sa gulo sa gitna ng mga taong nag-aaway.
Huminto ako sa paglipad ng maaninag ko ang maliit na liwanag na binibigay sa akin bilang direksiyon. Ang liwanag na ito ay nagpapahiwatig ng lokasyon ng bagong silang na sanggol na magiging "hiyas" ko, ito yung sanggol na nakatadhanang babantayan ko. Pumasok ako sa loob ng building na kung saan lumalakas ang liwanag, at sa pagpasok ko ng building ay may nakita akong babaeng umiiyak sa tuwa at lalaking yakap-yakap ang babae habang umiiyak sa kagalakan. Ito ang mga magulang ng babantayan ko.
Mahina akong lumapit dito at unti-unting bumungad sa akin ang isang napakalusog at napakagandang sanggol. Nakapikit ang kaniyang mga mata habang karga karga ng kaniyang ina, at namumula pa ang kaniyang mga pisngi at labi. Humakbang pa ako ng humakbang hanggang sa kaya ko ng abutin ang maliliit na daliri ng sanggol. Unti-unti kong iniabot ang aking mga kamay at hinawakan ang mga daliri nito.
Jastine Reinzer Lee
February 26, 2001Umilaw ang maliit na parte ng balikat ko at doon may tumatak na gintong numero na kung saan ito ang magiging pangalan ko, magiging identity ko bilang taga-bantay. Napangiti ako sa sanggol at bumulong,
"Babantayan kita sa abot ng aking makakaya, habang buhay"
YOU ARE READING
The Girl Who Came From Above
RandomGuardian Angels are entities that exist in a space beyond humans' domain. They have the duty to protect humans from imminence until life will be retrieved from them. This story revolves around an angel who sacrifices herself to rescue a suicidal hum...