CHAPTER 35: A Hint of the Past

5 1 0
                                    

Nakarinig ako ng busina ng sasakyan sa labas kaya tumayo ako at tiningnan kung sino ang naghihintay sa akin sa labas. Nakita ko si Paulo na kumaway sa akin kaya agad naman akong kumaway pabalik. Mahina akong naglakad palabas ng bahay at bumaba sa hagdan. Lumabas si Paulo sa kaniyang sasakyan at mabilis na tumakbo papalapit sa akin.


"You should be careful" sabi niya sabay alalay sa akin pababa ng hagdan. "Salamat Paulo" sabi ko sa kaniya at binigyan siya ng matamis na ngiti. Pinasakay niya ako sa sasakyan at pinaandar niya ito pagkatapos niya akong lagyan ng seat belt. "I already informed the doctor na pupunta tayo" sabi niya. Sasamahan kasi ako ni Paulo ngayon na pupunta sa doctor para magpacheck-up ng mga sugat ko at para mapalitan ang mga bendahe.




Madali kaming nakarating sa hospital. Pagpasok namin ay agad akong inaalalayan ng nurse at sinamahan papunta sa doctor. Pagbukas ng pintuan, napangiti ako ng makita ang doctor. Siya yung doctor ni Jastine. "Hello doc" pagbati ni Paulo sa kaniya. "Nabalitaan ko ang nangyari sa iyo" sambit niya sabay bitbit ng kaniyang mga apparatus at first aid kit. "The school was still investigating about what happened that day. I'm glad that everyone was okay, except for those students who got wounded during the incident" pagsasalaysay ni Paulo.





"Mabuti naman at nabigyan kaagad ito ng first aid. Medyo malalim ang ibang sugat sa kaniyang kamay" sambit ng doctor sabay tingin ng mga sugat ko. "Okay ka lang ba Angel na tatanggalin natin ang mga bendahe mo?" mahina akong tumango. "Medyo masakit pero dahan-dahanin ko lang" tumango ulit ako at dahan-dahan niyang tinanggal ito. Napakagat ako sa biglaang pagtusok ng sakit habang tinatanggal niya ang bendahe. Napapikit ako kasi hindi ko inaasahan na ganito pala ang pakiramdam ng nasasaktan.



Hinawakan ni Paulo ang aking kamay. Ngumiti siya sa akin nang tumingin ako sa kaniya. Binigyan ko din siya ng ngiti kahit nagpupumilit ako sa sakit. Natapos na si doc sa paglagay ng bagong bendahe sa aking mga sugat. "Stay here Angel, I need to buy your prescriptions" tumango ako sa kaniya at agad naman siyang lumabas ng silid.

"You may wait and sit down at the sofa" sabi ni Doc sa akin kaya tumayo ako at lumipat sa sofa. Biglang bumukas ang pintuan at may babae at lalaking pumasok dito. Matamlay ang babae and ang lalaki naman ay maawtoridad. "I need you to check my wife" sabi ng lalaki sabay hawak sa balikat ng babae. "What happened?" tanong ng doctor sa kaniya.

Pagtingin ko sa babae, bigla kong naalala ang araw na naaksidente ang mga magulang ni Jastine. Parang...parang nakita ko na sila. Dahil sa naging tao na ako, madali ko nang makalimutan ang mga nangyari. Saang banda ko kaya sila nakita?


Tumawag ng nurse si Doc at lumabas sila ng silid. Bumukas ulit ang pintuan at bumungad si Paulo na may dalang plastic sa kaniyang kamay. "Let's go?" Tumango ako at naglakad na kami ni Paulo palabas ng hospital. Bago paman kami makapasok sa kaniyang sasakyan ay lumingon ako ulit sa hospital. Siguro marami lang talaga akong iniisip.



"Are you okay?" tumango ako bilang sagot sa tanong ni Paulo. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan at sumakay naman ako kaagad. Tahimik lang kaming nakasakay sa sasakyan. Alam ko hindi lang ako at si Paulo ang nandito ngayon. Alam ko na naririnig kami ni Augustine at maging si Angel 12.12 ay kasama din namin sa sasakyan.




"Is something bothering you?" mahina akong umiling. "Are you unwell? Kanina pa kita napapansin na parang may iniisip ka" ngumiti ako sa kaniya. "Maraming salamat pala sa lahat ng tulong mo sa akin Paulo" ani ko.




"It's my pleasure" nakangiti niyang sabi. Natahimik ulit kaming dalawa. Ibinaling ko nalang ang mga tingin ko sa labas ng muli siyang nagsalita. "Angel.. what will happen if you cannot go back to your world?" tumingin ako ulit sa kaniya. Seryoso siyang nakatingin sa daanan. "Magiging mas chaotic ang mundo ng mga taga-bantay at mundo ng mga tao" sagot ko sa kaniya.




The Girl Who Came From AboveWhere stories live. Discover now