Takbo lang ako ng takbo. Hindi ko pinapansin kahit hindi ko na alam ang daan pabalik sa campsite. After all, I'm lost on my own thoughts. Nadapa ako sa lupa dahil sa napatid ko ang isang lumang punongkahoy na nakahiga sa daan. Patuloy lamang na tumutulo ang mga luha sa aking mga mata. Anong nangyayari sa akin? Parte ba ito ng aking kaparusahan? Mahina kong iniupo ang aking katawan. For the very first time, nakaramdam ako ng pagkapagod at matinding sakit. May humawak sa aking balikat unti-unti ko itong inaaninag kung sino man ang humawak sa akin at nakita ko si Angel 1212 na nakatingin sa akin na puno ng pag-alala. "Okay ka lang ba Angel?" mahinang tanong nito sa akin. I shook my head and continue to sob, "Hindi ko na maiintindihan ang sarili ko ngayon Angel 1212. Natatakot ako, hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin" sabi ko sa kaniya na patuloy parin na umiiyak. Umupo si Angel 1212 sa tabi ko at nagbuntong hininga. "Siguro naguguluhan ka ngayon sa nararamdaman mo Angel at naiintindihan kita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa iyo at hindi ko alam kung ano ang kaya kong ibigay na tulong sa iyo" hindi na ako umimik pa, pinatahan ko ang aking sarili. Hindi ako makaisip ng paraan kung pinapairal ko ang aking naramramdaman ngayon.
"Bakit nakakaramdam ako ng mga ganitong bagay Angel 1212? Isa akong taga-bantay at hindi maaaring umiiyak ako at nasasaktan" sabi ko kay Angel 1212 habang nakatingin sa madilim na gubat. "Siguro dahil parte ka na ng mundo ng mga tao ngayon Angel" sagot ni Angel 1212 na tila nagpagising sa diwa ko. Hindi maaari. Mas lalong mahihirapan akong bumalik sa mundo ng mga taga-bantay sa ganitong sitwasyon. "Anong gagawin ko ngayon Angel 1212?" hindi sumagot si Angel 1212 sa tanong ko. Kahit siya ay walang kaide-ideya kung ano ang nagyayari sa akin. Wala akong ibang pwedeng makausap tungkol sa bagay na ito, kundi si Angel 1212 at kung nandito man si Augustine siguradong may sagot siya sa lahat ng mga katanungan ko. May kaluskos kaming naririnig ni Angel 1212 sa malapit kaya agad kaming napatayo. "Angel, masama ang kutob ko dito" ani ni Angel 1212 habang iniimbestigahan ang paligid kung saan nanggaling ang tunog. "Mas mabuti sigurong bumalik ka na sa campsite dahil delikado dito kapag gabi--.." hindi naituloy ni Angel 1212 ang pagsasalita ng may biglang lumabas na malaking hayop mula sa mayabong na halaman.
Maitim ang kulay ng balat nito at napakapula ng mga mata na tila gutom na gutom at gustong kumain ng tao. Mahina akong humakbang palayo pero mas lalong nagiging agresibo ito sa bawat galaw ko. "Angel, huwag kang gumalaw. Nararamdaman nito ang bawat paghakbang mo" ani ni Angel 1212 na kinakabahan din dahil napakadelikado ng hayop na ito. Huminto ako sa paghakbang pero hindi nagpatinag ang hayop at mabilis itong lumusong sa aking direksiyon. Tumakbo ako ng mabilis at naaninag ko na patuloy parin itong humahabol sa akin. Pabilis na pabilis ang takbo nito kaya hindi ko ulit napansin na dead end na pala sa tinatakbuhan ko kaya napahinto ako ng makita na bangin na pala ang nasa harapan ko. Naramdaman ko ang pagtibok ng puso ko ng makita na paparating na ang hayop sa aking direksiyon. Angel, mag-isip ka ng paraan!
Palinga-linga ako kung saan pwede akong tumakbo o di kaya anong armas ang pwede kong gamitin panlaban sa hayop pero wala ni kahit isa akong makita. Okay, Angel mag-isip ka. Mag-isip ka! Tinanaw ko ang bangin at sa dulo nito ay isang napakalalim na tubig. "Okay, tatalon ako. Wala na akong ibang options" sabi ko sa sarili ko habang hinahanda ang pagtalon. Nang malapit na ang hayop ay agad kong ipinikit ang aking mga mata at akma na sanang tatalong ng makarinig ako ng malakas na paghampas at may kamay na nakahawak sa aking jacket at pinigilan ako sa pagtalon. Dahan-dahan kong inimulat ang aking mga mata at nakita ko si Jastine na kasalukuyang nakahawak sa akin. Mahina niya akong hinila papalapit sa kaniya at agad na tiningnan ako sa iba't ibang parte ng katawan ko. "Okay ka lang ba? Did you get hurt?" tanong niya habang patuloy parin na tiningnan ang aking mga binti at kamay. "Okay lang ako Jas-.." hindi ako nakapagpatuloy sa pagsasalita ng biglang umataki ang hayop at kinagat si Jastine sa binti. Napatumba si Jastine sa lupa kaya agad kong kumuha ng malaking bato at hinagis ito sa hayop pero hindi parin ito tumigil sa pagkagat sa binti ni Jastine.
Umiiyak na si Jastine sa sobrang sakit ng kagat ng hayop. Bigla kong itinapat sa hayop ang aking mga kamay at napahinto ito sa pagkagat kay Jastine. Pinalipad ko ito sa ere at inihagis ng malakas sa bangin. Nang makarinig ako ng tunog dahil sa pagkabagsak ng hayop sa tubig, nagising ang diwa ko. Napatingin kaagad ako sa aking mga kamay. Anong ginawa ko? Dumaing si Jastine sa sobrang sakit ng kaniyang sugat kaya tumakbo ako palapit sa kaniya. "Jastine, hihingi ako ng tulong okay?" sabi ko sa kaniya habang hinahawakan ang sugat niya sa binti. "TULONG! TULONGAN NIYO KAMI!" sigaw ko sa gitna ng gubat kahit alam ko na walang makakarinig sa akin. "TULONG, TULUNGAN NIYO KAMI" paulit-ulit kong sigaw pero walang sinuman ang dumating.
Ilang minuto na ang lumipas at patuloy parin ako sa pagsigaw nagbabakasakaling may makarinig sa amin. Punong-puno ng galos ang mukha ni Jastine habang patuloy na umaagos pa rin sa kaniyang binti ang dugo dulot ng pagkagat ng hayop. Namumutla na si Jastine at naramdaman ko ang pagkaginaw ng kaniyang mga kamay dahil sa maraming dugo na ang nawawala sa kaniya. "Jastine, dito ka lang. Hahanap lang ako ng tulong" sabi ko sa kaniya habang hinawakan siya sa pisngi. Nahihirapan na siya Jastine at kapag matatagalan pa ay siguradong mauubusan na ito ng dugo sa katawan. Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila palapit sa kaniya. "An-angel.." mahinang sabi nito. "Huwag ka nang magsalita Jastine" mas humigpit ang paghawak niya sa aking kamay kaya mas lalo akong natakot at nag-alala. "Ang-angel, salam-salamat at nakita kita, a-akala ko, akala-akala ko mawawala ka na sa b-buhay ko" nahihirapan nitong sabi. Pilit itong ngumiti kahit alam kong nasasaktan ito ng sobra sobra. "Hindi. Hindi kita iiwan Jastine. Hindi ako mawawala sa tabi mo. Hahanap lang ako ng tulong-.." again, he cut me off.
Hinawakan niya ako sa pisngi at ngumiti ito. "Angel, maraming salamat--" hindi nito naituloy ang pagsasalita nang bigla itong nawalan ng malay. "Jastine..." sabi ko sabay yugyog ng kaniyang katawan. "JASTINEEEE!" ulit kong tawag sa kaniyang pangalan but he didn't respond. Nagsimula ng tumibok ng mabilis ang aking puso dahil hindi manlang gumalaw si Jastine kahit na niyugyog ko ito ng malakas at paulit-ulit. "JASTINEEEE, GUMISING KA! TULONG! TULUNGAN NIYO KAMI" sigaw ko at ngayon, nagsimula na din akong umiyak. "JASTINE, GUMISING KA!" umiiyak na ako ng malakas. Yugyog parin ako ng yugyog sa kaniya pero hindi parin ito gumagalaw. Agad akong lumapit sa sugat niya at mabilis na itinaas ang jeans niya. Bumungad sa akin ang napakalaking sugat ni Jastine sa binti at dugo na patuloy na umaagos.
Umiiyak parin ako habang hinahawakan ko ang kaniyang sugat. Ipinikit ko ang aking mga mata. Nagbuntong-hininga ako sabay pahid ng mga luha sa aking mga mata. Anuman ang mangyayari sa akin, tatanggapin ko gumaling ka lang Jastine. Biglang umilaw ang aking mga palad at unti-unting ginagamot ang sugat sa binti ni Jastine. Alam ko na bilang isang taga-bantay, isa sa mga hindi namin pwedeng gawin ay ang paggamit namin ng mahika sa mga tao. But again, I am disobeying the rules of the guardian para maisalba ang buhay ni Jastine at hindi lang ito ang unang pagkakataon na hindi ako sumunod sa aming batas, ito ay aking ikalawang pagkakataon. Nakaramdam ako ng paghina ng aking katawan at maya't-maya ay napahiga ako sa lupa at unti-unting nawalan ng malay.
YOU ARE READING
The Girl Who Came From Above
RandomGuardian Angels are entities that exist in a space beyond humans' domain. They have the duty to protect humans from imminence until life will be retrieved from them. This story revolves around an angel who sacrifices herself to rescue a suicidal hum...