Nakaupo lang ako sa bench ng parke at patuloy na nag-iisip. Nakaramdam ako ng ginaw dahil sa pagkabasa ko sa ulan. Huminto na ang ulan Kaya nagsimula na din na magsilabasan ang mga tao. Maya't maya, biglang may nararamdaman akong kakaibang pakiramdam sa aking sikmura kaya agad akong napatayo at napahawak sa aking tiyan. "Anong nangyayari sa akin? Ano itong nararamdaman ko?" ani ko sa aking sarili. May malakas na tunog na nanggaling mula sa akin tiyan kaya napayakap ako sa aking sarili. "Anong nangyayari sa akin?" sabi ko sabay napatingin sa isang bata na kasalukuyang kumakain ng candy.
Biglang may kung anong pakiramdam akong nararamdaman na tila gusto kong tumikim sa kinakain ng bata. Unti-unti akong lumapit dito at nakapukos parin ang aking mga titig sa mukhang masarap na candy na kinakain ng bata. Napansin ako ng bata kaya agad itong napahinto sa pagkain at tumitig sa akin ng masama. Ngumiti ako sa kaniya ngunit bigla itong sumigaw at umiyak ng malakas. Nanlaki ang mga mata ko kaya agad kong hinawakan ang bata at pilit itong pinapatahan. "Naku, pasensiya kana hindi ko sinasadyang takutin ka" sambit ko sa bata subalit patuloy parin itong umiiyak. May lumapit kaagad sa amin na babae at agad akong itinulak palayo sa bata. Napaupo ako sa sahig dahil sa sobrang lakas ng tulak niya at agad na niyakap ang bata. "Umalis ka nga dito" sambit nito na tila natatakot at nandidiri sa ginawa ko.
Dahan-dahan akong tumayo at lumakad palayo sa mag-ina. Gusto ko lang naman sana manghingi ng candy. "Ganito pala ang pakiramdam ng nagugutom" sabi ko sabay hawak ng aking tiyan. Babalik na sana ako sa bench ng maalala ko na malapit lang pala ang lugar na ito sa bahay ni Jastine. Agad akong napangiti at masayang naglakad papunta sa bahay ni Jastine. "Hihingi ako ng pagkain kay Jastine. Sigurado akong bibigyan niya ako" ani ko sa aking sarili at masayang naglalakad papunta sa bahay niya.
Pagkadating ko sa bahay niya, agad na sumalubong sa akin ang malaki nilang gate. "Akala ko hindi ko na makikita ang bahay na ito" sabi ko sa sarili ko at hinawakan ang gate ng alaga ko. Lalakad na sana ako papasok ngunit nabangga ang aking ulo sa pader. "Aray ko" sambit ko sabay hawak sa aking ulo dahil sa sobrang lakas ng aking pagkabangga sa pader. Oo nga pala, hindi na ako basta basta nakakalampas ng pader. Lumapit ako sa may kahon na kung saan lagi kong nakikita si Jastine na pumipindot. Naaalala ko sa tuwing pumipindot siya dito ay agad na bumubukas ang gate.
Binuksan ko ang kahon at bumungad sa aking ang mga lumiliwanag na mga numero. "Hmmm, ano nga yung mga numero na pinipindot ni Jastine dito" nang maalala ko ang mga numerong lagi niyang pinipindot, agad kong hinawakan ang kahon at dahan-dahan na pinindot ang mga numero. Pagkatapos nito ay agad na bumukas ang gate at napatalon ako sa tuwa. Pumasok ako sa loob at dumiretso sa kanilang pintuan. Pinihit ko ang pinto ngunit ito ay nakasarado. Naaalala ko na laging may susi na nakatago sa ilalim ng mga tanim si Jastine for emergency. Agad kong tinungo ang lalagyan ng susi at binuksan ang pintuan. Nang mabuksan ko ang pintuan ay agad ko namang ibinalik ang susi sa lalagyan nito.
Pumasok ako sa loob at agad na tumungo sa kanilang kusina. Hinding-hindi na ako maliligaw dito sa bahay ni Jastine sapagkat simula pa noong bata pa lamang ito ay dito na ako tumatambay. Binuksan ko kaagad ang refrigerator nila at nanlaki ang aking mga mata ng makita ang tambak na pagkain sa loob nito. Agad akong kumuha ng tinapay at buo itong isinubo sa aking bibig. "Hmmmm sa wakas at nakakain na ako" sambit ko sa aking sarili habang patuloy na sumusubo ng tinapay.
Biglang bumukas ang ilaw sa kusina at nabitawan ko ang hawak kong tinapay ng makita si Jastine na nakatayo sa likuran ko. Napaupo ako sa sahig at napahawak sa aking bibig. Naku! Lagot tayo nito. Nanlaki ang mga mata ni Jastine ng makita niyang bukas ang kaniyang refrigerator at may sinuman na kumakain sa kaniyang mga pagkain. Mas lalo siyang nagulat ng magtama ang aming mga paningin. Agad siyang kumuha ng sandok at itinuro ito sa akin. "Who are you? What are you doing here in my house?" sambit nito habang patuloy parin na nakaturo sa akin ang sandok. Dahan-dahan kong itinaas ang aking mga kamay at tumayo. "Jastine...." mahina kong sambit sa kaniya. Mas lalo siyang nagulat ng binigkas ko ang kaniyang pangalan.
YOU ARE READING
The Girl Who Came From Above
RandomGuardian Angels are entities that exist in a space beyond humans' domain. They have the duty to protect humans from imminence until life will be retrieved from them. This story revolves around an angel who sacrifices herself to rescue a suicidal hum...