Nakatayo lang ako sa likuran ng school habang hinihintay ang pagdating ni Lloren. Nag-usap kami sa bahay ni Jastine kahapon at gusto niyang ipagpatuloy ang pinag-usapan namin dito sa school. Nakarinig ako ng mga yapak papunta sa direksiyon ko kaya agad akong Lumingon dito. "Hey, nandito ka na pala" sambit ni Lloren sabay upo sa bench malapit sa kinatatayuan ko. Umupo ako sa tabi niya at agad naman siyang nagsalita agad. "I'm sorry if natagalan ako, I need to arrange some things. By the way, sinabi ko na sa iyo that I wanted to do a surprise for Jastine during our camping right?" mahina akong tumango. "Okay, so my plan is to have a confession. Will you help me out?" napahinto ako sa narinig mula kay Lloren. Confession? Ibig sabihin ang surprise na tinutukoy niya ay ang pagsabi kay Jastine tungkol sa nararamdaman niya. "I know I've been so fast. We only just met a couple of days ago and her I am already planning for my confession but I can't wait to be Jastine's girlfriend again. We have a lot to catch up but we've known each other for years already so I guess... tatanggapin ni Jastine ang confession ko" patuloy niyang pagsasalita. "Ah... oo, sigurado" matamlay kong sagot.
"Okay, so here's the thing. I already told Paulo and the boys about this one and I have assigned tasks for them and I want you to lead Jastine on the spot kung saan ako magcoconfess" sabi ni Lloren na halatang tuwang-tuwa sa plano niya. "I already searched the place, and there's a bridge there na mayroong couple of cherry blossom trees. I want you to lead Jastine there and after that, the moment he will said yes, I want you to help Paulo and the boys spread some cherry bloosom petals on us. Do you follow?" agad akong napatango kahit sa totoo wala ni kahit isa sa kaniyang mga sinasabi ang sumasagi sa aking isipan. "I know you are a supportive cousin to Jastine" biro pa ni Lloren sa akin upang makumbinsi ako sa pagsali sa kanilang plano.
"Alright, so silence means yes. Magkikita tayo sa campsite mamaya" sabi niya sabay tayo at umalis sa kinauupuan ko. Mahina akong tumayo mula sa pagkakaupo. Hindi ko naiintindihan kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Mas mabigat pa ang nararamdaman ko kumpara sa mga panahon na nagiging pasaway si Jastine at pinapahina ang mga lakas naming tagabantay. "Bakit ang lungkot lungkot ng mukha mo Angel?" nagulat ako ng biglang sumulpot si Angel 1212 sa aking harapan. "Ako? Malungkot? Hindi maaari. Hindi kailanman magiging malungkot ang isang taga-bantay" sagot ko kay Angel 1212. "Narinig ko ang usapan niyo ni Lloren. Anong plano mo?" tanong sa akin ni Angel 1212. "Tutulungan ko si Lloren sa plano niya" umupo si Angel 1212 sa bench at tumingin sa akin ng masama. "Sigurado ka bang hindi ka nagseselos kay Lloren?" nanlaki ang mga mata ko ng sinabi iyon ni Angel 1212. Selos? Hindi maaari. Hindi kailanman nakakaramdam ng ganoong mga bagay ang mga taga-bantay.
"Anong pinagsasabi mo Angel 1212? Nag-aalala lang ako kay Jastine dahil sa sinabi mo sa akin tungkol kay Lloren" sabi ko kay Angel 1212 dahil napakaimpossible ng mga pinagsasabi niya. "Sa bagay. Ano ang gagawin mo ngayon? Hahayaan mo bang magkabalikan sila kahit alam mo na nagsisinungaling si Lloren sa kaniya?" sambit ni Angel 1212. "Hindi ko alam. Hindi ko pa alam kung saang parte nagsisinungaling si Lloren sa kaniya" sagot ko kay Angel 1212. Hindi ko pwedeng maitanong kay Angel 1212 kung ano ang ibig sabihin nito sapagkat labag ito sa aming mga katungkulan. Ayokong mapahamak si Angel 1212 dahil sa akin. Alam kong walang sekreto ang hindi mabubunyag at darating ang panahon malalaman din ni Jastine ang totoong nangyari kay Lloren.
"Nandito ka lang pala" napalingon ako kay Paulo ng bigla itong lumapit sa akin sa may likuran. Ngumiti ako kaagad ng makita ito at agad na nawala sa aking paningin si Angel 1212. "We are waiting for you at the school gate. Nandito na ang school bus na maghahatid sa atin sa campsite" ngumiti lang ako at tumango sa sinabi ni Paulo. Hinawakan ko ang maleta na dala ko para sa campsite pero kinuha ito ni Paulo sa akin. "Let me carry this" sabi niya sabay hawak sa maleta ko. "Maraming salamat Paulo" tipid kong sambit sabay ngiti pa din sa kaniya. "Is it your first time doing a camping?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami papunta ng school bus. Tumango ako, "Sa totoo lang, naranasan ko magcamping noong nagfamily camping sina Jastine, pero ito ang unang beses na kasali talaga ako sa camping" sagot ko sa tanong ni Paulo. Ngumiti naman kaagad si Paulo. "Masaya din ako para sa iyo" ani nito.
"There they are" sigaw ni Lloren habang masiglang kumakaway sa aming direksiyon. Napatingin sa akin sa Jastine ng masama dahil hindi manlang ako nagpaalam sa kaniya kanina bago umalis ng bahay. Pumasok na sina Ken sa bus pati sina Lloren at naiwan kami ni Jastine sa labas ng bus. "Bakit hindi ka nagpaalam?" medyo galit na tanong nito sa akin. "Pasensiya kana Jastine, may importanteng pinag-uusapan lang kami ni Lloren sa school kaya umalis ako ng maaga" sambit ko. Gusto ko sana umisip ng magandang palusot pero hindi kaya ng konsensiya ko na magsinungaling sa kaniya. "What's that fuss about na sobrang aga mong nawala sa bahay--.." hindi naituloy ni Jastine ang pagsesermon niya dahil tinawag siya kaagad ni Lloren. "Hey, come on. We're gonna be late" ani nito habang nakadungaw sa bintana. "Malalaman mo mamaya" sabi ko kay Jastine sabay akyat sa bus.
Pagpasok ko sa bus, may mga pangalan na kaagad ang mga upuan at as expected, magkatabi sina Lloren at Jastine sa bus. Hinanap ko nalang ang pangalan ko sa mga upuan at agad naman akong tinawag ni Paulo dahil magkatabi ang pangalan namin sa bus. "Which do you prefer, near the window or away from the window?" mahinang tanong sa akin ni Paulo. "Kung maaari pwede bang malapit sa bintana ako uupo?" tumango naman kaagad si Paulo at inusog ang kaniyang mga gamit upang makaupo ako malapit sa bintana. Nang okay na ang lahat, umandar na ang bus at nagsimula na ang isang oras naming byahi papuntang campsite. Nakatitig lang ako sa may bintana ng nagsalita si Paulo, "Care to hear my playlist?" sambit niya sabay abot ng isang piraso ng earpods sa akin. Tinanggap ko ito at isinuot. Isang kalmadong musika ang narinig ko sa pagsuot ko ng earpods. Bagay na bagay ang musika sa ganda ng tanawin sa labas. "Do you like it?" tanong ni Paulo sa akin. Tumango ako at ngumiti sa kaniya. Ngumiti din si Paulo sa akin pabalik pero ang tingin ko ay dumiretso sa kabilang upuan na kung saan doon nakaupo sina Lloren at Jastine. Nakayakap si Lloren kay Jastine habang si Jastine naman ay nakatitig lang sa akin.
Nang magtama ang paningin naming dalawa ay agad kong ibinalik ang aking atensiyon sa tanawin sa labas ng bintana. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at naramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Paulo sa aking balikat dahil narrating na namin ang campsite. Nagsilabasan na sa bus ang iba naming mga kaklasi. Tumayo ako at lumabas na din ng bus. Napakaganda ng campsite. Madaming punongkahoy at mga forest cottage na nagkalat, siguro akmang dinesinyo para sa mga camping events. Ibinababa nina Paulo at ng ibang mga lalaki ang mga dalang gamit ng mga babae at inihatid sa kanya-kanyang cottages. Pinatawag kaming lahat ng principal sa campfire circle at nagkaroon ng orientation tungkol sa mga gagawin namin at ang mga rules na dapat naming sundin habang nandito kami sa campsite. Pagkatapos ng orientation ay agad naman kaming inihatid ng mga camp leaders sa mga respective cottages namin at si Paulo ang nagiging camp leaders namin.
Magkasama kami ni Lloren sa isang cottage, kasama ng dalawa pa naming kaklasi. Sina Paulo, Jastine, Ken, at Harold naman ay magkasama sa kabilang cottage katabi lamang ng cottage namin ni Lloren. Habang nag-aayos ako ng mga gamit, lumapit sa akin si Lloren at mahina akong tinapik sa balikat. "See you soon after campfire" sabi niya sabay ngiti sa akin ng matamis. Ngumiti lang ako sa kaniya pabalik pero napahinto ako ng biglang may nararamdaman ako sa aking dibdib na hindi ko maipaliwanag. Agad kong hinawakan ang aking dibdib.
Anong nangyayari sa akin?
YOU ARE READING
The Girl Who Came From Above
RandomGuardian Angels are entities that exist in a space beyond humans' domain. They have the duty to protect humans from imminence until life will be retrieved from them. This story revolves around an angel who sacrifices herself to rescue a suicidal hum...