Maaga akong nagising at agad naman akong naghanda ng breakfast ni Jastine. Dumaan ako sa couch at doon natutulog si Jastine. Masaya ako dahil maayos na ang kaniyang tulog sa mga nakaraang araw at kumakain na din siya ng maayos. Pagkatapos kong maghanda ng pagkain, kumuha ako ng sticky notes at nagsulat dito.
Kumain ka ng marami. Aalis ako at hahanap ako ng trabaho.
--Angel
Idinikit ko ang sticky note sa mesa at agad na pumunta ng cr at naligo. Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis at umalis na ng bahay. Sakto namang tumitirik na ang araw pagkalabas ko ng bahay. Lumakad ako papunta ng parke dahil naalala ko doon na may mga Cafe at restaurant na pwede kong trabahuan. Sa gitna ng parke, may nakita akong cafe na may nakapaskil na papel at dito nakalagay na naghahanap sila ng waiter. Hinila ko ang pintuan at pumasok dito. Sakto namang wala pang costumer sa loob kaya agad akong tumungo sa counter.
"Goodmorning ma'am, what can I do for you?" nakangiting bati ng babae sa akin. Ngumiti ako pabalik sa kaniya at itinuro ang papel na nakapaskil sa labas ng Cafe. "Naghahanap pa kayo ng waiter?" tanong ko sa kaniya. Mahinang tumango ang babae at ngumiti sa akin ng malapad. "Yes, kailangan lang namin ang resume mo, valid ID, at birth certificate upang mavalidate namin kung ikaw ay nasa legal age na" sambit nito sa akin. Resume? Valid ID? Birth certificate? Napaisip ako dahil sa hindi ko alam kung anong mga bagay ang hinihingi sa akin ng babae. Ngumiti lang ako sa kaniya at nagsalita, "Babalik po ako" sabi ko sa kaniya at nagpaalam. Tumalikod ako sa babae at naglakad palabas ng Cafe.
Paglabas ko ng Cafe, nagulat ako ng may kamay na biglang humila sa akin at agad naman may mabilis na motorcycle ang dumaan sa tabi ko. Kung hindi ako nahila, siguradong masasagasaan ako. Napatingin ako sa taong humila sa akin at agad akong napangiti ng makilala ito. "Paulo" sambit ko. Binitawan ni Paulo ang aking kamay at nagsalita, "What are you doing here?" tanong niya sa akin. "Ahh, naghahanap ako ng trabaho" sagot ko sa kaniya. Napakunot siya ng noo. "Trabaho? Are you going to stay here? Are you not a student?" tanong niya sa akin. Mahina akong umiling. "Hindi ako nag-aaral at gusto kong bumili ng sarili kong bahay kaya kailangan kong maghanap ng trabaho" iniligay niya ang kaniyang kanang kamay sa bulsa at napatitig sa akin.
"I thought you are staying at Jastine's place?" ngumiti lang ako at ibinaling sa mga batang naglalaro ang aking atensiyon. "Kailangan ko ng sarili kong bahay. By the way, may alam ka bang trabaho na hindi kailangan ng resume, valid ID, at birth certificate?" tanong ko sa kaniya. Nagbuntong hininga siya at inilibot ang kaniyang paningin sa paligid. "I'm not sure, I think every work need that things nowadays. Ano ba ang kaya mong gawin?" he asked me. Napatingin ako sa kaniya at nagsalita, "Hindi ako magaling sa mga bagay-bagay pero handa akong matuto" sagot ko sa kaniya. Hinawakan niya ang kaniyang ulo at ginulo ang kaniyang buhok.
Si Paulo ang tinaguriang "older brother" sa kanilang magkakaibigan, sapagkat siya ang pinakamatanda sa kanila, kahanga-hanga din ang kaniyang mature thinking at pagbibigay-tuon sa kaniyang mga responsibility sa buhay. "Do you know how to plant flowers?" tanong niya sa akin kaya ngumiti ako sa kaniya at tumango. "Magaling ako diyan" sabi ko habang nakangiti. "Okay, come with me" sabi niya sa akin kaya sumunod kaagad ako kay Paulo. Lumakad kami palabas ng parke at pumunta kung saan nakapark ang kaniyang kotse. Pagkarating namin sa kaniyang sasakyan, pinagbuksan niya ako at nagbigay ng senyales na sumakay ako sa sasakyan.
Umupo naman kaagad ako at tinulungan niya akong lagyan ng seat belt. Pinaandar niya ang kaniyang sasakyan at dinala kami sa isang napakalaking mansion. Ang mansion ay pinalilibutan ng malaking gate at pagbukas ng gate ay agad na bumungad sa amin ang isang malapad na taniman ng mga bulaklak. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ito at halos lumuwa ang mga mata ko sa pagkamangha. Parang dinala ulit ako sa mundo ng mga taga-bantay. "My grandfather likes to plant flowers at naghahanap siya ng tao na tutulong sa kaniya sa pagtatanim" sabi ni Paulo habang pinapark ang kaniyang sasakyan sa garage ng bahay nila. Nang maiayos niya ang sasakyan, lumabas siya at pinagbuksan ako ng pintuan. Dahan-dahan akong lumabas at sumunod sa kaniya palabas ng garahe.
Sumalubong kaagad sa amin ang mga maid ng bahay. Bumati sila sa amin kaya ngumiti ako at bumati pabalik sa kaniya. Sa gitna ng mga harden ng bulaklak ay may isang matandang lalaki ang naghuhukay ng lupa. May suot siyang bamboo hat at may nakasabit na puting tuwalya sa kaniyang balikat. Dahan-dahan nitong iniangat ang kaniyang ulo ng huminto kaming dalawa ni Paulo malapit sa kaniyang kinauupuan. "Paulo" he greeted. Ngumiti si Paulo sa kaniya at niyakap ang matandang lalaki. "And who is this woman?" agad naman niyang tanong ng ibinaling niya ang atensiyon sa akin. Ngumiti lang ako sa kaniya at agad na nagsalita si Paulo, "She's Angel, Jastine's cousin. Siya ang tutulong sa iyo dito sa harden" sabi ni Paulo na nagpapangiti sa matandang lalaki.
"Ang akala ko pa naman girlfriend ka ng apo ko" pagbibiro nitong ani. Ngumiti lang ako habang napatingin kay Paulo. Sakto namang nagtama ang mga mata namin ni Paulo at agad naman siyang umiwas. "Marunong ka bang magtanim ng mga bulaklak?" tanong ng Lolo ni Paulo sa akin habang pinagpatuloy ang paghuhukay ng lupa. Agad naman akong umupo sa tabi ng Lolo ni Paulo at kinuha ang mga buto ng bulaklak sa lalagyan nito. "Opo, dito po ako pinakamagaling" sabi ko sa Lolo ni Paulo at tinulungan siyang itanim ang mga buto. "Ito po ay mga buto ng sunflower at ito naman ay marigold" ani ko na nagpapangiti sa Lolo ni Paulo. "Aba't akalain mo naman, saan ka ba natuto ng panananim?" tanong niya sa akin.
"Ilang taon na din akong tinuruan ng mga kaibigan ko kung paano magtanim at mag-alaga ng harden" sabi ko sa kaniya sabay hulog ng mga buto sa isa pang hukay na nagawa niya. Agad naman niya itong tinabunan ng lupa at diniligan. "I think, we don't have any problems here. Lolo, Angel I need to go now. You can call me if you need anything" sabi ni Paulo sa akin sabay tingin na parang may hinihingi siya sa akin. Napakunot lang ang noo ko habang nakatingin kay Paulo. "Phone? Don't you have a phone?" ani niya kaya agad akong umiling. Hindi nga ako marunong gumamit ng cellphone. "Eh, wala ako niyan" tipid kong sagot sa kaniya.
"Huwag kang mag-alala Paulo, Angel will be okay here" ani naman ng Lolo ni Paulo kaya agad din naman itong lumakad palayo sa direksiyon namin. Napangiti lang itong Lolo ni Paulo at nagpatuloy sa paghuhukay. Hindi ko inaasahan na mayaman din pala sina Paulo. Hindi kasi nakapunta dito sa Jastine dahil sa condominium lang ni Paulo sila laging tumatambay at nagbobonding. Lumipat ako ng puwesto upang matulungan si Lolo sa paghuhukay. "Kailan po kayo nagsisimulang magtanim ng mga bulaklak?" tanong ko sa Lolo ni Paulo dahil sa napakagaling niyang magtanim ng bulaklak at kitang-kita naman sa harden nila na sobrang alagang-alaga ito ng kaniyang Lolo dahil sa ganda at ayos na taglay nito.
"Mahilig kasi sa bulaklak ang asawa ko, kaya lagi akong nagtatanim ng bulaklak para sa kaniya" ani niya. Nilagyan ko ng buto ang nagawa kong hukay at tinakpan ito ng lupa. "Pasensiya na po sa tanong ko, pero nasaan po ang asawa niyo po?" tanong ko kay Lolo at bigla siyang napahinto sa paghuhukay. Iniabot niya ang water bottle sa basket at lumunok ng tubig. Pinahid niya ang kaniyang pawis gamit ang puting towel sa kaniyang balikat."Nasa loob ng bahay ang asawa ko at hindi siya masyadong lumalabas. She's currently suffering from a alzhemeirs disease at ang mga bulaklak na ito ang nakatutulong sa kaniya upang bumabalik ang kaniyang mga ala-ala" napahinto ako sa paghuhukay ng marinig ko iyon. Napatingin ako sa mukha ng Lolo ni Paulo at kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang labis na pagmamahal sa kaniyang asawa.
"Alam ko na sobrang nararamdaman ng asawa mo po ang pagmamahal mo sa kaniya" napatingin sa akin ang matanda at ngumiti. "You know, you're a kind and gentle woman, magkaibigan kayo ni Paulo?" mahina akong tumango kahit hindi ko alam kong magkaibigan ba kami ni Paulo dahil sa kahapon lang kami nagkakilala. Oo, matagal ko ng kilala si Paulo simula pa noong naging taga- bantay ako ngunit kahapon lang kami nagsimulang magkausap."I hope you and Paulo can get along well" sabi niya sabay hukay ng lupa. Ngumiti lang ako as a response sa Lolo ni Paulo.
YOU ARE READING
The Girl Who Came From Above
RandomGuardian Angels are entities that exist in a space beyond humans' domain. They have the duty to protect humans from imminence until life will be retrieved from them. This story revolves around an angel who sacrifices herself to rescue a suicidal hum...