CHAPTER 26: Metamorphosis

4 0 0
                                    

Nananaginip ako kagabi. Sa ilang araw na naninirahan ako sa mundo ng mga tao, sa panaginip ko kagabi nakabalik ako sa lugar ng mga taga-bantay, ang tahanan ko. Sobrang kagalakan ang aking naramdaman dahil nais kong makabalik ulit dito at maibalik sa dati kong tungkulin, ang magiging taga-bantay ni Jastine. Sa panaginip ko nakausap ko ulit ang mga kaibigan ko sa mundo ng mga taga-bantay pero ang hinding-hindi ko makalimutan sa aking panaginip ay ang pag-uusap namin ni Augustine.

Masaya akong sinalubong si Augustine dahil sa matagal na kaming nagkikita pero napatigil ako sa pagtakbo papunta sa direksiyon niya ng hindi manlang siya ngumingiti sa akin. "May problema ba Augustine?" tanong ko sa kaniya pero hindi ito umimik. Umupo ito sa damuhan at tumingala sa mga bituin sa kalangitan. "Naaalala mo ba noon ng naglalaro tayo sa damuhan na ito?" wala sa paksa niyang tanong sa akin. "Oo, hinding-hindi ko iyon makakalimutan" sabi ko sabay upo sa damuhan katabi niya. "Akala ko walang magbabago sa ating dalawa" seryoso niyang sambit kaya napatingin ako sa kaniya. Sinalubong niya ang aking mga tingin. "Wala namang magbabago sa atin Augustine--" hindi naituloy ang aking pagsasalita ng biglang bumukas ang kaniyang pakpak sa harapan ko. Ang mapayapang kalangitan ay napalitan ng mga malalakas na kulog at kidlat at isang napakalakas na kidlat ang tumama sa likuran ni Augustine. Dahil sa sobrang lakas ay napasigaw ito, pilit na tinitiis ang sakit na nadarama dahil sa pagtama ng kidlat.

"Anong nangyayari Augustine?" naguguluhan kong tanong sa kaniya. Pilit kong iniabot ang aking mga kamay sa kaniya pero hindi ko siya kayang hawakan. Tumama ulit ang kidlat sa kaniyang balikat at ngayon, may mga numerong namumuo sa kaniyang balikat at unti-unting lumiliwanag. Katulad ng mga numero na nauukit sa aking balikat noong una kong nakita si Jastine, ang taong babantayan ko. Namimilit sa sakit si Augustine, namumula ang kaniyang mukha at nakapormang kamao ang kaniyang mga kamay. "S-simula ngayon, ako na ang iyong m-magiging taga-bantay" ani nito sabay tingin sa akin.

Bigla akong nagising at agad kong inilibot ang aking paningin sa paligid. Bigla akong napabuntong-hininga ng makita si Paulo na kasalukuyang nakatingin sa akin ng malapitan. Nagulat siya kaya agad siyang napaatras at tumawag kaagad ng nurse sa labas. Anong klasing panaginip iyon? Masamang pangitain? Napatigil ako sa pag-iisip ng makita ko ang napakapamilyar na mukha na kasalukuyang nakatitig sa akin. Si Augustine. Nakatayo siya sa tabi ng monitor at agad kong napansin na tumitibok na ang puso ko. "Anong ginagawa mo dito Augustine?" agad kong tanong sa kaniya habang nasa labas pa si Paulo. Biglang bumukas ang pinto at may pumasok na nurse kaya agad na nawala sa aking paningin si Augustine. Nagsalita ng nagsalita ang nurse at si Paulo pero hindi ako nakikinig sa kanila. Kung nandito si Augustine, ibig sabihin, totoo ang panaginip ko kagabi.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid pero hindi ko parin mahanap kung nasaan si Augustine. Pumasok ang doctor sa loob at tiningnan ang kalagayan ko. Nagbigay din siya ng paliwanag kung ano ang nangyayari sa akin pero ang nasa isip ko ngayon ay kung bakit nandito si Augustine at ano ang ginagawa niya sa mundo ng mga tao. Gusto ko siyang tanungin kung anong ibig sabihin ng panaginip ko kagabi at kung sakaling totoo man iyon. Lumabas ang doctor at bumukas ulit ang pintuan and this time, sina Jastine naman ang pumasok. Agad akong napatingin kay Jastine, parang sobrang alalang-alala siya sa akin pero nang makita ko si Lloren sa likuran niya biglang bumalik sa akin lahat ng nangyari sa campsite.

Nagtanong si Jastine sa akin tungkol sa kalagayan ko pero matamlay akong sumasagot sa lahat ng katanungan niya. Gusto kong bigyan ng limitasyon ang pagiging taga-bantay ko kay Jastine at hindi ko na gustong makialam sa mga ginagawa ng mga tao dahil lalo akong maguguluhan. Dahil sa pakikialam ko sa mga gawaing pantao, naguguluhan ang isip ko at maging ang mga nararamdaman ko.

"I think it is best if you should take a rest first Jastine. Angel is fine and we will be here for her" sabi ni Paulo kay Jastine at sumunod naman kaagad ito sa Jastine sa kaniya. Nagpaiwan si Paulo sa loob at umupo siya sa upuan malapit sa akin. Nagsimula siyang magsalita pero hindi ko man lang siya binibigyan ng pansin. Nakatingin lang ako kay Augustine na kasalukuyang nakatayo sa likuran ni Paulo habang nakatitig sa akin. I am not hallucinating. Nandito talaga sa mundo ng mga tao si Augustine.

Tumingin si Paulo sa direksiyon kung saan ako nakatitig. Agad akong nakatingin kay Paulo and I keep saying na okay lang ako at wala akong iniisip. Ngumiti sa akin si Paulo at sinabihan niya ako na magpahinga muna. After that, lumabas si Paulo sa silid kaya agad akong humiga upang makumbinsi si Paulo na talagang kailangan ko ng pahinga. Agad akong tumayo at hinanap si Augustine. Binuksan ko ang bintana, ang mga kabinet, at pumunta sa comfort room. Biglang nagsalita si Augustine sa aking likuran kaya agad akong humarap sa kaniya. "Bakit ka nandito Augustine?" umupo siya sa couch at tumingin sa akin ng seryoso.

"Alam kong naaalala mo ang mga nangyari kagabi" ani niya kaya agad akong lumapit sa kaniya at umupo sa tabi niya. "Ibig sabihin, hindi pala panaginip lahat ng iyon?" umiling siya at agad akong napatingin sa numero na nakaukit sa balikat niya. Totoo nga hindi iyon panaginip lamang. "Anong ibig sabihin nito? Bakit naging taga-bantay ka ng isang taga-bantay" tumayo si Augustine at naglakad lakad sa silid.

"Nakialam ka na naman sa buhay ng mga tao Angel. Alam mo na higit na ipinagbabawal ang paggamit ng mahika kung hindi ayon sa utos ng kataas-taasan at iyon ay nilibag mo na naman sa pangalawang beses" ani ni Augustine na tinutukoy ang paggamit ko ng mahika kay Jastine pagkatapos naming atakihin ng malaking hayop sa gubat. "Gusto ko lamang isalba ang buhay ni Jastine at hindi ko naman iyon ginagamit sa masamang bagay" pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Angel, wala tayong karapatan na makialam sa buhay at kamatayan ng mga tao. Dahil sa bawat pakikialam natin sa kanila ay naiiba ang magiging daloy ng kanilang buhay at maging daloy ng mundo. Magkakaroon ng matinding chaos" hindi na ako umimik pa dahil sa hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko kay Augustine. Napayuko nalang ako at nang mapansin niya ako ay lumapit siya sa akin.

"Ilang beses kitang pinaalalahanan Angel na dapat kang mag-ingat at sumunod" hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniyang mukha. "At dahil sa nilabag ko ang kanilang utos sa pangawalang beses ay unti-unti na akong nagiging tao kaya nandito ka bilang tagabantay ko" mahinang tumango si Augustine. Yumuko ako ulit dahil sa nanghihina ako sa nalaman ko. "Ibig sabihin nito Augustine, hindi na ako makakabalik pa sa mundo natin? At hindi na ako magiging tagabantay?" medyo pumiyok na ang boses ko dahil naramdaman kong bumigat ang aking dibdib.


"Makakabalik ka lamang sa pagiging tagabantay kung matagumpay mong maisagawa ang iyong misyon" mas hinigpitan ni Augustine ang paghawak sa aking kamay kaya nagsimula na akong kinabahan. "Anong misyon ito Augustine?" huminga ng malalim si Augustine at agad na magsalita,










"Ang patayin si Jastine".

The Girl Who Came From AboveWhere stories live. Discover now