Umupo kaming tatlo ni Jastine at ang kaniyang Lola sa couch. Halata pa rin kay Jastine na nag-iisip pa rin siya dahil sa sinabi ko sa kaniya kanina. Lumapit sa akin si Jastine at hinawakan niya ang kamay ko. Hinila niya ako at lumabas kami ng bahay papunta sa harden. "What you said earlier... it's still bothering me... Angel, I need some information of what you've seen and remember back then...." nagdadalawang isip pa ako sa pagsasalita baka masasaktan si Jastine kapag mag-uungkat pa kami ng nakaraan.
Nakatitig lang ako sa kaniya, "Sigurado ka ba Jastine? Baka kasi... baka kasi masasaktan ka kung babalikan natin ang nakaraan" sambit ko pero mahina niyang itinatangi, "I wanted to know what happened before Angel. It was an accident, but there's a possibility that it was not...." sabi niya sabay titig sa mga nagkikislapang bituin sa kalangitan.
"Paano kapag hindi aksidente ang nangyari sa mga magulang mo Jastine? Ano ang gagawin mo?" mahina siyang lumingon sa akin. "Hindi ko alam Angel, pero I wanted to know what's the truth.....no matter what it is..." sabi niya. Sa totoo lang, natatakot ako. Natatakot ako na baka babalik si Jastine sa panahon na sobra-sobra siyang nasaktan sa nangyari sa mga magulang niya. Natatakot ako na baka.... baka maisipan niya ulit na gawin ang bagay na itinaya ko lahat upang masalba siya.
"I deserved to know the truth, Angel. No matter how much it'll hurt me" dagdag pa niya kaya napabuntong hininga ako at umupo ako sa upuan. "Bagama't akoy isang anghel, hindi ako madaling makalimot sa lahat ng pangyayari sa buhay mo Jastine" umupo din si Jastine sa upuan. Tumingala lang ako sa kalangitan at pinagmasdan ang mga tala na kumikinang sa napakadilim na mundo.
"Naalala ko noong araw na iyon kung paano binanga ng isang truck ang sasakyan ng mga magulang mo Jastine, pero.... ang nakapagtataka, hindi lamang isang sasakyan ang nandoon noong nangyari ang aksidente...may isa pa akong sasakyan na nakita.." napatingin ako kay Jastine at nagtama ang mga tingin namin. "Lloren's parents car" sambit niya at mahina akong tumango.
"Hindi ko masyadong naaninag noong panahon na iyon dahil sa malakas na pagsabog. Bagama't nakita ko silang dalawa, nakasakay sa kotse hindi malayo sa aksidente" dagdag ko pa. "It means, they probably coincidentally appeared on the scene dahil hindi sila nadamay sa aksidente or probably....."
"Probably they know na may mangyayaring aksidente sa araw na iyon at sa mismong lugar na iyon kaya hindi sila nadamay sa aksidente" dagdag pa niya. Tumayo siya at lumapit sa akin. "What's more do you remember?" curious niyang tanong sa akin. "Wala na masyado akong naalala kasi nakapokus lang ako sa pagligtas sa iyo....." hindi ako nakapagpatuloy sa pagsasalita dahil biglang lumapad ang ngiti sa mga labi ni Jastine.
"You saved me during that accident?" ulit niya pang tanong na mas lalong lumapad ang kaniyang mga ngiti. "Responsibilidad ko iyon bilang taga-bantay mo..." pagpapaliwanag ko sa kaniya pero parang hindi siya nakikinig sa aking paliwanag. Nakita lang siya dahil sa narinig niya.
"I need to recheck any CCTV's at that time but it was 2 years ago. It's less likely na makakahanap pa tayo ng footage. We can't just rely on what you see because we don't have any evidence, hard evidence...." palakad-lakad na salita ni Jastine.
Biglang pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Angel 1212 sa akin noong nakikita at nakakausap ko pa siya. "Jastine..." napatigil siya sa paglalakad at nakinig sa akin. "Gusto ko sanang malaman kung ano ang sinabi ni Lloren sa iyo noong bago pa lamang kayo nagkita" napaisip siya at agad na sumagot, "She said...... She missed me and she still likes me?" napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Oo nga naman, expectedly, ang mga salita na iyon ang maaaring sabihin ni Lloren sa kaniya.
"What's with that face? Are you jealous?" lumaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Jealous? Hindi ko nga alam kung anong ibig sabihin niyan. "Hindi ko nga maiintindihan kung ano ang pinagsasabi mo" sabi ko sa kaniya at tumawa lang siya. "Ibig kong sabihin, may sinabi ba si Lloren sa iyo tungkol sa aksidente...." napatingin siya sa akin at agad na nagsalita, "She said she went to States because of her parent's illness" napatigil ako.
"Sabi ni Angel 1212 sa akin, nagsisinungaling si Lloren. Hindi ko mawari kung ano ang tinutukoy niya pero sinabi niya iyon sa akin noong bagong balik pa lamang si Lloren galing sa States" napaisip si Jastine dahil sa sinabi ko. "If Angel 1212, wait who's Angel 1212?" napahinto siya sa pagsasalita dahil ngayon lamang niya narinig ang pangalan na iyan. "Marami pala kayong Angel ang pangalan?" dagdag na tanong pa niya.
"Opo, lahat ng taga-bantay po ay Angel ang pangalan" sagot ko sa tanong niya. "Why didn't you tell me? I should have named you something else" sambit pa niya na medyo nanghihinayang. "Hindi naman iyon importante, ang importante ang malaman mo kung ano ang nangyari sa mga magulang mo at kung bakit nandoon din ang mga magulang ni Lloren" sabi ko sa kaniya at napaisip siya ulit.
"When your friend Angel 1212 told you that Lloren is lying, maybe she's telling about something big. Kung totoo nga na Lloren is lying about going to States and about her parent's illness, it means that there's a great possibility that they are involved in the accident...." hindi ko alam pero iyon din ang iniisip ko. Mali na manghusga ng tao pero masama din ang kutob ko sa nalaman ko at sa naaalala ko tungkol sa aksidente.
Bumukas ang pintuan at agad kaming napatayo dalawa ni Jastine dahil sa gulat. "What are you two doing here? Napakalamig baka magkasipon kayo. Dinner is set, let's eat na" sambit ng Lola ni Jastine. Ngumiti ako sa kaniya, hinila ang t-shirt ni Jastine at pumasok kaming dalawa sa loob ng bahay. Umupo si Lola sa dining area kaya sumunod naman kami kaagad ni Jastine.
Binigyan kami ng pinggan at pinagbuhusan ng pagkain at ulam. Nagsimula na kaming kumain at biglang nagsalita ang Lola ni Jastine. "Jastine, you shouldn't involve yourself with Lloren's parents and with the company. If you want to manage a company, you should be a successor on my company, not on those family-friend of yours" seryoso niyang sabi kay Jastine.
"It was my family's company before grandma right? Then why?" tanong niya sa kaniyang Lola. "Wala silang utang na loob" agad na sambit ng Lola niya. Biglang may luha na tumulo sa kaniyang mga mata kaya napatigil kami sa pagkain. Kumuha kaagad si Jastine ng tissue sa mesa at iniabot ito sa Lola niya. "It was just too difficult for me. It was difficult for us Jastine. But those people, hindi man lang sila nakiramay. All they did was to think about the company and think about the loss of the company. They didn't even think about our loss" pinahid ng Lola niya ang mga luhang pumapatak sa kaniyang pisngi.
"We became more than friends and business partners, we became a family. I just can't afford to think that during those times, they were not here for us. Instead, mas inuuna pa nila ang company kaysa sa atin. At that moment, I felt betrayed and I throw our friendship away and I don't want you to come close to them" sabi pa niya. Ibinigay ko ang tubig ko sa Lola ni Jastine at tinanggap niya naman ito.
Napatingin ako kay Jastine. Sobrang seryoso ng mukha niya at tila nag-iisip siya sa lahat ng detalye na nalaman niya ngayon. Alam ko at nararamdaman ko na mayroon kaming hindi alam at iyon ay ang pinakaimportanteng parte na nangyari noon.
YOU ARE READING
The Girl Who Came From Above
RandomGuardian Angels are entities that exist in a space beyond humans' domain. They have the duty to protect humans from imminence until life will be retrieved from them. This story revolves around an angel who sacrifices herself to rescue a suicidal hum...