CHAPTER 33: The Lies We Tell

0 0 0
                                    




Hinatid ako ni Paulo sa bahay ko. Pagkatapos ng nangyari ay sinabihan ako ng nurse na magpahinga muna sa loob ng tatlong araw upang mas mabisang gumaling ang aking mga sugat. Pagkatapos umalis ng sasakyan ni Paulo ay agad akong pumasok sa bahay at isinarado ang pinto.


Pagsarado ko ng pinto ay nagulat ako ng makita si Augustine na nakatayo sa harapan ko. "Bakit ka naman sumusulpot kong saan-saan" sambit ko sabay mahina na lumakad palapit sa upuan. Lumapit sa akin si Augustine at tiningnan ang mga sugat sa aking kamay at braso. "Hindi matitigil ang mga masasamang pangyayari na darating kay Jastine hangga't hindi maitama ang lahat Angel" umupo ako sa upuan at tumingin kay Augustine.





"Hindi ko alam Augustine kung bakit ayon lamang ang magiging paraan upang maibalik sa dati ang lahat" sabi ko sabay pahinga ng ulo ko sa upuan. "Wala naman akong nakikitang problema-.." hindi ko pinatuloy sa pagsasalita si Augustine. "Hindi ba sobrang malupit ng paraan na binibigay nila sa amin?" ani ko sa kaniya. "Hindi ba't lahat ng tao mamamatay Angel? Hindi ba't dadating ang panahon na lahat ng binabantayan ng mga taga-bantay ay darating sa kani-kanilang mga takdang oras? At ang oras ni Jastine ay matagal nang dumating" pagpapaliwanag na Augustine at lahat ng iyon naman ay tama.



Hindi lamang ako umimik at nag-iisip lamang ako. "Ano ba ang humadlang sa iyo Angel?" tanong niya sa akin. Humahadlang? Naramdaman ko ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko. Napabalikwas ako mula sa aking pag-upo. "Wala...wala... hindi ko lamang gusto na mamamatay si Jastine o di kaya'y may mangyaring masama sa kaniya" sabi ko kay Augustine.





"Aalahanin mo Angel, isa ka nang ganap na tao ngayon. Nasasaktan ka na at nasusugatan" sabi niya sabay tingin sa aking mga sugat sa katawan. "Ang mga tao ay may hangganan Angel, huwag mong hahayaan na darating ang araw na ikaw ang masasaktan sa mga masasamang pangyayari na tadhanang dadating sa buhay ni Jastine. Kapag may masamang mangayari sa iyo, ikaw ay hindi na kailanman makakabalik pa sa mga mundo ng taga-bantay" pagkatapos sabihin iyon ni Augustine sa akin ay bigla siyang lumisan.





Nakarinig ako ng katok mula sa pintuan. Mahina akong tumayo at naglakad palapit dito. Binuksan ko ang pintuan at nagulat ako ng tumambad sa akin si Jastine. Basang-basa sa pawis ang kaniyang mukha at may dala siyang plastic na agad niyang ibinigay sa akin. "Angel....ka-kailangan mo to" hiningal pa niyang sabi sa akin. "Bakit ka nandito Jastine? A-at paano ka nakarating dito?" tanong ko sa kaniya sabay tingin sa possibleng sasakyan na sinakyan niya.





Ngumiti lang siya at hinawakan niya ang kamay ko. Inilahad niya ang aking palad at inilagay dito ang dala niyang plastic. Sa loob nito ay may mga bendahe, tape, at mga panggamot. "Ahmmm, pasok ka muna" mahina kong sambit sabay binuksan ng malaki ang pintuan. Umupo siya sa couch at kinuhaan ko siya ng tubig. "Don't worry about me, you should rest" agad niyang sabi sa akin ng makita niya akong may bitbit na tubig.








"Bakit ka pala naparito?" tanong ko kaagad sa kaniya. "I just wanted to say thank you about what you did earlier in the gym" sambit niya sabay tingin sa akin ng seryoso. Ngumiti lang ako ng kaunti. "Responsibilidad ko iyon dahil guardian angel mo ako" sagot ko sa kaniya at ngumiti siya sa akin. "Next time, you shouldn't do that" seryoso niyang sabi sa akin. "Responsibilidad ko na protektahan kita Jastine. Kaya ako nagiging taga-bantay para maprotektahan kita---....." hindi niya ako pinatuloy sa pagsasalita.





"Next time don't...." sabi niya.







"I don't want you to get hurt because of me. So, next time please don't protect me"













Nagpatingin ako sa kaniya. Seryosong seryoso ang mukha niya habang binibigkas niya ang mga katagang iyon. "By the way, I came here to thank you and not to argue with you" agad naman niya sabi upang mawala ang katahimikan na namamagitan sa aming dalawa. "Walang anuman" sabi ko naman para matapos na ang usapan.





Naging tahimik ulit kaming dalawa. Naririnig ko ang malakas niyang paghinga. Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita, "I also wanted to apologize.....for... for what I did last time" kahit hindi niya sinasabi kung alin doon pero alam ko na kaagad kong ano ang tinutukoy niya. "I didn't mean to do that without your permission and so I wanted to apologize......" hindi ko siya pinatuloy sa pagsasalita.





"Alam ko namang hindi mo iyon sinasadya...." hindi rin ako nakatapos sa pagsasalita ng magsalita siya ulit.














"I meant it..."















Natahimik kaming dalawa dahil sa sinabi niya. Nakatitig lamang siya sa akin habang ako ay nakatingin lamang sa kawalan. He meant it? Anong ibig niyang sabihin?








"I really do...." he added.









Hindi ako nagsalita, at siya din. Siguro binibigyan niya ako ng oras upang intindihin ang kaniyang mga sinasabi. "Hindi..hindi maaari Jastine. Pagkakamali lamang iyon...." pagtatanggi ko sa kaniya. Hindi puwedeng magkagusto si Jastine sa akin, mas magiging komplikado pa ang lahat.





"I know. I know it's shouldn't be. Naguguluhan na ako Angel. I keep on thinking about Lloren and it should be that way but my heart is always, always looking for you Angel...." at sa oras na ito sobrang seryoso na ni Jastine. Mabilis ako na umiling. Hindi puwede. Hindi maaari.





"Jastine......." bago paman ako makapagsalita ay agad siyang lumapit sa akin.






"I'm sorry Angel but I need to confirm it right now. I need to end this confusion inside me" sabi niya sabay hawak sa aking pisngi at mahinang inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Bumilis ang pagtibok ng aking puso at tila hindi ako makahinga sa sobrang lapit ng kaniyang mukha sa akin.




I expect him to do something pero lumipas ang ilang minuto ay inilayo niya ang kaniyang mukha sa akin at binitawan ang paghawak sa aking pisngi. "I won't do the same mistake again" sabi niya sabay hakbang palayo sa akin. "Thank you for saving my life as you always do Angel and I want you to know that what I did was real...." at pagkatapos niyang magsalita ay lumabas siya ng bahay ko. Naiwan lamang ako doon na tila tulala pa sa nangyari.








Hinawakan ko ang aking dibdib at pilit na pinakalma ang mabilis na pagkabog ng aking puso. Kung totoo ang nararamdaman ni Jastine para sa akin o kung may naramdaman man siya para sa akin ay dapat hindi niya maituloy pa. He will be at most danger kapag nangyari iyon at hindi ako papayag na mangayari iyon.
















The Girl Who Came From AboveWhere stories live. Discover now