Nakasuot si Jastine ng black suit habang hawak hawak ang binili niyang bulaklak na ibibigay niya bilang regalo sa kaniyang mga magulang. Ilang weeks din ang lumipas bago pa siya nakadalaw sa puntod ng kaniyang yumaong ina at ama sapagkat siya ay sumailalim pa sa physical therapy upang maibalik ang dating kondisyon ng kaniyang katawan.
Mahinang lumalakad si Jastine paglapit sa puntod ng kaniyang Ina at ama, at dahan dahan na inilapag ang dala niyang bulaklak. Gusto niya sanang magsindi ng kandila ngunit napakalakas ng ulan at siguradong papatayin lang ng ulan ang apoy ng kandila. Mahigpit ang paghawak niya sa kaniyang payong habang umiiyak sa harapan ng puntod ng kaniyang mga magulang. He's crying out lahat lahat ng hindi niya naiyak noong nasa hospital pa lamang siya. Walang mga salitang lumalabas sa kaniyang mga bibig ngunit puro tunog galing sa kaniyang pagsusumamo.
Nakaramdam ako ng panghihina dahil sa sobrang kalungkutan ni Jastine. Ilang araw na din ako nakaramdam ng sobrang panghihina sapagkat wala ng araw na ito ay tumatawa o humihiling. Bigla niyang binitawan ang dala dala niyang payong at unti-unti siyang nababasa ng ulan. "Jastine, bakit mo binitawan ang payong?" agad kong hinabol ang payong na nilipad ng hangin pero hindi ko manlang ito mahawakan dahil sa sobrang lakas ng ulan at hangin. Umupo si Jastine sa lupa at patuloy na umiiyak kaya tumakbo ako pabalik sa kaniya at binuksan ang aking mga pakpak upang hindi siya mabasa ng ulan, pero wala itong bisa.
Sapagkat lumulusot ang mga butil ng ulan sa aking mga pakpak at patuloy itong tumatama kay Jastine. "Magkakasakit ka niyan sa ginagawa mo" sambit ko sa kaniya habang naaawa sa kalagayan ng alaga ko. "How can I move on and live my life? How can I?" sigaw nito sa harap ng puntod ng kaniyang mga magulang. Mas lalong lumakas ang ulan kaya mas lalo akong nag-aalala sa kaniya. Kung pwede ko lang siyang mahawakan at mahila pabalik sa kanilang bahay ay ginawa ko na.
"Paano ako magiging masaya ulit? Paano ako mabubuhay ng mag-isa? Na wala kayo sa tabi ko? Paano?" patuloy nitong pagsisigaw sa gitna ng kaniyang malakas na pag-iyak. Umupo nalang ako sa tabi ni Jastine at patuloy na nakikinig sa kaniyang pag-iyak. Naaawa man ako pero wala akong magawang paraan upang matulungan siya. Ilang araw na siyang hindi kumakain ng maayos at hindi nakakatulog. Ilang araw na din na lagi nalang siyang umiiyak at sinisisi ang sarili niya sa nangyari sa mga magulang niya. If they haven't stop and bought some clothes, sana hindi nadamay sa aksidente ang sasakyan ng parents niya. Kaya lagi niyang sinisisi ang nangyari sa kaniyang mga magulang.
Nahinto na si Jastine sa kakaiyak at dahan-dahan itong tumayo. Sa paghinto ng kaniyang pag-iyak ay ang paghinto rin ng pagbagsak ng ulan. Mahina siyang naglakad kaya sinundan ko lang siya saan man kami dalhin ng kaniyang mga paa.
(Oh My Angel - by Chai (English Version)
(A/N: You can play it at the background)Dinala kami ng kaniyang mga paa sa maliit na plaza, umupo muna siya doon at nakikinig sa mga huni ng ibon. Ipinikit niya ang mga mata niya at ilang segundo ang lumipas ay agad na may tumulo na luha sa kaniyang mga mata.
(It’s alright
It’s alright
Even if I lose everything)Tumayo siya at nagpatuloy na naglakad papunta ng highway. Hindi ko alam pero may nararamdaman akong kakaiba sa kaniya ngayon. Tumakbo ako palapit sa kaniya and try to guess kong anong nasa isip niya ngayon pero walang expression na lumalabas sa kaniyang mukha. Nakatitig lamang siya sa kawalan habang patuloy na lumakad papunta sa direksiyon ng highway. Iniwagayway ko ang aking mga kamay sa harapan ng mukha niya pero lahat ng ginagawa ko ay walang kaepe-epekto sapagkat hindi niya ako nakikita, naririnig, at nararamdaman. Mas lalong sumama ang intuition ko kaya nag-isip ako ng paraan upang magising ang diwa ni Jastine ngayon.
"I lost my parents and I lost myself. Wala ng natira sa akin" sabi nito habang tumigil sa paglalakad at humarap sa napakagulong daanan ng highway. Nakatitig lang ito sa traffic light habang lumilipad pa rin ang kaniyang isipan at sobrang nasasaktan pa rin ang kaniyang damdamin sa mga nangyari.
(It’s alright
It’s alright
Because someone is next to me)Bigla akong napahinto sa pagsunod sa kaniya ng biglang hinawakan ako ni Michael at Augustin sa kamay. Agad silang lumipad sa malapit na building habang hawak-hawak parin ang aking mga kamay. "Bitawan niyo ako" sabi ko sa dalawa at agad naman nila akong binitawan. "Roro, your mission will end today" sabi ni Michael sa akin sabay turo ng papalapit na sasakyan sa direksiyon ni Jastine. Nanlaki ang aking mga mata ng marinig ang mga salitang iyon galing sa kaniya. Ibig niyang sabihin, mamamatay ngayong araw si Jastine?
Lilipad na sana ako pero pinigilan nila akong dalawa. "Roro, tandaan mo ang palatuntunan. Wala tayong magagawa kung buhay at kamatayan na ang pag-uusapan" pakikiusap sa akin ni Augustin habang hinahawakan nito ang aking mga kamay. "Pero wala ba dapat tayong gagawin para tulungan siya? Kailangan niya ng tulong natin, Augustin.. Michael" Michael just shook his head at yumuko. Sobrang naawa na talaga ako sa sitwasyon ng alaga ko at gusto ko na makatulong sa kaniya.
(Even when I’m crying
When I’m alone and lonely
You stayed by my side)
Unti-unti ng bumubukas ang mga ulap sa langit at unti-unti ng humahakbang si Jastine sa kalsada at sa kanang direksiyon niya ay may paparating na sasakyan na nakatadhanang makasagasa sa kaniya, babawi sa kaniyang buhay at tatapos sa aking mission. Gusto kong gumawa ng paraan sapagkat hindi ko kayang makita ang aking alaga na mamamatay sa aking harapan. Nagpupumiglas ako sa kanilang mga hawak ngunit napakalakas nila para sa katulad kong isang taga-bantay lamang. Nang papalapit ng papalapit na ang sasakyan, agad kong ginamit ang aking mahika na ikinagulat nina Augustin at Michael. Napatumba ko ang dalawa at nasugatan si Augustin sa balikat nito.
"Patawarin niyo ako Michael at Augustin, pero kailangan kong proteksiyonan si Jastine habang-buhay" sabi ko sa kaniya at agad na tumakbo sa gilid ng building. Sumarado ang ulap at nawala ang malakas na ilaw mula dito at napalitan ito ng pagkulog at kidlat. "Roro, huwag kang mag-isip na tulungan si Jastine sapagkat labag ito sa palatuntunan ng mga taga-bantay. Roro mag-isip ka ng mabuti" pakikiusap ni Augustin sa akin habang pilit na humahakbang papalapit sa direksiyon ko. "Pasensiya na talaga" tipid kong sagot sa kanila at lumipad papunta sa direksiyon ni Jastine. Akma na sanang tumama ang sasakyan sa kaniya subalit nayakap ko ito at nahila palayo sa sasakyan.
(You are my angel
Oh you are my angel
Always you’re here)Habang yakap-yakap ko si Jastine unti-unti niyang inimulat ang kaniyang mga mata. Napangiti ako dahil sa nailigtas ko si Jastine mula sa pagkapahamak. Nakatingin lang ito ng diretso sa akin at alam kong hinding-hindi niya ako makikita. Dahan-dahan ko siyang hinawakan sa pisngi at nagsalita, "Huwag kang mag-alala, nandito ako para sa iyo" nang matapos kong bitawan ang mga salitang iyon ay agad siyang nawalan ng malay.
(Oh you are my angel
You are by my side
Always always stay here forever)
Nagsitakbuhan ang mga tao papalapit kay Jastine at tinulungan ito. Mabuti naman at walang nasaktan sa aksidente. May dumating naman kaagad na ambulansiya at dinala si Jastine sa hospital. Biglang bumukas ang kalangitan at hinigop ako ng malakas na liwanag paitaas. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng saya na nailigtas ko si Jastine.
YOU ARE READING
The Girl Who Came From Above
RandomGuardian Angels are entities that exist in a space beyond humans' domain. They have the duty to protect humans from imminence until life will be retrieved from them. This story revolves around an angel who sacrifices herself to rescue a suicidal hum...