CHAPTER 27: The Mission

6 1 0
                                    



Nabitawan ni Augustine ang paghawak sa aking kamay ng bigla akong tumayo. "Anong pinagsasabi mo Augustine?" nagtataka kong tanong at naguguluhan sa sinasabi ni Augustine. "Matagal na burado ang pangalan ni Jastine sa mundo Angel, pero dahil nabago mo ang daloy ng kaniyang buhay sa pagsagip mo sa kaniyang kamatayan ay marami kang nabago. Magulo na ang mundo Angel" nagbukas si Augustine ng isang portal at pinakita nito ang mundo namin, mundo ng mga tagabantay.

"Simula ng pangyayaring iyon Angel, hindi na nagiging matiwasay ang mundo ng mga tagabantay" nalungkot ako sa nakita ko. Ang dating masigla at mapayapang mundo ay napalitan na ng takot dahil sa mga naglilitawang kulog at kidlat sa kalangitan at nababalot na ito ng madidilim na kalangitan. "Anong nangyari sa mundo natin Augustine" isinarado ni Augustine ang portal at agad na tumingin sa akin. "Isa lang ang nakikita naming paraan Angel, isasaayos ang nagawang kamalian. Sapagkat ikaw ang nagsagip kay Jastine mula sa kamatayan, ikaw din ang magiging dahil ng kaniyang kamatayan at iyon ang iyong misyon. Ang ibigay ang kamatayan kay Jastine na matagal na sana niyang nakamit" napatigil ako sa paggalaw.


Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang resulta ng mga nais kong pagsagip sa aking alaga. Ang gusto ko lamang ay tulungan siya, bigyan ng pagkakataon na sumaya ulit. Lahat, lahat ng ginawa ko ay pawang kabutihan lamang. "Hindi, baka may ibang paraan Augustine. Lahat gagawin ko pero hindi dapat ganito" malungkot kong sabi kay Augustine. "Hindi ko alam Angel, ito lamang ang nakikitang solusyon ng karamihan-.." hindi naitapos ni Augustine ang kaniyang sinasabi dahil pinutol ko ito. "Walang kaaya-aya ang iyong sinabi Augustine. Hindi maari't magiging solusyon ang pagpatay sa isang inosenteng tao" paglalaban ko sa kaniya.


"Mag-isip ka ng maigi Angel" sambit ni Augustine at biglang naglaho sa aking paningin dahil pumasok sa silid si Lloren. May dala-dala siyang pinggan na may lamang mga prutas at inilapag niya ito sa mesa. "May I talk to you for a while Angel?" tanong nito sabay upo sa couch. "Oo, sigeh" ani ko na tila hindi parin nawawala sa isipan ko ang pag-uusap namin ni Augustine. "I noticed that you and Jastine were a bit too close to each other. I'm well-informed that you and Jastine are cousins pero I just want to make sure..." bago niya pinatuloy ang kaniyang pagsasalita ay tumingin muna siya sa akin. "Are you really cousins? Wala bang namamagitan sa inyo ni Jastine?" tanong niya sa akin.



Mahina akong umiling at matamlay na ngumiti. "Tama ka Lloren, magcousin lang kami ni Jastine" sambit ko na nagpangiti sa kaniya. "Well you said that, so I don't have to worry about his intimate actions towards you right?" tumango tango lamang ako sabay mahinang tumawa kay Lloren. "Thank you for your time at sa pagsagot sa mga tanong ko. Labas muna ako" ani niya sabay labas mula sa aking silid. Nagbuntong hininga lang ako sabay tingin sa bintana. Why am I feeling this way? Hinawakan ko ang dibdib ko at naramdaman ko ang pagtibok ng puso ko. Nagiging tao na talaga ako at dahil iyon sa pagsagip ko sa buhay ni Jastine ng ilang beses.



Sumapit ang hapon at napagdesisyunan na nila at ni Jastine na mag discharge kami sa hospital. Okay naman si Jastine at kailangan lang palit-palitan ang bandage ng kaniyang sugat at ako naman, okay lang kahit hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Nakasakay kaming lahat sa van ni Paulo. Lumingon-lingon ako dahil hinahanap ko si Angel 1212 pero hindi ko siya nakikita. Tanging si Augustine lamang ang napapansin kong nakasunod sa amin simula noong nadischarge kami sa hospital hanggang sa marating namin ang bahay nina Jastine.



Pinapahinga nila si Jastine sa couch habang ako naman ay inaalalayan ni Paulo. Dumating ang lola ni Jastine at napagdesisyunan niya na dumito muna hanggang sa gumaling ang kaniyang apo. Kumain muna kaming lahat ng dinner at pagkatapos noon ay nagpaalam na ang lahat upang magsiuwian sa kanilang mga bahay. Naiwan kami ni Jastine sa couch at tahimik lamang kami. Kasalukuyang naghuhugas ng pinggan ang kaniyang lola kay kaming lamang dalawa ang naiwang nakaupo sa couch.



"Jastine, gusto ko lamang manghingi ng tawad sa nangyari" umiling si Jastine at mahinang ngumiti sa akin. "Don't be sorry, it's not your fault" sagot niya para naman ma comfort ako. "Pero hindi ka madidisgrasya kung hindi ako umalis at hindi ka sumunod sa akin sa gubat" dagdag ko sa kaniya. "It's purely an accident Angel, it is also my choice to go into the woods and save you from that animal. Kaya, don't blame yourself about the accident" sagot niya sabay ngiti sa akin. Lumabas sa kusina ang lola niya at umupo sa couch. Tumingin siya sa aming dalawa.



"She's still living with you apo" ani nito sabay tingin sa akin. Napayuko ako dahil sa nahihiya ako sa lola ni Jastine at tsaka nararamdaman ko na ako talaga ang may kasalanan sa nangyari. "Yes lola, she's doing great here and —.." hindi ko pinatapos sa pagsasalita si Jastine. "Huwag po kayong mag-alala lola dahil aalis po ako dito kapag nakahanap po ako kaagad ng matitirhan" sabi ko sa kaniyang lola at ito naman ay ngumiti. "Are you really sure nothing is going on between you two? Baka you are living together and I don't know about that" namula ang pisngi ko sa sinabi ng lola ni Jastine. "Hindi po, hindi po iyon" natataranta kong sagot kaya napatawa ang kaniyang lola.



"You know Angel, Jastine's been doing great ever since you came here. The house became so bright and lively at nakikita ko rin na tumatawa na si Jastine. He's going out too often and I'm so happy for that" mahina akong napatingin kay Jastine. Oo, aaminin ko na marami na ang nagbago kay Jastine kumpara noon. Lumalabas na siya ng kwarto at laging tumatambay sa labas ng bahay. He even do cooking at kumakain na siya ng maayos compared noon na hindi manlang siya lumalabas sa kaniyang silid at magdamag na umiiyak sa loob. Pinahid ng lola ni Jastine ang mga luha sa kaniyang pisngi. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa kamay, "Dito ka lang muna, stay with Jastine" ani nito na tila nakikiusap sa akin.



Hindi ako nakasagot kaagad dahil naaalala ko ang sinabi ni Augustine kanina sa hospital. Ako ang magiging dahilan ng kamatayan ni Jastine. Napatingin ako kay Jastine, buong buhay ko ay binabantayan ko si Jastine. Lahat ginagawa ko upang magiging ligtas at masaya siya pero ngayon kailangan kong pumili. Ang isalba ang mundo ng mga taga-bantay at patayin si Jastine o isalba si Jastine at hahayaang mawasak ang mundo namin. Mahina akong tumango bilang sagot sa sinabi ng lola ni Jastine. Ngumiti ito sa akin at binitawan ng mahina ang aking kamay.


Tumunog ang kaniyang phone kaya kinuha niya kaagad ito sa kaniyang bag at sinagot ang tawag. Natahimik muli ang living room. "Angel, about what happened in the camp..." napatingin ako kay Jastine and he is seriously looking at me. "Hmmm.." I shortly replied. "About Lloren and I, I just wanted to clear..." hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita kasi hanggang ngayon kumikirot pa rin ang puso ko dahil sa pangyayaring iyon. "Wag kang mag-alala Jastine, nag-usap kami ni Lloren at sinabi ko sa kaniya na magcousin lang tayo. Kaya wala kayong dapat ikabahala" natahimik si Jastine sa sinabi ko.



"Siguro mas mabuting magpahinga muna tayo" ani ko sa kaniya sabay alis sa living room. Mahina akong umakyat papuntang second floor at iniwan si Jastine na nakaupo sa couch. Binuksan ko ang pintuan ng silid ko at pumasok doon. Agad kong isinarado ito at humiga ako sa kama. Biglang may tumulong mainit na tubig sa aking pisngi at mahina ko itong pinahid. Anong gagawin ko? Ani ko sa sarili ko na sobrang naguguluhan.



"Alam kong mabuti ka" sambit ko na tila nakikiusap sa kataas-taasan. "Pero bakit sobrang lupit  ng kaparusahan na binigay mo sa akin" dagdag ko habang patuloy na lumuluha. "Wala akong nagawang masama, hindi masama ang magsagip ng buhay ng tao. Hindi kita maiintindihan" ani ko habang humahagulgol sa pag-iyak.

The Girl Who Came From AboveWhere stories live. Discover now