Napatigil ako sa paghila kay Augustin ng huminto ito sa paglalakad. "Anong kailangan mo Roro?" tanong nito sa akin. "Augustin, pwede bang mahiram ang bola mong krystal? Gusto ko sanang tingnan ang kalagayan ng alaga ko. Nag-aalala ako" sabi ko sa kaniya. Napatingin siya sa akin ng diretso at hinawakan ako sa balikat. "Roro, sinabi ko na sayo na hindi tayo dapat makipag-ugnayan sa mga tao sapagkat--" hindi naipatuloy ni Augustin ang kaniyang sinasabi dahil agad akong nagsalita. "Hindi naman siguro labag sa palatuntunan ang paggamit ng bolang krystal upang tingnan ang kalagayan ng alaga ko" sambit ko sa kaniya na tila kinukumbensi siya na payagan ako na gamitin ang kaniyang krystal.
Napabuntong hininga si Augustin at agad na nagsalita, "Halika, sumama ka sa akin" sabi nito kaya agad na akong sumunod sa kaniya. Pumunta kami ni Augustin sa kaniyang tree house na kung saan doon niya inilagay ang kaniyang bolang krystal. Ang mga officials kasi ay may espesyal na krystal na kung saan kayang ipakita nito ang mga nangyayari sa mundo ng tao. Ginagamit ito ng mga official upang bantayan ang mga taga-bantay kung ito ba ay tumutupad sa utos ng kataas-taasan at ito ang paraan upang malaman nila kung ang isang taga-bantay ay gumagawa ng bagay na labag sa palatuntunan.
"Umupo ka dito roro" sabi niya sa akin sabay hila ng maliit na upuan katabi ng bolang krystal. Kumuha din siya ng isa pang upuan at tumabi sa akin. Hinawakan niya ang krystal at agad itong lumiwanag. "Sabihin mo kung ano ang gusto mo" ani niya sabay tingin sa akin. Agad naman akong pumikit at nagsalita, "Gusto kong makita ang kalagayan ni Jastine ngayon" sambit ko at agad na ibinuka ang aking mga mata. Nag-iba ang kulay ng krystal at agad itong nagpakita ng isang lalaki na kasalukuyang nakahiga sa kama.
Maraming nakakabit na machine sa kaniyang katawan at kasalukuyan siyang binabantayan ng Lola niya at mga kaibigan niya. Maraming bandages ang kaniyang braso at mukha at may parte siyang nasunog sa kaniyang paa. Dahil sa sobrang awa sa aking alaga, hinawakan ko ang krystal at agad naman nag-iba ang kulay nito. Kinuha kaagad ni Augustin ang aking kamay at inilayo sa bolang krystal. "Anong ginawa mo roro?" tanong niya sa akin at tila nagulat sa pag-iba ng kulay ng krystal.
"Hindi ko alam" gulat ko ding sagot at napatayo si Augustin dahil dito. "Dahil sa natupad ko na ang pabor mo roro, maaari ka ng bumalik sa iyong silid" ani nito na tila gulat parin sa nangyaring pag-iba ng kulay ng krystal. Sapagkat ang mga officials lang ang may kakayahang magpaiba ng kulay ng krystal, nagulat siya ng hinawakan ko ito at nag-iba ang kulay. "Maraming salamat Augustin" sambit ko sa kaniya ng nakangiti. Agad akong lumipad paalis ng tree house ni Augustin.
Bumalik ako sa silid at doon nakita ko si Annie na nakaupo. Agad niya akong sinalubong pagdating ko. "Saan ka nanggaling Angel 0226?" tanong niya sabay himas ng aking mga pakpak. "Pumunta ako kay Augustin at humingi ng pabor" sagot ko dito sabay upo. "Anong pabor naman ito?" dagdag niyang tanong sa akin at tumabi ito sa akin sa pag-upo. "Gusto ko lang makita ang kalagayan ng alaga ko kaya humingi ako sa kaniya ng pabor na pwede ko bang makita sa kaniyang bolang krystal ang kalagayan ni Jastine kahit saglit lang" pagkukuwento ko kay Annie. Ngumiti lang sa akin si Annie at hinawakan ako sa kamay.
"Naiintidihan kita sapagkat nature natin na maging mabuti at maaalahanin sa ating mga binabantayan. Ngunit tandaan mo Roro, hindi sa lahat ng panahon kontrolado natin lahat ng bagay na nakatadhana ng mangyari sa mga tao. Oo, tungkulin nating protektahan sila pero hindi sa lahat ng pagkakataon" mahinahong sabi nito sa akin. Tumayo ito at kumuha ng suklay mula sa isang gintong kahon at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang mahaba kong buhok at unti-unti niya itong sinusuklay.
Si Annie ang tumatayong ina sa lahat ng mga taga-bantay dito, at siya rin ang taga-ayos ng lugar na ito. Inaalagaan niya kami simula pa noong una pa kaming dumating dito hangga't sa unang pagbukas ng aming mga pakpak at maging ganap na taga-bantay. "Annie, may tanong ako sa iyo" mahina kog sabi sa kaniya. Ngumiti ito sa akin at nagsalita. "Ano iyon Roro?" ani niya. Nagdadalawang-isip man ako sa aking tanong pero naglakas loob akong magtanong sa kaniya.
YOU ARE READING
The Girl Who Came From Above
RandomGuardian Angels are entities that exist in a space beyond humans' domain. They have the duty to protect humans from imminence until life will be retrieved from them. This story revolves around an angel who sacrifices herself to rescue a suicidal hum...