Bumitaw si Jastine mula sa pagkakahawak sa aking kamay. Binuksan niya ang pintuan ng nurse's clinic at nagsalita, "Hello, is someone in here?" pero walang sinuman ang sumagot. Binuksan niya ng tuluyan ang pintuan at hinawakan ulit ako sa kamay at hinila paloob ng clinic.
Lumapit kami sa isang kama. Hinawi niya ang kurtina at mahina akong pinaupo doon. "I'll find something to cover you up" sabi niya sabay tingin sa aking mga mata. "Just stay here" he said at agad siyang naglakad palabas ng nurse's clinic. Nakaupo lang ako sa kama habang iniikot-ikot ang paningin ko sa loob ng clinic. Bumukas ang pintuan kaya agad akong napatingin doon pero biglang namatay ang mga ilaw sa loob ng clinic.
"Jastine?" hindi siya tumugon sa tawag ko. Napatayo ako sa kama at pilit inaaninag ang silid pero wala akong masyadong makita. Narinig ko na inilock niya ang silid at mahina siyang naglakad papunta sa direksiyon ko. "Jastine..." napatigil ako sa paglakad ng may biglang nag-on ng kaniyang flashlight sa gitna ng silid. Naaninag ko ang kaniyang hulma ng katawan.
Hindi ito si Jastine.
"Anong.... anong kailangan mo?" nauutal kong tanong sa kaniya. "To finish some business" sabi niya at agad kong nakilala ang tinig niya.
"Ll-loren.. anong... anong ginagawa mo dito" sambit ko at mahina siyang lumapit sa akin. Ngumiti siya at agad na kumuha ng patalim galing sa kaniyang shoulder bag. "Back then, everyone said I'm crazy.... dahil hindi sila naniwala sa sinabi ko..." Nilalaro-laro niya ang patalim sa kaniyang kamay habang naglalakad papalapit sa direksiyon ko. Humakbang ako paatras dahil nagsimula na akong matakot sa kaniya.
"I'm here to gather a solid proof na hindi ka kagaya namin. I need to show them... lalo na si Jastine na isa kang halimaw" ngumiti siya ng nakakatakot at mabilis na tumakbo sa direksiyon ko. Umilag ako sa kaniya. Umakyat ako sa kama at tumalon sa kanilang side nito. "Lloren... ibaba mo yan..." mahina kong sabi sa kaniya. Tumawa lang ito ng malakas at agad na tumalon sa kama at hinawakan ako sa aking damit.
Hinila niya ako palapit sa kaniya pero nagpupumiglas ako. Pilit niyang inaabot ang kamay ko pero agad naman akong nakaalis mula sa kaniyang pagkahawak. Tumalon siya sa kabilang side ng kama at hinabol ako. Tumakbo ako pero mabilis siyang nakahabol sa akin. Akma na sana niyang itutusok ang patalim sa aking likuran pero agad kong nahila ang unan at nasangga ito sa patalim.
"Kainis!" sambit niya sabay hila ng patalim at itinulak niya ang unan palayo. Tumakbo ako papunta ng pintuan at akma itong bubuksan pero hindi ko manlang ito nabuksan. Tumakbo siya sa direksiyon ko kaya agad naman akong umilag at tumakbo pero nahawakan niya ang binti ko kaya napadapa ako sa sahig. Tumawa siya dahil sa pagkakataong ito, nahawakan niya ako ng mahigpit at alam niyang hindi na ako basta-bastang makakawala sa kaniya.
"I gotcha" sabi niya sabay tawa ng malakas. Mahina siyang gumapang sa akin. Nanginginig ako dahil hindi ko alam kong anong pwede niyang gawin sa akin. "Augustine, tulungan mo ako" tangi kong sambit at tumawa siya ng marinig niya iyon. "It's funny, you're mentioning another man's name while you're on the brink of your death" sambit niya sabay hawak sa akin ng mahigpit. Kumuha siya ng panali at itinali niya ang mga kamay ko at paa.
Nakita ko si Augustine na nakatayo sa likuran ni Lloren. Nakikiusap ako sa kaniya gamit ang aking mga mata pero mahina lamang siyang umiling. "Binabantaan na kita noon pa man Angel. Kung hindi si Jastine ang mamatay, ikaw ang mamatay at kailanman, hinding-hindi kana makakabalik sa mundo ng mga taga-bantay" hindi ko alam pero bigla na lamang tumulo ang luha sa aking mga mata.
Tumawa si Lloren dahil sa nakita niya. Sobrang saya niya na nakita niya akong nasasaktan. "Natatakot ba kita Angel?" sabi niya sabay angat ng patalim at nilalaro niya ito sa aking pisngi. Sa totoo lang, hindi ako natatakot sa patalim o sa kung anong mangyayari sa akin. Natatakot ako na baka kapag mawawala na ako sa mundo, wala ng sinuman ang proprotekta kay Jastine.
"Alam mo, naiinis ako sa pagmumukha mo" at mahina niyang itinusok ang patalim sa aking mukha at gumawa siya ng malaking sugat dito. Nakaramdam ako ng sakit ng ginawa niya iyon. May tumulong dugo mula dito kaya agad niyang kinuha ang kaniyang cellphone at itinutok ito sa akin. "Pagalingin muna ang sugat mo" ani nito na tila naaaliw sa munting palabas.
Hinawakan niya ito at napaiwas ako dahil sa hapdi at sakit. "I told you to heal it, naririnig mo ba ako?" sambit niya and hindi ko man control, biglang gumaling ang sugat sa mukha ko. Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya iyon. "This is it, this is what I wanted to see" sabi niya habang patuloy na nagvideo ng nakita niya. Pilit akong nagpupumiglas pero sobrang higpit ng pagkatali niya at hindi ko manlang magawang magalaw ang katawan ko. "Finally! Mapapakita ko sa kanilang lahat na hindi ako baliw at hindi ako nagsisinungaling" sigaw nito na tuwang-tuwa sa nakuha niyang video.
"Now, let's see if kaya mong pagalingin ang sugat na ito" sabi niya sabay tusok ng patalim sa tagiliran ko. Napaluha ako sa sobrang diin ng pagtusok niya ng patalim. Ngumiti siya ng malapad habang mas diniinan pa ang pagtusok ng patalim. Umubo ako ng dugo at tumalsik ito sa mukha at damit ni Lloren. Tumayo siya at agad na pinahid ang dugo sa kaniyang mukha.
Jastine? Asan ka na? Kailangan kita.
Narinig kong kumalapag ang pintuan ng clinic. Napatingin si Lloren dito at agad naman nataranta. Agad niya akong tiningnan at tila nag-iisip kong ano ang gagawin niya sa akin pero biglang kumalabog ng malakas ang pintuan kaya agad siyang tumakbo palapit sa bintana at napatingin sa akin bago pa tumalon.
Tuluyan nang bumukas ang pintuan at agad na binuksan ni Jastine ang ilaw ng silid. Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya akong nakahandusay sa sahig. "Àngel..." sambit niya sabay takbo palapit sa akin. "J-Jastine... " mahina kong tugon habang patuloy na lumalabas sa bibig ko ang dugo. Nagsimula siyang umiyak at hindi niya alam kong saan niya ako hahawakan. Kinuha niya kaagad ang phone niya sa bulsa at may tinawagan.
"Hello, please, emergency at *******. I need you to hurry" nanginginig niyang sabi sa cellphone niya. Pumasok sa loob si Paulo at nagulat din siya sa nakita niya. Bumagsak sa sahig si Ken dahil sa gulat at si Paulo naman agad niyang tinawag ang nurse sa clinic. "Angel, p-please hold on... I already called some help" hinawakan ko ang kamay niya at mahinang umiling. "H-huwag na.... jas-" bago paman ako makapagsalita nakita ko ang aking mga kamay na unti-unting naglalaho.
Mas lalong lumaki ang mga mata ni Jastine at agad na hinawakan ako sa kamay pero hindi na niya ito magawa. Naglalaho na naglalaho ang aking mga kamay. "Angel... a-anong nangyayari?" sambit niya sabay hawak sa aking pisngi habang tumutulo ang kaniyang mga luha. "J-Jastine... masaya ako. Masaya ako na pinotrektahan kita hangga't sa makakaya ko" sabi ko sabay ngiti ko sa kaniya ng pinakamatamis na ngiti ko.
"Angel, please, don't make me nervous" ani nito na humahagulgol na sa iyak. Hindi makagalaw sina Harold, Ken, and Josh dahil sa nasaksihan nila. Hindi nila alam na isa akong anghel. "Jastine... gusto ko lang na maging masaya ka palagi. Tatandaan mo na kahit saan ka man dadalhin ng iyong mga paa, lagi kitang babantayan" ani ko sa kaniya.
"You're vanishing, it means you're coming back sa mundo niyo?" He innocently asked. Mahina akong tumango and this time, may mga luha nang dumadaloy sa aking mga pisngi. "Huwag kang mag-alala..." kahit hindi ko man gusto, pilit na pumipikit ang mga mata ko. Nauubusan na ako ng enerhiya at wala na akong kakayahan na pagalingin ang sarili ko.
"Angel, I love you"
Iyon ang mga huling salita na narinig ko mula sa kaniya at tuluyan na akong nakatulog.
YOU ARE READING
The Girl Who Came From Above
RandomGuardian Angels are entities that exist in a space beyond humans' domain. They have the duty to protect humans from imminence until life will be retrieved from them. This story revolves around an angel who sacrifices herself to rescue a suicidal hum...