CHAPTER 12: His Suffering

3 1 0
                                    





Umupo si Jastine sa couch kaya agad akong nagsalita, "I'm sorry Jastine at kailangan pa tayong mahuli ng Lola mo ng ganun" sabi ko sa kaniya. "Don't worry, at least I don't need to hide you anymore" agad naman niyang sambit sabay kuha ng card na inilagay niya kanina sa libro. "Hindi ko alam na dahil pala natatakot ka sa mga sasakyan kaya ayaw mong lumabas" sambit ko sa kaniya. Napahinto siya at tumingin sa akin. "I thought you were there always on my side?" tanong niya sa akin ng seryoso.








Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na ilang araw akong nawawala sa tabi niya dahil napunta ako sa mga lugar ng mga napinsala. Ayaw kong malaman niya na pinaparusahan ako dahil sa kaniya. Dahil sa sinagip ko siya noong araw na iyon. "Pasensiya Jastine, nawala sa isip ko" sabi ko sa kaniya. Mas mabuting sabihin ko sa kaniya na nakalimutan ko kaysa sabihin ko sa kaniya ang totoong dahilan. Yumuko lang siya at tiningnan ang card na binigay ni Paulo. Nararamdaman kong gusto din ni Jastine ang bumalik sa pag-aaral ngunit ang kaniyang takot sa mga sasakyan ang pumipigil sa kaniya.












Inilagay niya ang card sa libro ulit at ibinalik ang libro sa bookshelves. Tumungo siya sa hagdanan at umakyat papunta ng second floor. Nakatingin lang ako sa kaniya habang tinatahak niya ang hagdanan. Huwag kang mag-alala Jastine, tutulungan kita. Tutulungan kitang makapag-aral ulit. Tumayo ako sa aking pagkaupo at lumapit sa bookshelves, kinuha ko ang card sa libro at tiningnan ito. Presley University. Kailangan kong malaman kung saan nakatayo ang paaralan na ito. Isinilid ko sa bulsa ang card at lumabas ng bahay.











Naglakad ako papunta ng park at ng makasalubong ako ng babaeng nakauniform ay agad ko itong nilapitan. "Magandang araw sa iyo" huminto naman ang babae at ngumiti sa akin. "Magandang araw din, anong pakay natin?" tanong niya. Kinuha ko ang card at ipinakita ko ito sa kaniya. "Baka sakaling alam mo ang paaralan na ito" tiningnan niya ang card at ngumiti. "Iyan ang paaralan na pinapasukan ko" sabi niya na nagpangiti sa akin ng malapad. "Talaga? Mabuti naman. Puwede mo ba akong turuan kung paano makapunta doon?" tumango naman ang babae kaya agad akong sumunod sa kaniya.










"Malapit lang ang paaralan na iyan, isang sakay lang ng bus at mararating na natin iyan" ani niya. Masaya lang akong nakasunod sa kaniya. Mula sa park, lumakad kami papunta sa malapit na bus stop at doon hihintayin namin ang bus papunta ng school nila Paulo. Sakto namang may dumating kaagad na bus at sumakay kaming dalawa. Nagbayad siya sa driver at nang tumingin ito sa akin, nakalimutan ko na wala pala akong pera at akma na sana akong bababa ng bus ay agad naman niya akong hinawakan sa kamay at binayaran din ako ng pamasahe. "Dalawa po" sabi niya. Umupo kami sa upuan ng bus at agad naman akong nagsalita, "Pasensiya na at wala akong dalang pera, huwag kang mag-alala at babayaran kita" sabi ko sa babae at ngumiti lang ito.









"Huwag munang isipin iyon" sambit niya sabay ngiti sa akin ng malapad. Ngumiti din ako sa kaniya. Masaya ako at may mga taong handa pang tumulong sa kapwa. Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa kaniyang tabi, ito ang kaniyang taga-bantay. Lumingon sa akin ang lalaki at nagpanggap lang akong hindi ko siya nakikita. "Ano nga pala ang pangalan mo?" itinuro niya ang kaniyang name tag na nakasabit sa uniform. "Chloe" sambit ko sabay basa ng kaniyang pangalan. "Nice to meet you Chloe" sabi ko sabay abot ng kamay ko sa kaniya, tinanggap naman niya ito at hinintay ang aking pangalan. "Angel" sambit ko at napangiti ito.







Huminto ang bus sa harap ng isang napakalaking paaralan. Bumaba si Chloe ng bus at agad naman akong sumunod dito. Napamangha ako sa ganda ng paaralan. Ngayon lang ako nakapunta dito. "Ito ang Presley University, gusto mo bang pumasok?" tanong ni Chloe sa akin. Agad naman akong umiling. "Sa susunod nalang ako papasok sa loob. Maraming salamat talaga sa tulong mo Chloe" sabi ko sa kaniya sabay yakap sa kaniya. Yumakap naman siya pabalik sa akin. "No worries. Pano, kailangan ko pang humabol sa tutor class ko. Paalam sa iyo Angel at magkikita tayo ulit" sabi niya sabay habol ng paparating na bus. Kumaway ako sa kaniya at ngumiti. "Mag-ingat ka Chloe" sigaw ko sa kaniya.











Nilibot ko ang paaralan at sinaulo ang mga bagay na makikita ko sa loob. Sinaulo ko din ang mga daanan malapit sa school at agad naman akong naglakad pabalik ng bahay ni Jastine. Nagtanong tanong ako kung paano makabalik sa bahay at ilang routa din ang tinahak ko dahil sa gusto kong makahanap ng daan na malapit at walang masyadong sasakyan na dumadaan. Alas 6 na ng gabi ng makauwi ako sa bahay at nakita ko si Jastine na kasalukuyang nakaupo sa couch. Nang makita niya akong pumasok, agad naman siyang tumayo at lumapit sa akin. "Where have you been?" tanong niya sa akin. Ngumiti lang ako sa kaniya habang hinahabol ang hininga ko.











"May nahanap akong routa papunta sa paaralan mo na walang sasakyan na dumadaan" masaya kong sambit sa kaniya. Nanlaki ang mga mata niya ng marinig niya iyon galing sa akin. "Ibig mong sabihin, pumunta ka sa school and examine all the roads there?" tanong niya kaya agad akong tumango sa kaniya. Hindi siya nakaimik kaya nagsalita ako ulit, "Tutulungan kitang makapasok sa paaralan Jastine. Tutulungan kitang bumalik ka sa dati" sambit ko sa kaniya. Mahina niyang itinaas ang kaniyang kamay at hinawakan ako sa mukha.











Dahan-dahan niyang pinahid ang mga pawis na dumadaloy sa aking mukha. "You should wipe yourself first. Ang dumi-dumi ng mukha mo" sabi niya sabay lakad papunta sa comfort room. Kumuha siya doon ng tuwalya at inihagis ito sa akin. Tumama naman ang tuwalya sa mukha ko kaya narinig ko siyang tumawa. Agad kong kinuha ang tuwalya at tumakbo papalapit sa kaniya. "Narinig kitang tumawa" sambit ko kaya napahinto si Jastine at tumingin sa akin ng seryoso.










"You're just hallucinating" sabi niya sabay handa ng hapagkainan. Nakatingin lang ako sa kaniya habang ginagawa niya ito. Gagawin ko ang lahat upang bumalik ka sa dati Jastine.

The Girl Who Came From AboveWhere stories live. Discover now