Inimulat ko ang aking mga mata at inilibot ang aking paningin sa paligid. Lahat ng nakikita ko ay puro kadiliman. Nakarinig ako ng mga sigawan at pag-iyak at sa puntong ito, nakaramdam ako ng matinding sakit at kalungkutan. "Nasaan ako?" tanong ko sa aking sarili. Mahina akong tumayo at pilit ibinabalansi ang aking katawan pero nadapa lang ulit ako sa sahig. At sa puntong ito naramdaman ko na may kulang sa akin, may parte sa akin na nawawala.
Unti-unti akong lumingon sa aking likuran at doon ko napagtantuhan na wala na ang aking mga pakpak. Hindi ko alam at bigla akong nakaramdam ng sobrang sakit at paghihinayang. Hinawakan ko ang aking likuran at ang mararamdaman ko lamang ay ang putol kong pakpak na nagpapahina sa buo kong katawan. Sa gitna ng aking pag-iiyak ay nakarinig ako ng mga yapak.
Nang huminto ang mga yapak ay nakita ko si Annie, Michael, at Augustin na nakatayo sa labas ng rehas habang nakatingin sa kasalukuyan kong sitwasyon. Mahina kong itinaas ang aking ulo at tumingin ng diretso sa kanila. Napahawak sa bibig si Annie ng makita niya ang kalagayan ko. "Kaawa-awa ka naman anak" sambit nito na pilit inaabot ang kaniyang kamay sa akin. Napatingin ako kay Michael at nakayuko lang ito. Lumapit sa akin si Augustin at agad na nagsalita, "Ilang beses na kitang sinabihan Roro, pero hindi ka kailanman nakikinig sa aking mga sinasabi. Ngayon, dahil nandito kana sa lugar ng mga napinsala ay hindi na kita matutulungan" ani nito sabay lakad palayo sa akin. Biglang may ingay na nangingibabaw sa loob ng riles kaya umalis na sina Michael, Annie at Augustin.
Napayuko na lamang ako sapagkat nakaramdam ako ng sobrang pagkawalan ng pag-asa. Hindi naman ako nagsisi sapagkat nasagip ko si Jastine mula sa kaniyang kamatayan ngunit sa lugar na ito pilit pinaparamdam sa akin na naging mali ang aking desisyon. Mahina kong iniangat ang aking ulo at sumigaw sa kataas-taasan. "Bakit ang pagsagip sa mga tao ay nagiging mali? Akala ko katungkulan natin na proteksiyonan sila ngunit ang pagsalba ng kanilang buhay ay mali at kami ay pinaparusahan" sigaw ko sabay ramdam ng sobrang sakit mula sa aking na putol na mga pakpak.
"Hindi ko maiintindihan kung saan ito nagiging mali--" napatigil ako sa pagsisigaw ng biglang kumulog at kumidlat ng napakalakas. Napayakap ako sa aking sarili at ibinaon ko ang aking ulo sa aking mga tuhod. "Huwag mong questionin ang kataas-taasan sapagkat itoy kalapastangan sa kanila" ani ng isang tinig mula sa kabilang kulungan. Gumapang ako palapit ng dingding at inilapit ang aking mga tenga dito. "Matagal na po ba kayo dito? Paano po kayo napunta sa lugar na ito?" tanong ko sa kaniya habang namimilipit parin sa sobrang sakit ng aking katawan. "Kung sino man ang mapupunta dito ay kailanma'y hindi na makaaalis" biglang kumulog at kumidlat ng malakas kaya napalayo ako sa dingding at napayakap sa aking sarili.
Kahit nahihirapan, mahina kong iniangat ang aking sarili upang makatayo. Dahan-dahan akong humakbang palapit sa rihas at hinawakan ito ng mahigpit. Ang kulay puti kong damit ay namamantsahan na ng kalawang. "Kung sino man ang namumuno sa kataas-taasan ako ay may taos-pusong katanungan, para sa akin hindi naging makatarungan ang parusang pinakaloob sa amin--" biglang tumama ang kidlat sa rehas ng aking selda kaya napadapa ako sa sahig. Naramdaman ko ang init at elektrisidad na dumadaloy sa aking kalamnan ng matamaan ako ng kidlat. Hindi nawalan ng pag-asa, sa ikalawang pagkakataon ay tumayo ako at humakbang ng humakbang hanggang sa mahawakan ko ulit ang rehas na bakal.
Akma na sana akong sisigaw ng may isang napakatandang babae ang lumipad papunta sa direksiyon ko. Kulay puti ang kaniyang mga buhok at ang kaniyang suot naman ay kumikinang at kulay ginto. Huminto ito at lumapag sa harap ng rehas na bakal at agad na nagsalita, "Sapagkat lumabag ka sa palatuntunan ng mga taga-bantay, ikaw ay karapat-dapat na parusahan. Una, sa paggamit ng iyong mahika sa kapwa mo taga-bantay ay mahigit na ipinagbabawal at pangalawa ang pagbago at pakikialam sa natural na daloy ng buhay at kamatayan, ikaw ay hinahatulan ng walang hanggang pagkakulong at kailanma'y hindi na mabibigyan ng pagkakataon na magiging taga-bantay" sambit nito sa akin sabay tiklop ng dala-dala niyang lumang scroll. Nanlaki ang mga mata ko at napaupo ako sa sahig dahil sa gulat.
YOU ARE READING
The Girl Who Came From Above
RandomGuardian Angels are entities that exist in a space beyond humans' domain. They have the duty to protect humans from imminence until life will be retrieved from them. This story revolves around an angel who sacrifices herself to rescue a suicidal hum...