CHAPTER 10: Weird Feelings

4 1 0
                                    



Mabilis kong isinarado ang pintuan ng silid at napaupo sa kama. Hinawakan ko ang aking dibdib at nakaramdam ng kakaibang paggalaw ng aking mga kalamnan. Anong nangyayari sa akin? Hinawakan ko ang aking pisngi at nakaramdam ako ng kaunting pag-init nito. Tumayo ako  binuksan ang bintana, umuulan ng malakas kaya malamig ang simoy ng hangin. Huminga ako ng malalim at pinapahinga ang aking sarili sa mga pangyayari kanina.

Biglang pumasok sa aking isipan ang katanungan ni Jastine kanina. Sabi niya, naaalala niyang may babaeng sumagip sa kaniya mula sa pagkakabangga. Ibig sabihin noong araw na iyon ay nakikita niya ako. Pero napakaimposible sapagkat hindi maaring makikita ng mga mata ng tao ang isang taga-bantay. Isinarado ko ang bintana at umupo ulit sa kama. "Una sa lahat, ang pagiging tao ko ay hindi ko maipaliwanag kung bakit nangyayari ito, pangalawa, hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit ako pinadala dito sa mundo ng mga tao, ito ba ay ang kaparusahan sa mga paglabag ko? At pangatlo, yung araw na iyon, hindi ko maipaliwanag kung bakit nakikita ako ni Jastine" tumahimik ang paligid ng huminto ako sa pagsasalita.



Agad kong sinabunutan ang aking sarili at humiga sa kama. "Wala namang makakasagot sa aking mga katanungan" sambit ko sabay sabunot ulit sa aking buhok. Bigla akong napatigil sa pagsabunot sa aking buhok ng maalala ko na kailangan ko pang magtrabaho bukas. Inayos ko ang aking kama at humiga dito ng maayos. Ano kaya ang mangyayari sa akin dito? Maya't maya nararamdaman kong pumipikit na ang aking mga mata at ako'y tuluyang nakatulog.
































-----





















Inimulat ko ang aking mga mata at dahan-dahan na bumangon sa kama. Agad akong naglinis ng katawan at nagbihis ng damit at lumabas kaagad ng silid. Pagbaba ko sa kusina, nakita ko kaagad si Jastine na nakaupo doon at nagbabasa ng libro. Napatingin siya sa akin at nagulat ako ng puyat na puyat ang kaniyang mukha. May nakahanda na din na pagkain sa mesa kaya agad kong napagtantuhan na hindi nakatulog si Jastine kagabi. "Hindi ka ba nakatulog?" tanong ko sa kaniya. Tiniklop niya ang libro at kumuha ng chips sa tabi niya.


"I can't sleep most of the times" he said at bumalik ulit sa pagbabasa ng libro. Hinila ko ang upuan sa tabi niya at umupo dito. Nagsimula na akong kumain ng bigla siyang nagsalita, "Are you going to Paulo?" tanong niya. Nilunok ko ang pagkain at sumagot sa kaniya, "Oo, kailangan ko kasing magtrabaho" sabi ko sa kaniya. Tumango lang siya at inilipat sa kabilang page ang librong binabasa niya. "You should, you need to earn a house" sabi niya sabay nguya ng chips na kinakain niya.



Nagpatuloy lang ako sa pagkain at hindi ko namalayan na unti-unting bumabagsak ang ulo ni Jastine sa mesa. Nang mapansin ko, agad kong hinawakan ang kaniyang ulo at dahan-dahan na inilapag ito sa mesa. Napangiti ako dahil sa nakatulog ito mismo habang ako ay kumakain. Tinapos ko ang pagkain at nang maubos ko ang inihanda ni Jastine para sa akin ay agad kong itinulak ang upuan at agad na tumayo. Akma na sana akong lalakad ng maramdaman ko ang kamay ni Jastine sa aking damit. "Don't leave me" bulong niya habang natutulog pa rin sa mesa.




Umupo lang ako sa kaniyang tabi at minamasdan siyang natutulog. Dahan-dahan kong hinawakan ang kaniyang buhok at mahinang hinihimas ito. Hindi ko akalain na mahahawakan ko si Jastine. Noon, gustong-gusto kong hawakan ang kaniyang mga kamay at sabihin sa kaniya na hindi siya nag-iisa. Noong mga araw na sobra siyang nahihirapan, gusto kong maramdaman niyang nandito ako lagi para sa kaniya. Nang bumitaw na ang pagkahawak niya sa aking damit ay tumayo ako at hinugasan ang mga pinggan. Pagkatapos kong hugasan ito ay inilagay ko ito sa kabinet at kumuha ako ng isang libro at bumalik sa tabi ni Jastine.



The Girl Who Came From AboveWhere stories live. Discover now