Narinig ko ang busina ng sasakyan ni Paulo sa labas kaya agad akong tumakbo sa second floor upang gisingin si Jastine. Late na siyang umuwi kagabi kaya ang tagal niyang nagising. Pagpasok ko ng silid niya ay nakita ko siyang nakita na nagsusuot ng polo shirt uniform niya kaya agad akong tumalikod dahil sa kalahati palang sa kaniyang uniform ang naisarado niya. "Why are you not knocking" sambit niya sabay dali-daling tinapos ang pagsuot ng uniform.
"I'm sorry, akala ko tulog ka pa. Nasa labas na sina Paulo, naghihintay" agad akong bumaba at kinuha ang bag ko sa sala. Sumunod naman kaagad si Jastine. Binuksan niya ang pintuan kaya agad na kaming lumabas. Nakita ko si Paulo na nakangiti kaya agad akong ngumiti pabalik sa kaniya. Nang buksan na sana ni Jastine ang pintuan ng sasakyan sa likuran ay nagulat siya ng biglang bumaba ang bintana ng sasakyan at bumungad sa amin si Lloren. Nakangiti siya kay Jastine. Agad naman nawala ang ngiti sa aking mukha ng makita si Lloren sa sasakyan ni Paulo. "Hop in!" maligayang sambit ni Lloren kay Jastine.
Binuksan ni Jastine ang sasakyan at sakto namang binuksan ni Paulo ang pintuan sa may front seat. "You can seat here" magkasabay sila ni Paulo at Jastine sa pagsasalita. "It's okay Paulo, she can sit with us" ani ni Jastine habang tinuturo ang backseat kasama si Lloren. "She can sit here bro, baka masikip na sa likuran" ani ni Paulo. "No, she might be an inconvenience in driving, she can sit here at the back" sambit naman ni Jastine sabay hawak sa aking kamay pero agad naman nagsalita si Paulo. "It's okay she can sit with me" salita ni Paulo.
"What's going on?" tanong ni Lloren na tila nagtataka sa ginagawa nilang dalawa. Mahina kong binawi ang aking kamay mula sa pagkahawak ni Jastine at nagsalita, "Tatabi ako kay Paulo" mahina akong lumakad papuntang front seat at umupo sa tabi ni Paulo. Paulo closes the door and gently put my seat belt. Hindi na umimik si Jastine at umupo ito sa backseat.
Habang papunta kami sa school, ang boses ni Lloren lang ang nakikinig namin dahil sa nagkukuwento siya ng mga bagay-bagay na nangyari sa kanila noon ni Jastine, Paulo at ng mga kaibigan nito. Nang makarating na kami sa school, pinagbuksan ng pintuan ni Jastine si Lloren at masayang lumabas naman ito si Lloren sa sasakyan. Bubuksan na sana ni Jastine ang pintuan sa front seat pero inunahan ko na siya. Pinagbuksan ko na ang sarili ko at lumabas ako ng sasakyan.
Naglakad kami papunta ng classroom, as usual nagkaroon kami ng discussion pero hindi ako nakikinig. Hindi ko naman kailangan maging top sa class dahil dadating din ang araw na lisanin ko ang mga mundo ng tao. Pagkatapos ng klasi, nagpaalam ako sa kanila na pupunta ako ng comfort room, hindi sa kailangan kong gumamit nito pero kailangan ko munang mapag-isa. Tinangay ako ng mga paa ko sa likuran ng school, may maliit na harden at mga punong-kahoy at doon umupo ako at nagpahangin.
Nakaramdam ako ng malakas na simoy ng hangin kaya agad kong idinilat ang aking mga mata mula sa pagkapikit at tiningnan kung sino ang sumusunod sa akin. Bumungad kaagad sa akin si Angel 1212 na nakangiti. Ngumiti ako pabalik sa kaniya kaya umupo siya sa tabi ko. Ilang beses na kaming nagkikita pero pilit kong hindi siya pansinin o kinakausap. "Hindi ka ba natakot sa pag-amin mo kay Paulo?" tanong niya sa akin. Mahina akong umiling. "Alam kong mabuting tao si Paulo at hindi niya ako ipapahamak" sambit ko at ngumiti naman si Angel 1212 sa akin. "Sigurado akong mabuting tao si Paulo, alaga ko iyon eh" ani nito na tila proud na proud kay Paulo. "Hindi na ba nagiging pasaway si Paulo sayo?" umiling siya. "Alam mo sobrang malaki ang pagbabago ni Paulo simula noong naging magkaibigan kayo" ani nito.
"Mabuti naman kung ganun-" hindi ako nakapagpatuloy sa pagsasalita ng biglang hinawakan ni Angel 1212 ang aking mukha at tiningnan akong mabuti. Umiwas ako ng tingin sa kaniya. "Parang... napapansin ko... na napakahimlay ng mukha mo. Nababawasan ba din ang energy mo kapag naging pasaway si Jastine?" agad kong inilayo ang aking mukha kay Angel 1212. "Anong pinagsasabi mo, hindi naman ako mahimlay" ani ko.
"Anong gagawin mo ngayon?" tanong niya sa akin at agad na bumalik sa kaniyang pagkaupo. "Hindi ko pa alam, wala pa akong maisip na paraan kung paano ako babalik sa mundo natin-" hindi ako pinagpatuloy ni Angel 1212 sa pagsasalita ng magsalita ito ulit, "Ibig kong sabihin, ano ang gagawin mo kay Lloren" napatingin ako sa kaniya at nagtama naman ang aming mga mata. "Anong ibig mong sabihin?" nagbuntong hininga siya at tumingala sa langit.
"Alam mong sobrang nasasaktan si Jastine noon dahil kay Lloren, at ngayon, bumalik na siya at may plano siyang makipagbalikan kay Jastine" ani nito. "Kung magiging masaya si Jastine, tutulungan ko siya at susuportahan" sagot ko kay Angel 1212. "Kahit nagsisinungaling si Lloren kay Jastine?" dagdag nito na nagpagulat sa akin. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kaniya. Tumayo si Angel 1212 at ngumiti sa akin. "Malalaman mo mamaya" at agad itong naglaho sa aking harapan na parang bula.
"Angel.." sambit ko pero tuluyan na itong naglaho. Nagsisinungaling si Lloren? Anong ibig niyang sabihin? Bigla akong napatayo ng makita ko si Jastine na nakatayo malapit sa akin. "What are you doing here?" sabi nito. "Nagpapahangin" tipid kong sagot at bumalik sa pagkakaupo. "I know you're not in the comfort room" sabi niya at umupo sa tabi ko. "Ikaw, anong ginagawa mo dito?" tumingin siya sa akin at dahan-dahan na kinuha ang dahon na nahulog sa aking buhok. "I look for you, Paulo keeps saying na hanapin ka" tumahimik lang ako at iniba ang atensiyon ko.
"Angel, what do you think about Lloren?" he suddenly asked. Lumingon ako sa kaniya at nagtama ang aming mga mata. "Anong ibig mong sabihin?" hinawakan niya ang kaniyang buhok at nilalaro ito. "I know you alam mo ang tungkol sa amin at kung ano ang nangyari sa amin noon. We talked about it yesterday and she want us to start over again. I mean, I'm still thinking and not sure about this kaya I asked you, what do you think about Lloren" I slowly smiled at him at nagsalita. "Ang pinakaimportante para sa akin Jastine ay kung saan ka masaya"
Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng sakit sa aking puso na hindi ko malaman kung saan at kung bakit. I slightly raise my hand at hinawakan ko ang aking dibdib. "I'm happy to see her again. I'm happy that she's back" mas lalong sumakit ang dibdib ko at hindi ako makapagsalita. I keep acting as if I am okay upang hindi mahalata ni Jastine na may nararamdaman akong bago sa aking katawan. "Alam mo Angel, yesterday when we go outside together, hindi ko alam kong bakit pero hindi na ako natatakot. It feels like I overcome my trauma" he said happily.
Unang-una gusto ni Jastine na kasama ko siyang mag-aral sa Presley kasi kailangan niya ako sa tabi ko kaya sobra-sobra ang pag-alala ko sa kaniya kahapon baka anong mangyaring masama sa kaniya dahil hindi kami magkasama, pero ngayon nalaman ko na ang protection na binibigay ko sa kaniya ay kaya ring ibigay ng ibang tao. He overcome his trauma and I was not there. Ibang tao ang kasama niya.
"Sigurado ka bang okay kana? Kung ganun masaya ako para sa iyo" ani ko sabay ngiti. "I'm still not sure, but the important thing is I did it yesterday. It might be a coincidence or not but it's an improvement" masayang-masaya niyang balita sa akin. "I will talk Doctor Lee later at sasama ka sa akin" ma-awtoridad niyang sabi. Ngumiti lang ako sa kaniya.
"Nandito lang pala kayo" ani ni Ken na tila napapagod na sa kakahanap sa amin. Nakatayo lang si Paulo at Lloren sa likuran ni Ken. Tumayo kaming dalawa ni Jastine nang makita silang tatlo. "Uuwi na tayo" dagdag ni Ken kaya agad kaming lumapit sa kanila. Hinawakan kaagad ni Lloren ang braso ni Jastine kaya nagulat kaming lahat. Ngumiti lang ito si Lloren at hinayaan lamang ito ni Jastine. Lumapit sa akin si Paulo at binigyan ako ng burger at banana milk."You didn't eat your lunch" bulong niya sa akin kaya nagpasalamat ako sa kaniya. "Maraming salamat dito Paulo" ngumiti lang siya sa akin at sumabay sa paglakad.
Nagsisinungaling si Lloren. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Angel 1212. Tiningnan ko si Lloren na masayang nakahawak kay Jastine. Ano kaya ang ibig sabihin ni Angel tungkol kay Lloren?
YOU ARE READING
The Girl Who Came From Above
RandomGuardian Angels are entities that exist in a space beyond humans' domain. They have the duty to protect humans from imminence until life will be retrieved from them. This story revolves around an angel who sacrifices herself to rescue a suicidal hum...