CHAPTER 29: Beneath the Stars

3 1 0
                                    

Natapos na ang paglilipat bahay ko kaya nagdesisyon na silang magsiuwian. Nagpaalam at nagpasalamat ako sa kanilang lahat at hinatid sila isa-isa sa labas ng bahay. "Maraming salamat ulit Paulo" sabi ko kay Paulo. Binigyan niya lamang ako ng matamis na ngiti saka umalis sa bahay. Pagkatapos nilang nagsialisan, papasok na sana ako ng bahay ng makita pa rin ang sasakyan ni Jastine sa labas. Agad akong naglakad palapit dito.

Nakita ko si Jastine na kasalukuyang nakaupo sa kalsada habang nakayuko. Mabilis akong tumakbo palapit sa kaniya at hinawakan siya sa balikat. "Jastine... okay ka lang?" Mahina niyang iniangat ang ulo niya at nakita ko siyang namumutla. "Ang mga kamay mo...." sambit ko ng mapansin na nanghihina ang kaniyang mga kamay and its shaking heavily. "A-angel...." mahina niyang sambit kaya niyakap ko siya ng mahigpit at mahinang hinihimas ang kaniyang likuran.

Pagkalipas ng ilang minuto na ganoon ang posisyon naming dalawa ay tinanong ko ulit siya. "Jastine, okay ka lang ba talaga?" tanong ko sa kaniya. "I think... i think my trauma is back again. I don't know, it just, it happens..." sabi niya sabay tingin na tila takot na takot. Hinimas ko ang kaniyang buhok kaya napatingin siya sa akin. "Magiging okay lang ang lahat" sabi ko sa kaniya at ngumiti. Napatingin ako sa sasakyan, "Paano mo nagawang..." Itinuro ko ang sasakyan. Lagi kong nakikita ang sasakyan na ito sa kanilang garahe.

"I drove here, without thinking...." napatingin ako sa kaniya. Paano nalang kung mayroong masamang mangyari sa kaniya sa kalsada? "Bakit mo naman naisipan-..." Hindi ko naituloy ang pagsasalita ko ng nagsalita siya ulit. "I just wanted to see you" sabi niya. Nagtama ang paningin naming dalawa.

Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso. Naramdaman kong tumibok ng mabilis ang puso ko. Ano ba ang nararamdaman ko sa iyo Jastine? Bakit ba ako nagkakaganito? Agad kong binawi ang aking tingin dahil baka sasabog pa ang puso ko. "Paano ka nito uuwi?" Inosente kong tanong sa kaniya kasi ayaw ko naman na pauwiin siya sa ganoong kalagayan baka maaksidente pa siya sa daan.

"I'll stay here for a while and maybe I'll calm down later on" tumango ako sa sinabi niya. Umupo ako sa tabi niya at naging tahimik lamang kaming dalawa. "I can see that you really like the house" sabi niya sabay tingin sa bago kong bahay. Mahina akong tumango. "Oo, napakaganda" sagot ko sa kaniya. Tumahimik na naman kaming dalawa at nagsimula na naman siyang nagsalita upang basagin ang katahimikan.


"Did you already figure out how to come back?" tanong niya sa akin. Umiling ako. Hindi ko gusto na sabihin sa kaniya ang sinabi ni Augustine na paraan upang makabalik ako sa mundo ng mga taga-bantay. Walang kinalaman si Jastine sa mga naging desisyon ko at sa mga naging paglabag ko sa palatuntunin ng mga taga-bantay.

"Makakahanap din ako ng paraan Jastine, huwag kang mag-alala" sambit ko sa kaniya habang hinihimas himas ko ang aking mga tuhod dahil nagsimula ng guminaw. "You said, you were there eversince I was a kid, right?" Napatingin ako sa kaniya. Tinugunan ko siya ng mahinang pagtango. "So, you really know me that well" sabi niya sabay tingin sa nangingitim na kalangitan.

"Oo, lahat ng tungkol sa iyo alam ko" ngumiti siya at nagsalita. "So it means, you've met my mom and dad before?" Napalingon ako sa kaniya. Nakatingin lamang siya sa mga bituin sa langit. "Oo jastine. Mga mabuting tao ang mga magulang mo Jastine" Agad siyang tumingin sa akin kaya nagtama ulit ang aming mga paningin. "So, have you met my mom and dad there?" sabay turo sa kalangitan.


Umiling ako. "Wala kaming kakayahan na makita o makausap ang mga taong lumisan na sa mundo Jastine. Taga-bantay lamang kami ng tao" mahina siyang nagbuntong-hininga. "I thought you can talk to them" sabi niya na tila may kalungkutan sa kaniyang boses. "Bakit mo naman naitanong iyon Jastine?" ngumiti siya at nagsalita. "I have something to say to them and siguro if time will come that you'll be back home somewhere up there. You can pass this message to them" napatingin lamang ako sa kaniya habang sinasabi niya iyon sa akin.

"Hmmm siguro pwede mong sabihin sa akin. Alam ko naman na siguradong nakikinig sila sayo" sabi ko sabay turo ng magandang kalangitan sa itaas. Nagsisinagan ang mga bituin at sobrang mapayapa ng paligid. Hindi siya umimik ng ilang segundo.

"I do hope you're both listening to me right now. You know, mom, dad, I don't have the courage" nagbuntong-hininga muna siya bago siya nagpatuloy sa pagsasalita. "I don't have the courage to accept everything that happened. Until now, I keep on praying that everything was just a dream and one of these days, I'll finally wake up" nagulat ako dahil sa ilang buwan at araw na naging tahimik lamang siya sa nangyari pero ngayon nilalabas na niya lahat ng hinanakit sa kaniyang puso.


"I'm scared, I'm scared that I have to go on with my life alone. But you know mom and dad, it seems so unreal but I have someone here and she said she's been with me ever since I was a kid" napatingin siya sa akin at ngumiti siya na parang hindi rin siya makapaniwala sa sinasabi niya. "I'm glad, I'm glad that even I need to go through all of this, I'm glad that she's here" napalunok ako ng mahina ng marinig iyon mula sa kaniya.


Hindi ko alam pero sa pamamagitan ng pagtingin ni Jastine sa akin ay parang may kakaiba itong dahilan. "I'm glad that there's someone who's with me as I walk through the darkest path of my life" nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Nagkatinginan lang kaming dalawa at ang kaniyang mga mata ay tila may nais iparating sa akin. Unti-unti siyang lumapit sa akin. Hindi ako makagalaw dahil sa sobrang lagkit ng mga tingin niya sa akin.


Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya akong hinawakan sa balikat at nagtama ang mga labi namin. Hindi ako nakapagsalita at nakatitig lamang ako kay Jastine habang nakapikit siyang hinahalikan ako. Nagtipon ako ng lakas at marahas siyang itinulak palayo. Nagulat siya nang mapagtantuhan niya kung ano ang ginagawa niya sa akin. Bigla akong napahawak sa aking dibdib. Hindi. Hindi dapat iyon nangyari.


Nagmamadali akong tumayo mula sa pagkakaupo at tumalikod sa kaniya. Naramdaman kong uminit ang aking mga pisngi at halos manghina ang aking mga tuhod kakaisip sa biglaang pangyayari. "Angel, I ...." bago paman siya makapagsalita ay bigla akong tumakbo ng mabilis palayo sa kaniya. Pumasok kaagad ako sa bahay at naiwan ko siyang nakatayo doon sa labas ng bahay.



Humiga ako sa kama habang nakahawak pa rin sa aking dibdib. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na tila mabibingi na ako sa tunog nito. Bakit niya ako hinalikan? Umikot-ikot ako sa higaan umaasang mawawala sa isipan ko ang nangyari kanina.
















The Girl Who Came From AboveWhere stories live. Discover now