CHAPTER 1: A Sudden Unfortunate Event

7 1 0
                                    







20 years later...


Kasalukuyan akong nakaupo sa bleachers katabi ni Jastine habang umiinom ito ng tubig. Nagminute break muna sila ng mga kaibigan niya sa paglalaro ng football. Lumapit sa direksiyon namin si Paulo, ang matalik na kaibigan ni Jastine at agad naman itong hinagisan ng bottled water ni Jastine habang patuloy itong naglalakad.

"Thanks bro" ani nito sabay bukas ng bottled water at umupo sa tabi ni Jastine. "That was an intense game bro, hindi ko talaga alam kong saan ako nagkulang kung bakit hindi parin kita matalo sa football" sabi ni Paulo habang nagpupunas sa kaniyang pawis. "Nah, I'm born to be good at football bro" pagmamayabang ni Jastine dito at nagtawanan ang dalawa.

Umupo sa tabi ko si Angel 12-12-2001:11:00, kasalukuyan itong nakasimangot habang nakatingin lang sa kaniyang binabantayan na si Paulo. "Anong nangyari diyan sa mukha mo?" tanong ko sa kaniya. Bumuntong hininga ito at humarap sa akin. "Nag away na naman ang parents ni Paulo at nagalit siya kagabi. Sobrang dami niyang binibitawang masasamang salita. Nawalan na tuloy ng lakas ang mga pakpak ko" ani niya sabay tingin sa mga nanghihinang pakpak nito. "Kawawa ka naman" sambit ko habang hinihimas ang kaniyang mga pakpak. Nawawalan kasi kami ng lakas sa tuwing bumibitaw ng masasamang salita ang taong binabantayan namin. As opposite, nagbibigay lakas sa amin ang mga tawa nila, maliligayang pangyayari at ang magagandang wish nila.

"Mabuti ka nga at mabait yan si Jastine. Never ka talagang nahirapan sa pagbabantay" giit nito at sabay naman akong napatingin sa alaga ko. Napangiti ako habang nakatingin kay Jastine. "Kaya nga gagawin ko ang lahat para proteksiyonan siya lagi" sabi ko sabay balik ng tingin kay Angel 1212. Biglang tumayo si Paulo kaya napatayo din kaagad si Angel 1212. "Let's go back to the field bro" Paulo said habang niyaya nito si Jastine na bumalik na sa paglalaro.

"Susunod lang ako" Jastine said habang pinapauna nito si Paulo sa field. Mahinang naglakad si Angel 1212 kasunod ni Paulo. Itinaas ko ang aking kamay at sinabihan si Angel 1212 na "Fighting!" dahil sa sobrang kahinaan nito. Kinuha ni Jastine ang kaniyang bag at dinukot ang kaniyang cellphone mula dito. Tumayo ako at lumapit kay Jastine at nakisalo sa screen ng kaniyang cellphone.

"It's her birthday today" sabi nito sabay titig sa babae sa kaniyang lockscreen. Ito si Lloren. Ang unang babaeng nagpapatibok sa puso ng alaga ko. Ito ang unang babaeng naging parte ng buhay ni Jastine at ito din ang unang babaeng nagbibigay ng sakit sa kaniyang puso. High-school sila noon ng maging transferee si Lloren sa paaralan nina Jastine at doon nagsimulang naging malapit ang loob ng dalawa sa isa't isa.

Dahil sa palipat lipat na business ng Dad ni Lloren, napilitan itong lumipat noong nag senior high na ang dalawa and it happens na hindi manlang sila nagkausap sa huling pagkikita nila. Hindi ko alam kong bakit pero simula noong umalis si Lloren ay hindi na kailanman ito nagpaparamdan kay Jastine kahit text manlang o di kaya pm manlang sa kahit anong social media nito. Nagiging active si Lloren sa social media, pero kailanman hindi nito binabasa ang mga pinapadalang text ni Jastine sa kaniya kaya simula noon hanggang ngayon ay lagi itong nangstastalk kay Lloren.

Nakaramdam ako ng panganib kaya bigla akong humarap sa field, at doon may bolang malakas na lumilipad papunta sa direksiyon ni Jastine. Agad kong inilihis ng konti ang bola upang hindi matamaan si Jastine. "Ohhhh that was so close" sigaw ni Jastine sa kaniyang mga kaibigan na naglalaro sa field. "Sorry bro" sigaw naman ni Harold, isa din sa mga kaibigan ni Jastine at siya ang may salarin sa malapit ng pagtama ng bola sa mukha ni Jastine. Tumayo si Jastine, kinuha ang bola at hinagis ito pabalik sa field at sakto namang tumunog ang kaniyang phone kaya sinagot niya ito.

"Yes mom?" ani nito sabay sagot sa tawag ng kaniyang ina. "Are you done playing son? Susunduin ka namin ng dad mo, we will eat out. Saan restaurant mo gustong kumain?" sabi ng mom ni Jastine sa kabilang linya. Napangiti si Jastine sa kaniyang narinig at agad na niligpit ang kaniyang mga gamit. "I'll be out for a minute mom, hihintayin ko kayo sa labas ng field" ani nito sa kaniyang ina. "Okay my dear son, we're on our way there. See you soon mwah. I love you my baby" sabi ng kaniyang ina sabay patay ng cellphone nito. Nang matapos ng mangligpit si Jastine ay agad na ito lumapit sa kaniyang mga kaibigan.

The Girl Who Came From AboveWhere stories live. Discover now